“Excuse us,” paalam ni Cillian.
Tumayo kaming dalawa at maglalakad na sana nang tumayo rin si Carter. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila kay Cillian. Wala na akong oras pa para sa kanilang dalawa. Gusto ko ng umalis doon at pumuntang hospital para maikainom ng gamot!
“Let her go, Carter. May pupuntahan kami!” tinabig pa ni Cillian ang kamay ni Carter pero ako lang din ang nasaktan dahil ayaw pakawalan ni Carter ang kamay ko.
“She’s with me, Cillian!” tumaas ang boses ni Carter.
Kinuha ko ang kamay kay Carter, hindi niya inaasahan iyon kaya nakawala ako. Mas lalo akong lumapit kay Cillian. Masyadong mataas na ang dibdib ko dahil nahihirapan na talaga akong huminga at parang nasusunog na ang lalamunan ko.
“P-Please…” mahinang wika ko.
Hindi nagpaawat si Carter at muli niya akong hinila kay Cillian, nagtagumpay siya doon dahil wala na talaga akong lakas pa para sa kanilang dalawa. Ngayon ay nasa kamay na niya ako.
Umiling iling si Cillian at kita ko sa mukha niya ang pag alala sa sitwasyon ko. “Carter, she cannot breath, can’t you see? Pupunta kami ng hospital!” alarmang sinabi ni Cillian.
Medyo nagkagulo na dahil doon. Ang mga babae ay nagsitayuan na at pumunta sa gawi namin. Hinigpitan ko ang hawak kay Carter dahil gusto ko na talagang umalis doon at hirap na hirap na ako.
“Wait, what happened?!” iyong Milenda ang nagtanong.
“Kinain niya ang kani sushi at allergic siya doon, hindi na siya makahinga, Carter!” madiing sagot ni Cillian.
Dinig ko ang pag react ni Allison sa kanyang narinig. Kita ko ang pagtayo niya at tumingin sa akin.
“You’re allergic to grab and you let me put some on your plate?! Are you planning this to make a scene?!” sigaw ni Allison na puno ng galit.
Nabigla at nagulat ako sa kanya. Gusto ko pa sanang magpaliwanag ngunit nahihirapan na ako. Mahigpit akong hinawakan ni Carter mas lalo akong nagulat nang bigla niya akong binuhat at nagmadaling lumabas doon. Kita ko rin ang pagsunod ng dalawa niyang kaibigan dahilan para isipin na iniwan nila sila Allison doon.
Pinasok ako ni Carter sa loob ng sasakyan niya at kaagad iyong humarurot. Napahawak ako ang kamay ko sa aking lalamunan dahil sa kati. Nagsimula na akong magpanic dahil sa takot at hirap sa paghinga.
“Oh, don’t cry,” warning ni Carter sa akin.
Pero dahil sa sinabi niyang iyon ay tuluyan na akong umiyak. Sinubukan kong sambitin ang pangalan niya ngunit walang boses ang lumalabas sa labi ko. Mas mahigpit akong hinawakan ni Carter at ramdam ko ang kamay niyang hinagod ang leeg ko.
Umiiyak ako habang papunta kami ng hospital. Nang makarating ay muli akong binuhat ni Carter ni at nagmadali papasok ng hospital. Agad akong nilapitan ng mga nurse roon at inasikaso. Pinahiga ako ni Carter sa kama at doon kaagad ako tinignan.
“Who’s the patient, Carter?” I heard someone asks.
Hindi ko narinig ang sagot ni Carter dahil iba na iyong nasa isipan ko dahil sa nararamdaman. I feel something pain on my thigh pero kalaunan ay nawala rin iyon.
“We already push epinephrine. Let her rest for a while and let’s wait for the progress. We’ll monitor everything, don’t worry, Carter.” Dinig kong sabi ng lalaki na parang doctor siguro iyon.
Nakaramdam ako ng pagkahilo ilang minuto bago ko naramdaman ang sakit sa legs ko, akala ko kaya kong kalabanin ang antok na nararamdaman ko pero sa huli ay tuluyan akong nakatulog.
***
Nagising ako sa panibagong silid. Alam ko naman kaagad kung nasaan ako kaya hindi na ako nagulat pa. Pero ang kinaiba lang ay nasa silid na ako ngayon at hindi sa emergency area.
“Sir, gising na po si Ma’am.” dinig kong may nagsumbong.
Napatingin ako sa lalaking nasa gilid ng pintuan at kaagad ding lumabas nang makita ako. My breaths are already normal, wala na iyong sakit ng lalamunan ko pero iyong sakit ng ulo na lang.
Sinubukan kong umupo at nagtagumpay naman ako roon pero madaming daing ang pinakawalan ko.
“Sir, t-tatayo po s-si M-Ma’am,” tarantang sumbong ng lalaki.
Umupo ako gilid ng kama at tatayo na sana kaso muli akong nakaramdam ng pagkahilo. Muli akong bumalik sa pagkakaupo. Ilang minuto akong umupo hanggang sa narinig ko ang pwersahang pagbukas ng pintuan at bumungad sa akin ang galit na mukha ni Carter.
He was looking at me dangerously, animo’y sasaktan ako.
“Can’t you fu-cking see that you’re sick?” singhal niya kaagad sa akin.
Napasinghap ako at ngumuso bago bumalik sa gitna ng kama. Umiwas ako ng tingin dahil sa mga mata niyang matatalim ang tingin.
“Anong nararamdaman mo ngayon? Nahihirapan ka pa rin bang huminga? Ano pang bawal sa ‘yo? Saan ka pa may allergy para hindi mo na makain sa susunod!” sunod sunod niyang sinabi at umupo sa harapan ko.
“Ayos na ako pero masakit lang ang ulo ko at doon lang talaga ako bawal.” iniwas iwas ko ang aking mata dahil sa mata niyang hinahanap ang mata ko. “At isa pa… Hmm… S-Sorry kasi… hindi ko naubos i-iyong pagkain… at n-nasira ko iyong… dinner ninyo.” guilty na guilty talaga ako sa nangyari.
Umungol siya at tumayo. “Da-mn you!” nagulat ako sa mura niya. “Mas iniisip mo pa ‘yon keysa sa nangyari sa ‘yo? I don’t f-ucking care about the food on you plate and I don’t f-ucking care about the dinner either, you almost die, Isobel!” sigaw niya.
Huminga ako ng malalim at talagang dinamdam ang mga nangyari.
“At hindi mo pa unang sinabi sa akin—”
“Ayaw kitang istorbuhin sa ginagawa mo. Busy ka roon at importante ang pinag uusapan ninyo habang si Cillian naman hindi, kaya mas mainam na siya iyong sabihan ko. Kung pwede nga sana ay hindi mo na lang ako dinala rito at si Cillian na lang ay maayos lang. Hindi kita isustorbuhin kung nasa kalagitnaan ka ng importanteng bagay—”
“Shut up!” putol niya sa sinabi ko. “I wasn’t f-ucking busy talking Isobel. I was f-ucking eyeing you while you are curiously watching that d-amn sushi. Iyong ‘yong tinignan ko roon habang nandoon ka sa tabi ni Cillian!”
Napakagat ako ng labi para pigilang ang labi na umuwang dahil sa sinabi niya. He was angry while saying those words, the reason why I wasn’t sure about his real feelings while saying.
“Dapat sinabi mo sa akin no’ng naramdaman mong nahihirapan pa na huminga! And guess what, you have a lot of crabs you f-ucking plate. Paano kung nakain mo iyon at mas lalong mahihirapang huminga!”
Hindi ko alam kung bakit galit na galit siya at sobrang taas ng boses niya.
“Tinitignan ko lang naman iyon nang biglang nilagay ni Allison iyon sa pinggan ko. Hindi naman ako makareklamo baka pagalitan mo ko!” singhal ko rin pabalik sa kanya.
His face soften a little bit. Nawala na iyong mata niyang nakakatakot sa sigaw ko rin.
“Bakit naman kita papagalitan?” mahinahon nitong tanong.
“Baka isipin mong sinasayang ko ang pagkain. Dapat sa susunod h’wag mo na lang akong isama, ‘di naman ako tatakas sa bahay mo.”
Umiling siya. “No, I shouldn’t invite Allison next time.”