Kabanata 2

1430 Words
“Now, you’re awake.” Iniwasan ko ang kamay niyang akmang hahawakan ang pisngi ko. Sinusubukan kong maging matapang para makawala rito pero dahil sa kanilang ginawa ko ay parang hinang hina na ang buong katawan ko. “Please po, p-pakawalan n-niyo na a-ako… N-Nahihirapan na po ako d-dito… G-Gusto ko na rin pong umuwi…” Mahina at parang bulong ko ng sinabi dahil sa pagod na nararamdaman ko. Binaba nito ang katawan para lumebel sa akin. Muli akong nagmakaawa sa kanya. Alam kong sasaktan ako dito kay mas mabuting makaalis ako. “P-Please po…” pagmamakaawa ko. “You just came here and now you wanted to go home? You’re already sold to me, didn’t you?” Umiling iling kaagad ako. “H-Hindi ko alam k-kung ano ang k-kasunduan niyo ni Uncle. Gusto ko lang naman pong u-umuwi…” “You’re Uncle sold you to me, is that not clear?” matigas na ingles niyang tanong. Hindi ako nagsalita. Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko sa kanya. At mas nanaig naman ang takot dahil mas lalo siyang lumapit sa akin. Hirap na hirap ako sa kalagayan ko dahil sa posas. Nang dumikit na siya ng todo sa akin ay doon ko naramdam ang pagkaluwang ng kamay ko… Umuwang ang labi ko at hindi ma proseso ng utak ko ang ginawa niya. Hindi ko muna inalis ang kamay ko dahil sa takot na baka ibalik niya iyon at tuluyan na niya akong iposas buong araw ko dito. “Anong gagawin mo sa akin?!” angal ko nang biglaan niya akong itayo, kaagad ko namang naramdaman ang sakit sa tuhod ko. Hindi ko mapigilang mapadaing dahil sa hila niya sa akin at sa pagkakahawak ng kanyang kamay. Parang walang awa niya akong hinila hanggang sa makababa kami sa unang palapag ng bahay. Ang masaklap pa doon ay kamuntik pa akong matumba dahil sa bilis niyang maglakad habang nasa hagdag. “Ano ba, masakit na!” hindi ko mapigilang reaksyon sabay kuha ng aking kamay at nagtagumpay naman. “Eat and you will come with me,” simpling bilin niya dahilan ng pagkalito ko. “Ha? Anong sasama sa ‘yo? Ano bang kailan—” hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko dahil may humila na sa akin lalaki at pinaupo ako sa isang mahabang lamesa. Nakatingin ako sa lamesa. Samo’t sari ang mga pagkain doon. Gusto ko ng kumain dahil gutom na rin naman ako ngunit natatakot ako na baka may lason pa itong pagkain at mamatay ako bigla dito. Tumingin ako sa lalaking nakatayo sa gilid ko, tinuro ang pagkain bago nagsalita. “Walang lason naman siguro ito? Ayaw ko pang mamatay.” Sinagot niya lamang ako ng isang tango. Gusto ko sanang unahan na niya ako sa pagkain para malaman ko ngunit muli kong narinig ang lalaki na kumain na raw ako. Umirap ako bago kinuha ang kutsara at saka tinidor. Tahimik akong kumain doon. Dinamihan ko talaga para hindi ako mabilis ma gutom at mapagod. Nang matapos at makapagpahinga saglit ay muli akong hinila ng lalaking nasa gilid ko. Dinala niya ako sa isang silid at bigla na lang akong tinulak dahilan para matumba. Napadaing ako sa sakit dahil sa ginawa niya. Nang tumaas ang ulo ko, muli kong nakita ang lalaki na ngayon ay naka upo na sa kanyang office chair. Kitang kita sa kanyang mukha ang foreign features niya. Hindi naman ako expert when it comes sa mga ganito dahil hindi pa naman ako nakakalabas ng bansa at hindi naman ako nakakapagcellphone talaga. Pero kakaiba ang kanyang mukha, parang may halong ibang lahi. Mayroon din siya stubbles. Kanina noong nasa silid ay may nakita rin akong nakasilid na tattoo sa kanyang kamay. I can say that he is not an ordinary man, he has a power. “Sit here,” sabay lahat ng kamay niya sa upuang nasa harap niya. Dahil sa sakit ng tuhod ko ay medyo nahirapan ako sa pagtayo. Dahan dahan akong naglakad hanggang sa naupo sa upuan. Kita ko ang paggalaw ng adams apple niya. “Since you are already sold to me, I have to tell you that I own you. You will only obey me and once you defy me, you will be punished.” Umuwang ang labi ko. He owned me? Walang may nagmamay ari sa akin! “Sorry, baka namali lang si Uncle sa ginawa niya. Hindi ako for sale at hindi ako pambayad para ganonin niyo ako!” react ko. “He already signed everything, Isobel Lily Mendoza. You are now, mine.” Nagulat ako ng binigkas niya ng buo ang buo kong pangalan. Sinabi ni Tito lahat ng pagkatao ko? “Sino ka? Gusto ko rin malaman ang pangalan mo.” wika kong nanginginig ang kamay. Nilahad niya ang kamay ay doon ko nakita sa gilid ang pangalan niyang nakaukit sa isang crystal. Carter Caius Tyson Ano?! Tyson! Familiar iyon sa akin at parang narinig ko na sa labi ni Uncle at Auntie pero hindi ko siya kilala. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya p’wera na lang na hilig niya ang casino dahil doon ko siya nakita! “And since you’re already here, get dressed. I have an important meeting and you’ll come with me.” “Ha? Ano bang gagawin ko kasama ka? Mukhang marami ka namang tauhan na para maging alalay mo. Hindi mo na ako kailan, pakawalan mo na ako.” Parang umiba ang hangin dahil sa sinabi ko. Umikit ang galit sa mukha niya at umigting ang mga panga na animo’y kaunti kaunti na lang ay sasabog na sa galit dahil sa hindi ko pagsunod sa sinabi niya. “You really want me to repeat everything I said.” madiin niyang sabi. “Gusto ko lang malaman kung ano ang kailangan mo sa akin! Dahil mukhang hindi mo naman talaga ako kailangan.” “I f*****g need you!” nagulat ako sa pagsigaw niya, halos maalis na ako sa kinauupuan ko. Ako? Kailangan niya? “You will f*****g help me with everything, you will act as my girlfriend, as my slave, as my maid, everything that I want! Simula ngayon hinding hindi ka na aangal sa sasabihin ko at susundin mo lahat ng gusto ko dahil iyon ang naman ang halaga mo sa buhay ko, do you understand?” Kumurap kurap ako nang marinig ko siyang magtagalog. He was fluent, he knows how to speak it clearly. Mukhang matagal na siya dito o dito rin siya lumaki sa pilipinas. “Hanggang kailan?” buong tapang kong tanong. Kung iyon ang dahilan para makaalis ako ay gagawin ko. Alam ko namang magsasawa rin ito sa akin. Sa itsura at pormahan pa lang niya alam kong marami siyang babae. Mas mayaman pa at mas maganda, hindi iyong sa akin… Tumaas ang kilay ni Carter at mukhang tinatansya ang expresyon ng mukha ko. Bumuntong hininga ako at muling nagsalita. “Alam kong may halaga ang utang ni Uncle sa ‘yo, hindi naman siguro ako habang buhay sa tabi mo hindi ba? Magsasawa ka rin naman. Gusto kong malaman kung hanggang kailan ako magiging sunod sunuran sa ‘yo.” “You want to know how much your uncle owns me?” Kaagad akong tumango pagkatapos ng tanong niya. Tumayo siya sa kanyang inuupuan at may kinuha sa kanyang likuran. Nilapag niya ang isang papel doon at kaagad ko naman kinuha. Napatingin pa ako kay Carter bago ko iyon dahan dahan na binuksan. Nang tuluyang makita ay halos maluwa ang mata ko doon. Napakagat ako ng labi at muling napatingin sa lalaki. 15 Million! 15 Million iyon! Kahit buong buhay ko ata siyang pagsilbihin parang hindi ko kayang mabayran ang lahat ng iyon! It was a one night! Isang gabi ng laro niya tapos 15 Million ang natalo niya?! Napalunok ako. “Kahit patayin mo ata ako sa trabaho hindi ko kayang bayaran ang lahat ng ito…” naging mahinahon ang boses ko at parang nawala ang tapang ko kanina. Tumango tango siya at parang nag isip ng sulusyon. “Mababayaran ko ‘to kapag nagtrabaho ako sa ibang bansa, bigyan mo ako ng oras…” bawi ko sa naunang sinabi. “No. You will work for me until I am satisfied. I will not let you pay for all of that. You say, mabilis akong magsawa, hihintayin natin hanggang kailan ako magsasawa.” “Kailan ka magsasawa?” hindi ko alam kung saan ako nakahugot ng lakas ng loob para tanungin iyon. “Let’s see,” aniya sabay may ngisi pa sa labi. He was teasing me!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD