"Siya, siya ang kunin niyo!"
Umuwang ang labi ko at napahinto sa sinabi ni Uncle. Lumalim nang lumalim ang hininga ko. Sunod sunod akong umiling sa kanya at mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa pintuan. Ramdam ko na tumingin ang lalaki sa lugar kung saan ako ngunit hindi ko na iyon tinignan pa dahil sa takot ko.
Armadong lalaki sila alam kong sasaktan din nila ako kung tuluyan nila akong makukuha kay Uncle. Ramdam ko na sindikato iyon kung saan natalo si Uncle kagabi. Namumuo na ang butil sa noo dahil sa sinabi ni Uncle.
“Siya, siya ang kunin niyo!” muli niyang sinabi at tinuro pa ulit ako.
Kita ko sila Lovie at Ruby na lumapit sa kanilang ina. Sinubukan ko ring humakbang papunta roon at makalayo sa mga lalaking nandito ngunit nangibabaw ang takot sa buong katawan ko. Nanginginig na ang kamay kong nakahawak sa pintuan at maging ang tuhod ko ay gano’n din.
Napakagat ako ng labi at napatingin kay Tito. Muli niya akong tinuro sa mga kalalakihan kaya mas lalo akong kinabahan.
“U-Uncle…” pagtawag ko sa kanya.
Sunod sunod akong umiling at sinubukang tumakbo doon papunta sa lugar nila ngunit kaagad akong hinawakan ng lalaki. Ang kaba sa dibdib ko ay sobra sobra na dahil sa takot. Muli kong tinawag ang pangalan ni Uncle kahit ang mga pinsan ko ay tinawag ko rin ngunit hindi nila ako pinsan.
Sinubukan kong manlaban ngunit sa laki niya at sa liit ko ay hindi ko kayang kumawala sa kamay niya. Sumigaw ako nang sumigaw ngunit parang walang naririnig sila Uncle at parang ang pamilya lang niya ang prenotektahan niya.
Oo, gustong gusto kong kumawala sa bahay na iyon. Gusto ko ng umalis doon ngunit hindi sa paraang ganito. Hindi sa paraan ng pwersahan at parang sa mga tao pang mas lalo akong sasaktan. Natatakot na talaga ako.
“Lovie, Lovie, please, tulungan mo ‘ko!” tawag ko sa pinsan ko.
Kahit maldita si Lovie sa akin ramdam kong minsan ay mabait din siya. Kita ko ang namumuong luha sa mga mata niya. Gusto niya man akong tulungan ay parang hindi niya iyon magagawa dahil na rin sa takot.
Hinila na ako ng mga lalaki papalabas ng bahay namin. Kahit na ramdam ko na ang pagod dahil sa pagpupumiglas ko ay hindi ko tumigil dahil gusto ko talagang kumawala sa kanila.
“Uncle!” muli kong sigaw.
Dahil na rin sa ginagawa ko ay naramdaman ko na ang sakit sa kanilang pagkakahawak sa kamay ko. Umiiyak na ako dahil sa sakit at dahil na rin sa takot. Nang dalawang kamay na talaga ang humawak sa akin ay doon na ako nawalan ng pag asa at tuluyan na nila akong napalabas ng bahay.
“Please po, p-parang awa n-niyo na. W-Wala po akong p-pera, hindi k-ko po k-kayang bayaran ang u-utang ni Uncle.” pagmamakaawa ko.
Sinubukan ko pang lumuhod ngunit hindi ko na rin nagawa iyon dahil pinasok na ako sa isang sasakyan. Sinubukan kong tumingin sa labas ngunit walang tao rito. Masyadong pribado ang lugar namin dahil kay Tito. Gusto niya sa isang pribadong subdivision kami tumira sa kung saan nakatira ang mga mayayaman.
Noong una iyon dahil may kaya naman talaga sila ni Auntie at dahil na rin sa pinapadala ni Mama pero simula noong nalululong siya sa sugal ay parang bula na nawala ang mga ipinundar niya at parang iyong bahay na lang din ang natira sa ari-arian nila.
“Please po, huwag niyo po akong saktan. Saan niyo po ako dadalhin, iuwi niyo na po ako sa bahay namin. Plea–” hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang may kung sinong naglagay ng panyo sa bibig ko.
Muli akong nanlaban ngunit sa pagkakataong iyon ay nawalan na ako ng malay.
Nagising na lang ako nang maramdaman kong may lumapag sa akin sa isang malambot na bahay. Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata at sinubukang gumalaw ngunit kaagad kaagad kong naramdaman na nakaposas pala ang mga kamay ko.
“You will wait here, he will come. Don’t make any noise, no one can hear you.” dinig ko sabi ng kung sino bago ko narinig ang pagsira ng pintuan.
Umiiyak ako na nakaposas sa silid na iyon. Hindi ko alam kung bakit ako naroon, ni hindi ko naman nakakasalamuha ang mga taong iyon. Hindi ko naman sila kilala at bakit ako ang pinambayad ni Uncle. Gano’n na ba niya kagusto na mawala ako sa bahay nila. Sana sabihin na lang niya dahil aalis na rin naman ako doon…
Gusto ko namang umalis sa bahay na iyon at may posibilidad na kaya kong umalis doon pero dito…
“Mama…” tawag ko kahit alam kong wala namang makakarinig sa akin at wala na rin naman si Mama.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang buhay na binigay sa akin. Sinubukan ko namang maging mabait dahil iyon ang bilin ni Mama sa akin bago siya umalis. Kapag daw magiging mabait ako ay walang taong aaway sa akin at magiging mabait din ang lahat sa akin.
Kapag daw naging mabait ako ay gugustuhin ako ng tao.
Pero bakit gano’n?
Naging mabait ako pero ni isang taong naging mabait sa akin…
Mahina akong umiiyak nang narinig ko ang pagbukas ng pintuan agad akong napabalikwas sa aking hinihingaan. Nanginginig na ang buong katawan ko dahil sa iyak at takot habang sinusubukan kong umupo sa kamang iyon. Kung hindi lang ako nakagapos e ‘di sana ay mabilis ang galaw ko.
Nang magtagumpay ay napatingin ako sa lalaking pumasok. Sa damitan pa lang niya alam ko ng mayaman at makapangyarihan siyang tao. Habang tinitignan siya mula ulo hanggang paa ay napansin ko ang isang Leon sa kanyang necktie. Mas lalong umangat ang ulo ko hanggang sa naanig ko ang mukha niya.
Hindi ko nakita ang mukha ng lalaking nabangga ko sa casino pero nakita kong may ganoong Leon din ang nabangga ko.
Mariin siyang nakatingin sa mga mata ko. Makapal ang kanyang kilay, matangos ang kanyang ilong, umiigting ang kanyang panga, ngunit nakakatakot siya kung tumingin…
“Now, you’re awake,” sabi nito at sinubukan pang hawakan ang pisngi ko.