Simula

1327 Words
“Putangina ka talagang bata ka! Hindi ka man lang nagsasabi na hihingi ka ng pera! Napakawalang hiya!” sunod sunod na sigaw ni Uncle sa akin pagkatapos daw mawalan ng pera sa kanyang tinataguan. Kaagad naman lumandas ang luha sa pisngi ko matapos kong maramdaman ang lagapak ng kamay niya sa aking pisngi. Pigil ako sa pag iyak ngunit hindi ko talaga kayang pigilan dahil sa sakit at hapdi. Wala akong kinalaman sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang pinibintang niya sa akin. Hindi ko alam kung saan ang tinataguan niya at hindi ko alam na may pera pala siya. Lulong si Uncle sa sugal. Iyon lang ata ang dahilan niya kung bakit siya nagtatrabaho ay dahil sa sugal niya. Maging si Auntie ay gano’n na rin, nagsusugal na rin. Kaya may posibilidad na siya ang kumuha ng pera. At isang araw pa ay nakita ko siyang may dalang pera at parang nagmamadali. “B-Baka p-po si Auntie ang k-kumuha—” napahinto ako sa sunod kong sasabihin dahil isang kamay naman ang dumapo sa pisngi ko. “Gaga ka! Anong ako?! ‘Di ko nanakawan ang asawa ko, bintang ka nang bintang baka mamaya ang dalawang anak ko naman ang sisisihin mo!” sigaw niya. Napatingin ako kila Rudy at Lovie, pareho silang nakatingin ng masama sa akin ngunit may ngisi sa mga labi na animo’y nagagandahan sa nagaganap ngayon. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago ko muling hinarap si Uncle. “H-Hindi ko po a-alam na m-may pera p-po kayo, wala p-po a-akong kinalaman d’yan.” tangol ko sa aking sarili. “Anong wala?! Wala namang magnanakaw sa bahay na ‘to kung ‘di ay ikaw!” paratang ni Uncle sa akin. Gusto ko pa sanang magsalita ngunit alam kong ako lang rin naman masasakatan kapag ginawa ko iyon. Tahimik akong umiiyak sa harapan ni Auntie at Uncle, dinig ko rin ang bulungan ng mga pinsan ko likuran. Gusto ko nang umalis at tumungo sa silid ko dahil natatakot na talaga ako, hindi ito ang unang beses na dumampi ang kamay nila sa pisngi ko. Simula ata noong iniwan ako ni Mama sa kapatid niyang si Uncle Tim ay ganito na ang kinalakihan ko. Sabi nila ay namatay na si Mama sa ibang bansa sa kung saan siya nagtatrabaho habang hindi ko naman kilala si Papa. Isang beses ko lang din siyang nakita ngunit nakalimutan ko na rin ang mukha niya dahil masyado pa akong bata noon nakita ko siya. Wala na akong kilalang pamilya ni Mama si Uncle Tim lang iyon kaya mas minabuti kong mamalagi rito. Huminto na rin ako sa pagpasok sa eskwela dahil hindi na raw kaya ni Uncle Tim na ipasok kaming tatlo sa paaralan. Dalawang taon na lang sana ay graduate na ako, pinilit ko naman sila. Ako ang magtatrabaho sa sarili ko ngunit ayaw talaga nila at gusto nilang mamalagi ako sa bahay nila at pagsilbihan silang pamilya. “Anak ng! Putangina talaga!” napatalon ako sa sigaw ni Uncle habang nakatingin siya sa kanyang cellphone. Mabilis siyang tumayo sa kanyang inuupuan at kaagad kinuha ang kanyang bag. Tumingin siya sa aming lahat, halatang problemado. “Aalis tayo, galingan niyo lahat!” Hindi ko kaagad nakuha ang sinabi niya kaya kumunot ang noo ko. Aastang magtatanong na sana ako nang hinawakan ni Lovie ang kamay ko at hinatak papalabas ng bahay. Sumakay kami sa kotse ni Uncle at kaagad niyang menaneho iyon. Magtatanong na sana ako kay Lovie nang nilakihan niya ako ng mata. Taka, naguguluhan, at natatakot ako habang gumagalaw ang sinasakyan namin papunta kung saan. Hindi ko alam ang lugar na tinatahak namin kaya mas lalo akong kinabahan. Pumasok si Uncle sa isang malaking gate at pinarada rin iyon nang makita namin ang malaking gusali. Tinulak ako ni Rudy at kamuntik pa akong matumba. Namilog ang mga mata ko at napauwang ang labi sa nakita. Casino… Ito siguro iyong sinusugalan ni Uncle. Bakit nila ako sinama? Hindi ko alam kung paano maglaro rito at never pa akong nakapasok sa ganito lugar. Muli akong tinulak ni Rudy at pumasok kami sa loob. Ingay mula sa casino ang bumungad sa amin. May mga taong natatawanan, may mga taong nagpupunyagi sa kanilang pagkapanalo, at may roon ding mga taong nadismaya. “Mang-akit ka ng mayaman Isobel para makapaglaro tayo,” bulong ni Lovie sa akin na ikinagulat ko. Agad akong lumayo sa kanya at nilibot ko ang buong casino hanggang sa may kung sino akong nabangga. Agad akong yumuko nang makita ang mamahalin niyang suot. “S-Sorry po…” ani ko at umalis na roon. Muli kong hinanap sila Uncle at tumingin tingin ako sa lamesa nila. Kaunti na lang chips nila sa harap dahilan kung bakit mukhang galit naman si Uncle. “Umalis ka nga Isobel, malas mo! Maghanap ka ng mayaman doon!” sabay tulak ni Auntie sa akin at muli na naman akong may nabangga. Nang makita ang pamilyar na leon sa kanyang neck tie ay kaagad akong humingi ng tawad bago tumalikod at lumisan sa lugar na iyon at pumunta sa isang silid. Nakahinga ako ng maluwag dahil ako lang mag-isa ang naroon. Hindi ko alam kung ilang oras ako namalagi roon hanggang sa may pumasok sa silid. Tipid akong napasigaw at kaagad na tumalikod para hindi makita ang dalawang tao na naghahalikan. Ramdam ko ang kalabog ng puso ko sa gulat at takot na rin. “What the hell are you doing here?!” dinig kong ani ng lalaki. “Sorry po, hindi ko naman k—” hindi ko na tinapos pa at tumakbo ako papuntang pinto ngunit napahinto rin nang may kamay na humawak sa braso ko. “Who are you?” tanong nito. Hindi ako nagsalita at pilit na kinuha ang kamay hanggang sa tuluyan akong nakawala. Bumalik ako sa mga naglalaro at hinanap si Aunte at Uncle. Hirap na hirap ako sa paghahanap sa kanila, mabuti na lang ay nakita ko si Lovie na nakakandong sa isang lalaki. Agad naman siyang lumapit ngunit masakit ang mata. Magsasalita na sana siya nang may humigit sa aming dalawa. Nagulat ako at akmang tatakas pero nang makita si Rudy iyon ay hindi na ako pumalag. “Umalis na tayo, nagkagulo na sa umupuan nila Papa,” sabi niya. Mabilis ang lakad namin at pumasok sa loob ng sasakyan. Sunod kong nakita si Auntie at Uncle. Nang makapasok ay kaagad nitong binuhay ang sasakyan at pinaharorot. “Putangina talaga iyon si Tyson! Mandaraya!” galit na galit si Uncle. Nang makarating kami sa bahay ay pumasok ako sa silid ko. Kinabukasan ding iyon isang malakas na kalabog ang sunod sunod na kumatok sa pintuan ng bahay namin. Dinig ko ang pagsigaw ni Auntie na buksan ko iyon kahit na malapit lang din siya doon. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at tinungo ang pintuan. Nanlaki ang mga mata ko sa sunod kong nakita, nagdadalawang isip pa kung bubuksan iyon o isasarado dahil sa mga baril na hawak nila. “S-Sino po sila?” natatakot kong tanong. “Nasaan si Tim?” tanong ng isang lalaki. “H–” nahinto ang sasabihin ko dahil biglang binuksan ng lalaki ang pintuan para makapasok sila ng bahay. Sigaw ni Auntie ang sunod kong narinig. Maging si Lovie ay ganoon din ang reaksyon. Nang makalabas si Uncle sa silid nila ni Auntie ay nanlaki ang mga mata niya. Hirap na hirap siyang humakbang. Parang ang matapang na nakilala ko ay naging tuta na lang sa nakita niyang armadong lalaki. “Nasaan na ang pambayad mo, hinihingi na ni Mr. Tyson.” anito sa isang matigas na tuno. Hirap na hirap si Titong ibuka ang kanyang labi. “W-Wala p-pa, akala ko pa 24 hours. H-Hind—-” “Nasaan na!” sigaw ng lalaki. Napahinto si Tito sa paglalakad at kaagad akong tinuro. Nanlaki ang mata ko at humigpit ang hawak sa pintuan. “Siya, siya ang kunin niyo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD