Chapter 2

1650 Words
Demetrius Pov NAHANAP KO ang babaeng nakilala ko sa hospital. Sa tulong na din ni Kevin ay napalaya ko ang babaeng. Binayaran ni Kevin ang pyansa niya at mismong pera ko ang gimamit. Nang makalabas ang babae ay naka abang ako sa labas ng presento. Nakita ko ang ngiti niya sa labi habang nagpapahid siya ng luha. Kausap niya si Kevin at nagpapasalamat siguro siya. Akala yata niya ay si Kevin talaga ang nagbayad ng pyensa niya. Hindi ko mapigilan mapangiti habang nakatitig sa mukha ng babae. Nasa loob ako ng sasakyan at hinihintay na magpaalam ang dalaga kay Kevin. Ilang sandali pa ay nagpaalam naman 'to at naglakad na sa gilid ng kalsada. Lumingon naman sa 'kin si Kevin at sumenyas kahit hindi naman niya ako nakikita sa loob ng sasakyan. Agad kong binuhay ang makina ng sasakyan at pinausad na lamang 'to. Mabagal lang ang takbo na ginagawa ko para lang masundan siya. Nakita ko siya na sumakay ng tricycle dahil sinabihan ko si Kevin na bigyan siya ng pera. Alam ko kasi na wala siyang pera dahil nasa kulungan siya. Sunod lang ako ng sunod sa kanya. Sinusundan ko lang ang tricycle na sinasakyan ng dalaga hanggang sa makarating siya sa hospital. Ito ang hospital na sinasabi niya. Siguro ay pupuntahan niya ang mama niya. Agad akong nag park ng sasakyan. Ang mata ko ay hindi ko inaalis sa babae at baka hindi ko siya masundan. Habang ginagawa ko yun ay agad kong pinatay ang makina ng sasakyan at bumaba. Napamura ako dahil nakapasok na yata ang dalaga. Hindi ko pa naman alam ang pangalan o apelyido ng mama niya kaya hindi ko alam ang itatanong ko sa information desk. Napakamot nalang ako sa likod ng ulo ko at agad na tumakbo papunta sa entrace ng hospital. Hahanapin ko nalang siya kaysa naman wala akong gawin. Nakapasok ako sa entrance at agad akong naglakad at palinga-linga sa paligid. Hinahanap ko talaga ang dalaga pero hindi ko siya mahanap. "Alam ko kung nasa'n siya, buddy." Biglang sulpot ni Koa sa likod ko. Agad nalukot ang mukha ko dahil hindi ko alam na nandito siya. Para talaga siyang kabute na sumusulpot- sulpot lang. "Ano na naman ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya dahil hindi ko naman sinabi sa kanya. Pero ang lakas talaga ng radar niya. Si Kevin lang ang tinawagan ko at hiningian ng tulong. "Tinutulungan ka, bud. Bawal ba?" Kunot noo niyang tanong sa 'kin. "Bawal! lalo na't makaki ka maningil. Hindi ka naman ganyan dati ah.. 10 pesos lang ay okay ka na. Nagbago ka na talaga." Madrama kong sabi para hindi niya ako singilin ng malaking bayad. "Ikaw nga din diyan eh.. nagbago ka din. Kailan ka pa natutong sumunod- sunod sa babae ha! Sa pagkaka alala ko ay wala kang planong mag girlfriend o di kaya mag- asawa. Ano na?" Tanong niya sa 'kin habang nakataas ang isa niyang kilay. Nalukot ang mukha ko sa sinabi ng kaibigan ko. "Porke't may sinundan lang.. mag-aasawa na agad. Hindi ba pwedeng gusto ko lang siyang tulungan. Tarantado ka talaga! Anong room?" Tanong ko pa sa gago para makita ko na si Evelyn este.. yung mama niya pala para matulungan ko siya. "Anong room.. nasa gilid ng hallway sa may malapit sa banyo. Nakahiga do'n ang mama niya pero hindi inaasikaso." Sabi ni Koa kaya natigilan ako. Tangina talaga.. hindi talaga nila inasikaso ang may sakit. "Tara na!" Aya ko kay Koa dahil gusto ko ng makita ang kalagayan ng mama ni Evelyn. Nakakainis ang systema ng mga putangina na pera lang ang katapat para asekasuhin. Kapag mahirap.. sa may banyo ka malapit. Hindi na tama ang ginagawa nila sa mga pasyente na salat sa pera. Naunang naglakad si Koa sa 'kin dahil alam niya kung nasa'n. Nakarating kami sa isang hallway na maraming tao na nagkukumpulan. May mga pasyente do'n kasama nila ang mga bantay nila. Agad kong inilibot ang tingin ko at nakita ko si Evelyn na may kayakap na babae. May puti na ang buhok kaya alam ko na siya ang mama niya. Masasabi ko talaga na nagsasabi siya ng totoo na nasa hospital ang mama niya. Napabuga ano ng hangin dahil ang daming mga pasyente dito na hindi man lang pinapansin ng mga hospital. Mas mura kasi dito kaya dito sila pumupunta. Pero sa palagay ko ay mas okay ang hospital kung saan ako nag tra- trabaho dahil may mga programa naman sila para sa mga taong mahihirap. Lumingon sa 'kin ang dalaga at nagtagpo ang tingin namin dalawa. Siniko pa ako ni Koa kaya napatingin ako sa gawi ng kaibigan ko. "Lumapit ka na do'n. Lapitan mo na siya." Sabi ni Koa sa 'kin. Napabalik ang tingin ko sa dalaga at nakitang nakakunot ang noo niya. Naglakad ako papunta sa kanya at hindi mapigilan na mamangha sa ganda ng dalaga. Namana niya ang kutis ng kanyang ina na morena. "D-Doc.. ano pong ginagawa mo dito? Dito ka ba po sa hospital na 'to naka duty?" Tanong pa sa 'kin ng dalaga na halatang nagtataka. Umiling naman ako at tumingin sa mama niya na halatang nanghihina sa ubo. Ubo kasi 'to ng ubo at ang payat na ng ina niya. "Napabisita lang. Mabuti naman at nakalaya ka na." Sabi ko sa mahinang boses. Baka kasi hindi alam ng mama niya na nakulong siya. Kaya hinanaan ko ang boses ko. "Opo, doc. May mabait po na pulis na naawa sa 'kin." Sagot ng dalaga kaya napatango- tango ako. Alam ko naman na si Kevin ang tinutukoy niya. "Kamusta ang mama mo?" Tanong ko sa kanya. "Ayaw parin po i-admit, doc. Hanggat wala daw kaming pang down. Puno din po kasi ang hospital kaya wala daw po muna space sa ibang mga pasyente na walang pang down. Binabalak ko nalang po na iuwi si mama ko. Kasi.. nasa malapit po ng banyo at hindi po siya nakakatulog ng maayos. Marami din po kasing pasyente kaya mas lalo lang po siyang magkakasakit." Mahaba niyang sabi sa malungkot na boses. Piste talagang hospital. Walang space. Dami nilang alam. Tumikhim ako para mawala ang bara sa lalamunan ko. "Gusto mo bang.. tulungan kita sa pagpapagamot sa mama mo?" Tanong ko kay Evelyn at hindi na nagdalawang isip pa na mag alok ng tulong "P-Po? Seryoso ka po ba, doc?" Tanong niya sa 'kin sa nauutal na boses. "Yes. Seryoso ako. Hindi magagamot ang mama mo kung walang sapat na pera. Harapin natin ang totong realidad. Kaya ako nag o-offer. Nasa sayo na kung tatanggapin mo ang alok ko." Sabi ko sa seryosong boses. "Hindi ko po alam ang sasabihin, doc. Ang dami pong magandang nangyari sa 'kin ngayong araw. Kahit ang daming problema sa buhay ko ay may mga tumutulong parin sa 'kin. Una ang pulis na nag pyansa sa 'kin. Pangalawa ay binigyan pa niya ako ng pamasahe at pera pang bili ng pagkain. Pangtatlo naman ay ikaw po.. ang daming nangyaring maganda sa 'kin. Akala ko wala ng magandang mangyayari po sa buhay ko." Mahaba niyang sabi at nagpapahid ng luha sa gilid ng mata nya. "Wag kang mag-alala.. may mga tao parin naman na handang tumulong na walang kapalit. Kaya hayaan mo akong tulungan ka. Lahat ng gagastusin sa pagpapa hospital ng mama mo at gamot ay sagot ko na. Ako ng bahala sa lahat. Basta sabihin mo lang sa 'kin at wag kang mahiyang magsabi." Sabi ko kaya tuluyan ng umiyak ang dalaga. Alam kong masaya siya dahil magagamot na ang mama niya. "Thank you po, doc. Napaka bait mo po.." sabi niya sabay hawak sa kamay ko. May naramdaman akong kakaibang gumapang sa kamay ko ng mahawakan niya ako. Napatulala ako at napapatanong sa sarili kong may power ba siya. "May power ka ba?" Wala sa sarili kong tanong sa dalaga. Natigil naman siya sa pag-iyak. "Po? P-Power? Ako? wala naman po, doc." Sabi niya na halatang naguguluhan din sa sinabi ko. "Nevermind! May isa pala akong kondisyon para magamot ang mama mo." Sabi ko kaya napatango- tango siya. "Ano po yun, doc?" Tanong niya sa 'kin. "Kailangan sa hospital kung saan ako nag tra-trabaho i-confine ang mama mo. Papayag ka ba?" Tanong ko sa kanya. Agad naman syang pumayag. Walang pagdadalawang isip siya na pumayag kaya napangiti ako. Makikita ko siya palagi sa hospital kaya matutuwa ako nito habang naka duty. Nagpaalam ako kay Evelyn dahil kakausapin ko ang hospital dito at manghihiram ako ng ambulansya para itransfer ang mama ni Evelyn. Lumapit ako kay Koa na seryosong nakatitig sa 'kin. "Bakit ganyan ang titig mong gago ka?" Tanong ko sa kanya. "Kasi naman.. ang bait mo na sana eh. Hahanga na sana ako sayo, doc. Pero bakit ang mama lang ng dalaga ang ililipat mo at tutulungan. Marami din dito ang hindi inaasekaso." Sabi ni Koa habang nakakunot ang noo. "Mayor ka diba? Bakit hindi ikaw ang tumulong dahil sabi mo matulungin ka." Sabi ko sa kanya kaya nalukot ang mukha niya. "Ikaw nga doctor eh.. pero ang inalok mo lang ng tulong ay yung dalaga. May favoritisim ka din eh no!" Sabi ni Koa kaya pinandilatan ko siya ng mata ko. Hindi na ako nakipag usap kay Koa at baka masako ko pa siya ng wala sa oras. Pati ba naman yun ay tatanungin ako. Pero sa isang banda ay totoo din ang sinasabi ni Koa. Hindi ko alam ang nangyayari sa 'kin. Hindi naman ako ganito at tanging sa mga kaibigan lang ako tumutulong. Hindi na yata ako 'to at may sumapi sa katawan ko na engkanto kaya ako nagkakaganito. Gagawin ko parin naman ang gusto ko dahil gusto kong makita ang mukha ng dalaga. At walang makakapigil sa 'kin. Lagi naman akong tumutulong sa mga kapos kaya hindi ako aasarin ng iba ko pang kaibigan. Si Koa lang talaga ang malakas mang asar. Kaya hindi niya mahanap ang babaeng sinasabi niya. Kambing tuloy palagi ang kausap niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD