Demetrius Pov
NANDITO AKO sa hospital at madami na namang ginagawa. Tatlong araw na yata akong overtime at hindi na umuuwi sa bahay. Tinatawagan ko nalang si Koa na kung pwede ay siya na muna ang mag pakain sa dalawang kambing ko sa bahay.
Pumayag naman siya dahil sanay naman siya mag- alaga ng kambing. Friendly animal kasi yun si Koa kaya minsan ay parang kambing na panay ang kain.
Gusto ko sanang umuwi sa bahay pero titignan ko pa kung hindi ako busy. Gusto ko ng matulog ng maaga para naman makapagpahinga ako.
Naisipan kong lumabas ng room dahil mag iikot- ikot pa ako sa mga pasyente ko. Kahit puyat ay kailangan ko paring ngumiti sa harap ng mga taong nakakasalubong ko. Hindi naman ako katulad sa ibang mga doctor na suplado akala mo'y tagapag mana ng hospital.
Habang naglalakad ako ay may napansin akong dalawang pulis na naglalakad at may kasama silang babae. Kumunot ang noo ko dahil may sugat ang babae sa gilid ng noo niya.
Maganda ang babae. Ang buhok niya ay mahaba na natural ang pagka kulot. Morena ang kutis ng dalaga at mas lalong nakadagdag ng ganda yun sa kanya.
Hindi ko maiwas ang tingin ko sa babae. Nagtataka lang ako dahil may mga pulis siyang escort. Ano kaya ang nangyari sa babaeng 'to.
Mukhang naghahanap sila ng gagamot sa sugat ng babae at tatawag na yata sila ng nurse. Dali-dali akong naglakad papunta sa gawi nila kaya napatingin ang dalawang pulis.
"Good afternoon po, doc!" Bati ng isang pulis sa 'kin. Binati ko din silang dalawa saka napadako ang tingin ko sa babae.
"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ko sa dalawang pulis.
"Binato po siya ng mga tao sa palengke dahil nagnakaw po, doc. Kaya siya may sugat sa noo." Sagot ng isang pulis.
Kaya naman pala naka posas ang dalawang kamay niya. Kawawa naman siya. "Nagnakaw ba talaga ang babae? Tanong ko pa sa dalawang pulis upang masiguro ko kung totoo ba talaga na nagnakaw. Baka kasi pinagbintangan lang.
"Opo, doc. Umamin naman siya sa kasalanan niyang nagawa." Saad ng isa pang pulis. Tumango naman ako dahil wala na talaga akong magagawa. Akala ko pa naman napagbintangan lang.
"Ako na ang gagamot sa kanya." Sabi ko sa dalawang pulis na ikinapayag naman nila.
Agad kong iginiya ang dalaga na nakaposas ang dalawang kamay sa likuran niya. Pinaupo ko siya para magamot ko ang sugat ng dalawa. Hindi lang pala sugat sa noo ang meron siya dahil pati ang braso niya ay may sugat. Maging ang mga paa niya ay may sugat din.
"Let me clean your wounds." Saad ko sa babae na agad naman nakinig sa 'kin. Hinayaan niya akong maglinis ng sugat niya habang ang dalawang pulis ay nasa gilid namin.
Tahimik lang ang babae at hinahayaan niya akong gamutin ang sugat niya. "Anong nangyari at nagnakaw ka?" Tanong ko sa babae dahil kawawa naman siya. Gusto kong malaman kung anong dahilan niya kung bakit siya nagnakaw.
"Kailangan ko po kasi, doc." Sagot ng babae sa namamaos na boses. Halata din na nahihiya siya.
"Bakit?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Yung mama ko po.. nasa isang hospital po. May sakit. Ayaw nila operahan kung wala pong pang down." Sabi ng babae na nagsimula ng umiyak.
Natigilan ako dahil alam kong totoo ang luha niya. Yung luha ng gipit, walang malapitan, at puro problema ang pasanin sa buhay. Alam ko yun dahil naranasan ko na din yun. Ang hirap ng ganung sitwasyon.
"Mama ko nalang po kasi ang meron ako, doc. Kaso ayaw nilang operahan po si mama. Hindi naman po kasi kami mayaman na kayang mag down ng ganun ka laking halaga. Wala po kaming sapat na pera. Pero kailangan ko pong gumawa ng paraan dahil kailangan po talaga lalo na't ang mga tiyahin ko ay ayaw nila akong tulungan. Wala po akong malapitan, doc. Kaya kumapit na po ako sa patalim." Pagsasabi ng totoo ng babae habang lumuluha.
Nilinisan ko ang sugat niya habang hinahayaan ko lang siyang umiyak. Panay din ang tingin sa'min ng dalawang pulis ngunit wala naman akong pakialam sa dalawa.
"Ano bang ninakaw mo?" Tanong ko sa babae habang naka focus ang mata ko sa sugat niya.
"Pera po ng nagtitinda ng isda sa palengke po, doc. Sobrang desperada na po talaga ako na ma operahan na ang mama ko. Tatlong araw na po kasi ngunit hindi man lang nila pinapansin si mama. Pero.. nahuli po ako ng mga pulis. Hindi naman po kasi ako expert pagdating sa pagnanakaw." Sabi niya habang sinisinok.
Hindi ako sumagot at nalulungkot sa nangyari sa babae. Lahat talaga kayang gawin lalo na kapag walang- wala. Ngunit hindi ko ginawang magnakaw dati dahil wala naman akong binubuhay kundi ang sarili ko lang. Kaya kahit mamatay ako sa gutom ay okay lang dahil wala naman akong pamilya.
Pero siya.. meron pa! Lumalaban siya sa buhay dahil may pinaglalaban siyang ina. Hindi ko siya masisisi kung gumawa man sya ng bagay na masama sa ibang tao. Para sa mama niya ay kaya niyang gawin ang lahat.
"Anong pangalan mo?" Tanong ko sa dalaga.
"E-Evelyn po, doc." Sagot niya. Magsasalita pa sana siya ng lumapit na ang dalawang police lalo na't tapos ko ng linisan ang sugat ng dalaga.
Lumapit sila kay Evelyn at hinawakan ang braso ng dalaga. Pakiramdam ko ay nahihirapan si Evelyn lalo na't naka posas ang mga kamay niya sa likod.
"Saang presinto po siya dadalhin?" Tanong ko sa dalawang police.
"Sa Paranze po, doc. Do'n po siya dadalhin." Sagot ng police kaya tumango ako. Hinila na nila si Evelyn kaya napasunod ang tingin ko lalo na't nakita ko kung paano siya hilain palayo sa 'kin.
Naaawa ako sa dalaga dahil kitang kita naman sa mukha niya na hindi siya sanay magnakaw. Pero kahit ganun ay hinuli parin siya dahil na din sa sala nga din naman yun. Nakaka inis din kasi minsan ang ibang hospital na pera ang kailangan imbes na ang buhay ng tao ang pagtuunan.
Naging doctor para gamutin ang mga taong may sakit. Hindi naging doctor para sa pera. Kailangan parin ng malasakit sa ibang tao. Ngunit wala na 'to ngayon sa mundo dahil pera na ang nagpapa ikot sa lahat.
Kapag wala kang pera.. hindi ka papansinin ng mga tao. Hindi ka mabango sa kanila. Pero kapag may pera ay sasambahin ka pa ng mga yan. Kapag wala ka ding pera at nagkasakit, wala ding tatanggap hanggat walang pang down. May ibang hospital na ganun ang patakaran. Ngunit sa hospital dito ay hindi. Kaya mas pinili kong dito magtrabaho.
Napabuga ako ng hangin at nagsimula ng maglakad. Naalala ko nga pala na mag iikot- iikot nga pala ako sa mga pasyente ko.
Habang ginagawa ko yun ay hindi maalis sa isipan ko ang iyak ni Evelyn. Hindi ko pa alam ang apelyido niya dahil biglang umepal ang dalawang police. Naaawa ako sa dalaga kaya hindi mawala sa isipan ko ang pagluha niya.
Dapat talaga nakuha ko ang apelyido niya para mahanap ko ang mama niya na may sakit at nasa kabilang hospital. Ako ng bahala sa gastusin at pagpapagamot kung sakali man na kailangan niya. Yun lang ang kaya kong gawin para sa babae.
Ngunit hindi ko naman nakuha ang apelyido niya kaya guguluhin ko na naman ang buhay ni Kevin. Police siya kaya pwede ko siyang pakiusapan na kung pwede ay hanapin ang babae sa presento ng Paranze. Gusto kong malaman ang nangyari sa kanya at kung totoo ba talaga na nasa hospital ang mama niya para alam ko.
Nagmamadali akong maglakad para malibot ko lahat ng pasyente ko. Lahat naman ay napuntahan ko at na check lahat ang kalagayan nila.
Naisipan ko ng bumalik sa office ko para tawagan si Kevin. Uuwi din kasi ako ngayon para magpahinga na din. Kailangan ko na din kasing matulog at baka ako naman ang mawalan ng malay.
Papasok na sana ako sa office ko ng bigla kong makita ang isang doctora na wala ng ginawa kundi ang landiin ako. Maganda naman siya ngunit hindi ko type ang dalaga.
Ang nakakainit pa ay napaka papansin nito kahit anong gawin kong iwas sa kanya. Ginagalang ko lang talaga siya kaya hindi ko masabihan ng masama. Pero kung hindi lang siya doctor din na katulad ko ay baka matagal ko na siyang sinigawan at pinaalis sa harapan ko.
"Hi, Doc. Demetri! Lunch?" Tanong niya sa 'kin na alam kong niyaya niya akong kumain na naman. Palagi naman nya ako niyaya, ako naman ay palaging tumatanggi. Wala naman syang magawa kundi ang manahimik at hayaan ako sa gusto ko kapag ayaw ko siyang kasama kumain sa labas.
"No, thanks!" Sagot ko sa malamig na boses. Binuksan ko agad ang pintuan ng office ko at agad na pumasok. May sarili na din akong office dito dahil na din kay Sid. Recommended niya ako dito sa hospital na 'to lalo na't isa si Sid sa mga nag donate ng mga mamahaling kagamitan ng hospital.
Kaya hindi ako basta- basta mapapa-alis sa hospital na 'to. Ang ibang mga doctor ay may office sila ngunit marami sila sa loob ng office na yun.
Umupo agad ako sa swivel chair ng makalapit ako sa upuan. Napabuga pa ako ng hangin at naisipan na umuwi na muna sa bahay at do'n ko nalang tawagan si Kevin. Sigurado ako mumurahin na naman ako no'n sa pang gugulo ko sa kanya. Pero wala naman siyang magagawa dahil kaibigan niya ako at baka isumbong ko siya sa kay Sid.
Tumayo na ako at kinuha ang gamit ko para umuwi. Mahirap na at baka inuwi na ni Koa ang dalawa kong kambing.
Nang makauwi ako sa bahay at nagtaka ako kung bakit nakabukas ang gate. May naisip na akong dahilan kaya hindi na ako kinabahan lalo na't alam ko na si Koa na naman ang may gawa.
Alam kong nandito siya sa bahay ko dahil wala namang magawa yun sa buhay kundi ang guluhin kami magkakaibigan.
Naglalakad ako papunta sa likod bahay ko dahil alam kong nando'n si Koa. Malamang ay kinakausap na naman niya ang dalawang kambing. Kapag wala siyang kausap o di kaya ay busy kami at walang oras sa kanya ay dito sya pumupunta sa likod ng bahay ko para makipag usap sa kambing.
Palapit ako ng palapit sa likod bahay ng makita ko si Koa na nakaupo at hinahaplos ang ulo ng kambing. Baliw na naman 'tong gagong 'to.
"Napanaginipan ko na naman ang babaeng yun, meee." Sabi ni Koa kaya hindi ko mapigilang matawa. Raulong 'to.
"Dati ka bang kambing?" Tanong ko kaya biglang natigilan si Koa. Agad siyang lumingon sa 'kin at nanlaki pa ang mata.
"Gago! kanina ka pa diyan?" Tanong niya saka tumayo sa kinauupuan niya.
"Oo. Narinig ko pa ang emot mo." Sabi ko sa kanya kaya napakamot siya sa likod ng ulo niya.
"Tagal mo kasing umuwi. Tatlong araw ka naman'g wala." Sabi niya na nalukot pa ang mukha.
"Sabi ko pakainin mo ang kambing. Hindi ko sinabi na kausapin mo. Kung ibang tao pa nakakita sa'yo ay baka napagkamalan ka ng baliw." Sabi ko habang napapa iling.
Naglakad na si Koa papunta sa 'kin kaya hinayaan ko lang siya. Naglakad na din ako at tinalikuran na ang gago.
Tinungo ko ang main door ng bahay at nagtaka na bukas 'to. Malamang ay si Koa na naman ang may gawa.
"Nga pala, binuksan ko ang pintuan ng bahay mo." Sabi niya mula sa likuran ko. Hindi ko alam kung mayor ba siya o akyat bahay na magaling magbukas ng mga pinto.
Binuksan ko nalang ang pintuan ng bahay ko at pumasok ako sa loob. Sumunod naman ang kaibigan ko
sa 'kin at hinayaan ko lang siya dahil sanay naman ako kay Koa.
"Kumain ka na naman siguro no?" Tanong ko sa kanya.
"Ahm.. yeah! Pasira na mga pagkain mo dahil hindi ka naman dito umuuwi. Kung saan- saan ka naman nag su-suot." Saad pa niya kaya napahilot ako sa sintido ko.
"Oo na! Daldal mong hayop ka! Nakain mo naman ba lahat?" Tanong ko sa kanya saka ako umupo sa mahabang upuan. Huminga pa ako ng malalim dahil ngayon lang yata ako nakauwi sa bahay ko. Nagmumukha na akong bisita sa sarili kong bahay. Tangina!
"Kamusta naman ang hospital, buddy?" Tanong sa 'kin ni Koa na umupo sa katapat kong upuan. Feel na feel pa ang upo niya na para bang siya ang may-ari ng bahay.
"Hospital parin," tipid kong sagot.
"Gago! Kinakamusta ko kung anong nangyari sa'yo sa hospital at hindi ka nakauwi ng tatlong araw. " Saad ni Koa na binato pa ako ng throw pillow.
Nasalo ko naman yun at binato ko din sa kanya.
"Alam mo ba kung nasa'n si Kevin ngayon?" Tanong ko sa kanya.
"Ewan ko! Alam mo naman yun. Palaging busy, akala mo presidente ng Pilipinas." Sagot ni Koa kaya hindi ko mapigilang matawa. "Bakit mo hinahanap?" Tanong niya sa 'kin.
"May iuutos sana ako sa kanya. Pero baka magalit pa yun sa 'kin." Sabi ko naman kaya tumango- tango si Koa.
"Sa 'kin mo nalang iutos. Alam mo naman na mabait ako at masunurin pa." Sabi pa niya kaya natawa ako.
"Pero ang mahal ng singil mong gago ka! Ayaw ko na mag utos sa'yo dahil alam kong malaki ang singil mo." Sabi ko sa kanya kaya nalukot ang mukha niya.
"Mababa lang naman eh, sige ka.. hindi mo magagawa ang gusto mo kapag hindi ka pumayag na ako ang gumawa." Tinakot pa ako ng gago.
"Kahit wag na! Si Kevin nalang. Ayos lang kung awayin niya muna ako bago niya sundin ang utos ko. Ang mahalaga ay hindi ako makabayad ng mahal." Sabi ko sa seryosong boses.
Masama niya akong tinignan ngunit hindi ako nagpa sindak sa kanya. Totoo naman talaga na mahal ang singil niya.
"Ano ba kasi kailangan mo kay Kevin?" Tanong niya sa 'kin na umaandar na naman ang pagka tsismoso niya.
"May gusto lang kasi akong malaman. Tungkol yun sa babaeng nagnakaw. Ginamot ko kasi siya kanina at naawa ako." Pagsasabi ko ng totoo kay Koa.
"Babae? Dalaga?" Tanong pa niya sa 'kin.
"Yes. Dalaga." Tipid kong sagot.
Namamangha naman akong pinagmasdan ni Koa. Para bang isa akong joke para sa kanya. Hindi ko mapigilan matawa dahil sa itsura niya.
"Ikaw ba talaga yan? Parang hindi ikaw eh.. kailan ka pa nagka interesado sa mga babae?" Tanong sa 'kin ni Koa na para bang sinapian ako.
"Yes! ako 'to gago! Seryoso ako kaya mag seryoso ka!" Sabi ko kaya natawa si Koa.
"Gusto mo ako na pumunta ng presento? Sabihin mo lang kung saan. Ako na ang mag pyansa sa babae. Pero siyempre.. triple ang bayad. Ano.. deal?" Tanong
sa 'kin ng gago na mukha talagang pera.
"No deal. Solohin mo nalang yang gagawin mo!" Saad ko pa kaya natawa si Koa.
"Tawagan ko nga si Kevin at sabihin ko na wag kang tulungan. Gago ka eh." Sabi pa nya kaya binato ko na naman siya ng unan. Tatawa- tawa niyang sinalo yun at inilapag sa upuan.
"Okay seryoso na talaga. Magpapa gamot ako sa'yo. Pwede ka bang maging personal doctor ko?" Seryosong tanong ni Koa.
"Ano na namang kalokohan yan? Wala ka namang sakit. Mahal ang bayad ko, Koa. Walang kaibigan- kaibigan." Sabi ko pa kaya nalukot ang mukha niya.
"Ang sama mo! Guhitan ko pagmumukha mo eh. Lagyan ko ng tattoo na p***s. Sa noo para kitang- kita." Sabi niya kaya pinakita ko lang ang gitnang daliri ko sa kanya. Gago talaga 'to. Hindi ko alam kung bakit siya naging mayor talaga eh puro kalokohan lang ang alam niya sa buhay.
"Lumayas ka na nga sa bahay ko at magpapahinga na ako!" Pagpapalayas ko sa kanya.
"Ayaw ko pa! Gusto ko pa tumambay dito kaya wag kang paladesisyon." Matigas niyang sabi kaya pinandilatan ko siya ng mata ko. Siraulong 'to.
"Kung sakalin kaya kita hanggang sa hindi ka makahinga ha! Layas! magpapahinga na ako. Antok na antok na akong gago ka!" Singhal ko sa kanya saka ako tumayo sa kinauupuan ko at naglakad papunta sa hagdan.
Nakakatamad ngayong araw at gusto ko nalang matulog muna. Buong araw ako matutulog para naman makabawi ako sa tatlong araw na wala akong pahinga. Kailangan ko yun at baka mamahinga ako ng tuluyan.