Chapter 5
"I love you mommy."
I’m just thankful that Haru is so different from him.
Hanggang ngayon napapaisip pa rin ako kung tama ba ito nagawa ko. Minsan nakokonsensya ako dahil ang alam talaga ni Haru ay ako ang mommy niya. Haru is too innocent for this. Paano kung malaman niyang hindi ako ang totoong mommy niya, magagalit kaya siya sa akin? Thinking about it pains me.
“Okay ka lang? Kanina ka pa bumubuntong hininga diyan,” puna sa akin ni Kio na nangalumbaba sa mesa niya na katabi lang ng sa akin.
Naniniwala kaya sila na asawa ko talaga si Creed at may anak kami?
“Nag away ba kayo ng hubby mo?” tanong naman ni Seca na sumilip sa akin.
Hinilot ko ang sentido ko.
“I just don’t understand...” muli akong napabuntong hininga.
Can’t he just drop the word ‘binabayaran’ everytime we talk? Honestly, that’s hurting my pride.
“Understand what?” tanong na naman ni Seca
“Kung bakit ang pangit niyo kabonding – Ya!” singhal ko ng batuhin nila ako ng papel.
“Epekto ba yan ng may asawang mayaman? Kainggit ah,” pagbibiro ni Kio
Napailing na lang ako at muling tinuon ang atensyon ko sa ginagawa ko. Habang busy ako sa pagtipa ay nabaling ang mga mata ko sa phone ko nang umilaw ito. Kumunot ang noo ko nang makitang tumatawag si Noimy kaya agad ko itong sinagot.
“Kryst, emergency.”
Hindi pa man natatapos ni Noimy ang sasabihin niya ay mabilis na akong tumayo at kinuha ang mga gamit ko. Narinig ko pa ang tanong nila sa akin ng lumabas ako sa office ngunit hindi ko na lang ito pinansin. Ang lakas ng kabog ng puso ko, dahil sa takot at kaba, kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko. What happened to Haru.
“Miss – “
“Haru’s school,” putol ko sa sasabihin niya.
Agad niya akong pinagbuksan ng sasakyan. Pansin ko na tingin ng tingin sa akin si Leo, pero wala akong lakas para magtanong o magsalita. My head is already clouded with so many thought. Tahimik akong nagdadasal na sana walang nangyaring masama kay Haru.
Halos takbuhin ko ang clinic ng paaralan para makita si Haru. Nang makita ko si Noimy ay agad itong lumapit sa akin. Tila nahilo ako ng makitang may dugo ang damit ni Noimy.
“Anong nangyari kay Haru?” kinakabahang tanong ko.
Iginaya niya ako sa loob ng clinic, at halos manlumo ako ng makita si Haru na nagpipigil ng iyak habang ginagamot ng isang Doctor ang ulo niya.
“She’s fine now.”
Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Mabilis kong nilapitan si Creed na nanatiling kalmado sa gilid at nanonood lang. Ni hindi ko napansin na nandito rin siya.
“M-Mommy,” tawag niya sa isang maliit na boses.
Agad ko siyang nilapitan at umupo sa tabi niya.
“I’m a big girl po, mommy,” she said with her voice cracked.
Parang nadudurog ang puso ko habang pinapanood siyang nagpipigil ng iyak at pagdaing habang tinatahi ang noo nito. Ang uniform niya ay puno na rin ng dugo. Mabilis kong pinunasan ang luha ko ng kumawala ito sa aking mga mata.
“Okay done. Wow! Such a big girl,” saad ng Doctor matapos niyang takpan ang noo ni Haru. Saglit itong tumingin sa akin at ngumiti bago niya balingan ng tingin si Creed. “Mr. Winchester, can we talk for a second? I will just going to remind you about her medicine.”
“Are you really okay, Baby?” nakangiting tanong ko.
Mabilis kong pinunasan ang luhang pumatak sa mga mata niya ngunit nakangiti pa rin ito sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan ang noo niya.
“Thank you for being here, mommy,” saad niya sa maliit na boses.
She’s too precious. Kahit hindi kami blood related ay hindi ko maipagkakailang mahal ko ang batang ito. She deserves all the love in the world. I hope that if someday, na hindi na muli kaming magkita, maalala niya pa rin ako.
“Baby, let’s change your uniform.”
Her teacher let her rest for a couple of days. Hindi rin naman ako papayag na pumasok siya nang ganyan. Baka mamaya mas malala pa ang mangyari sa kanya. Creed went back to his office, as usual. I heard that this incident always happen to her at school kaya madalas siyang may bantay, kaya lang accident really happend in an unexpected ways. We can’t do anything about that. I also informed my team that I couldn’t go to office for the couple of days, buti na lang pumayag sila na pwede akong mag work from home.
Matapos kong bihisan si Haru ay bumaba ako para kumuha ng pagkain niya.
“Okay na ba si Haru, Miss Kryst?” tanong ni Manang Susan na tinutulungan ako sa pag aayos ng pagkain.
“Opo, sabi naman po ng Doctor na hindi naman po malala ang sugat niya,” napabuntong hiningang saad ko.
Tinapik niya ang balikat ko at ngumiti.
“Masaya ako dahil nandito ka para kay Haru.”
Kung may tanging nakakaalam man dito na hindi ako ang tunay na mama ni Haru, si Manang Susan iyon. Siya kasi ang pinakamatagal na nagsilbi rito at tumayong magulang ni Creed, dahil nasa ibang bansa ang mga magulang nito. Konti lang ang alam ko sa buhay niya at wala na akong balak na alamin pa ang iba.
Pagbalik ko sa kwarto ay nadatnan ko si Haru na nanonood ng TV habang nakaupo sa kama niya.
“Mommy, I think it’s a good thing that this happened, because I can spend more time with you,” ngiting ngiti na sabi niya.
Nilapag ko sa side table ang prutas at mga pagkain, bago tumabi sa kanya.
“Baby, nothing is good in an accident. What if mas malala pa ang nangyari sa iyo? Next time, before you take an action, think first okay? Making a rush decision isn’t that good, you just end up regretting it,” nakangiting saad ko habang inaayos ang buhok niya.
“Did you regret it, mommy?”
Napatingin ako sa kanya dahil sa tanong nito.
“Regretting having me?” dagdag niya. “Someone says this to me ‘Your mommy left because she doesn’t love you’”,” nakangiting sabi niya ngunit mababakas ang kalungkutan sa mga mata nito.
That somehow got me. Siguro iyan talaga ang pumapasok sa isip niya dahil hindi siya lumaking kasama ang mama niya. May mga bata talaga na kahit nasa kanila na lahat, mas mahalaga pa rin ang buong pamilya. Haru, has everything, but she’s still waiting to complete her family.
“That’s not true. You shouldn’t listen to that friend. You’re the best thing that happened into my life.”
Ngumiti ito ng matamis sa akin.
“But instead hating him, I just make friend with him no matter he hates me. God always granting my wish if I do something good to others, that’s why He brought me to you so I can find you, mommy.”
Napangiti na lang ako dahil sa sinabi niya. She’s really nice. Noong bata ako, pag inaaway ako ng mga kalaro ko, hindi ako magpapatalo, but Haru is different. Hindi siya marunong mag tanim ng sama ng loob.
Nang mapatulog ko si Haru ay lumabas muna ako sa kwarto niya. 2pm pa lang, matatapos ko naman siguro ang pinapaedit sa akin. I stayed at the garden while facing the laptop in front of me. Things really working on me these past few days. The company is getting recognition too. Nakuha ng atensyon ko ang sinend sa akin ni Seca na article.
'BREAKING NEWS : XXIV Corporation stocked dropped into 5%, making it the highest drop of the company throughout the year'
“What? On what reason?”
Hindi ko mapigilang mapakunot noo habang binabasa ang laman nang article. Is this real?
The heir of Royale posted a video regarding what happened at the Royale Hotel last June 11, the video is trending worldwide and still circulating on the social media flatform, reason why XXIV Corporation is on fire. Regarding on this, XXIV Corporation President still doesn’t make a statement.
Napanganga ako ng mapanood ang video. No way! Did he just get back on that girl? Like seriously? Wow! Nag marunong siya at hinayaan niyang mag sorry yung anak niya pero he did something like this in return? He’s really scary.
Magandang scope ito. Nangalumbaba ako habang nag iisip kung ano ang gagawin ko. Hindi naman kasi basta basta na magsulat na lang ako without any proofs. I maybe on that place, but the video was took after we left.
Madami ng mga article na nai-published regarding sa video na kumakalat. Every article na lumalabas, mas lalong lumalala ang sitwasyon. Kanina pa ako nakakatanggap ng tawag mula sa office, pero ni isa sa mga ito ay hindi ko sinagot, panigurado naman kasi na kukulitin lang nila ako.
Sinubukan kong tawagan si Mr. Deon pero mukhang napagbantaan na ito dahil hindi na rin ito sumasagot sa tawag ko. Sinandal ko ang likod ko sa upuan at ipinikit ang aking mga mata para makapag-isip.
“Anong gagawin ko?” tanong ko sa aking sarili.
“Nothing.”
Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Mataman itong nakatingin sa akin habang niluluwagan ang necktie niya. Bakit ang aga naman ata nitong umuwi?
“Where's Haru?” pagkakwa’y tanong niya, in a rudest way he can.
“Natutulog.”
Titig na titig ako sa kanya. Bakit mukhang wala lang sa kanya ang issue? He looks so cool with it. Siya lang ata yung walang pake at mukhang masaya pa sa pagbaba ng stock ng kompanya niya. Wow! Arrogant jerk.
Napamake face na lang ako nang lampasan niya lang ako. Inambaan ko na lang siya ng suntok sa hangin dahil sa pagkairita. Nginitian ko naman si Mr. Deon na mukhang nagulat sa ginawa ko. Doh? Whatever!
Kinuha ko ang laptop ko at sinundan siya. Akala ko naman pupuntahan niya si Haru.
“What?” iritableng tanong niya nang makita niya ako.
I lean on the wall while watching him unbottoning his clothes.
“Let me make an article –“
“No,” he said cutting me off.
Napairap na lang ako at napabusangot. Ang pangit talaga nito kabonding. Once na mainterview ko siya, hindi lang malilinis ang pangalan niya, sisikat din ang company na pinagtatrabauhan ko.
"But why?” pagtataray ko
Bumuntong hininga siya at saka umiling.
“Don’t get involve in it,” he said as if that’s the best answer. "Don't make me repeat myself," he added
“What’s the matter with that? I’m a writer –“
“And my wife,” he said firmly cutting me off once again.
Hindi ko maiwasang mapangiwi dahil sa sinabi niya. Kailangan ko bang magpasalamat sa kanya? O matuwa? O bigyan siya ng trophy? Patayuan ng rebulto? Ilagay ang ulo niya sa piso? Ugh. Frustrating.
Magsasalita sana ulit ako ngunit naitikom ko agad ang bibig ko. Wow! Nakaka-speechless kausap ng isang to. But why am I asking him by the way? As if may magagawa siya pag nakapagpublish na ako.
“Bakit ganyan ka makatingin? Pwede ka nang kiligin,” nakangising sabi niya na mas lalo nakapag pangiwi sa akin.
He is really indeed an annoying one. Napairap na lang ako sa kawalan. Kiligin ako? He got some nerves huh. As if.
Napailing na lang ako bago ko siya talikuran. Hindi talaga kinakaya ng buong pagkatao ang gagong ito.
"Just like I said, don't interfere," pagbabanta niya bago pa man ako makapasok sa kwarto ko.
Taas kilay ko siyang hinarap.
"Oo na nga di ba," iritableng saad ko.
Titig na titig siya sa akin na para bang pinag aaralan ang lalabas sa bibig ko. Huminga siya ng malalim at bumuntong hininga. Ngayon ko lang nakita na ganito ang mata niya, its soft and very alluring.
“What matter to me is you and Haru aren’t involve. I’ll deal with it alone.”
----
Luvvess