Chapter 4
Why am I dealing with this kind of matter? Nakakapagod. Gusto ko na lang umuwi. Lalo na't sobrang hirap pakisamahan ni Creed.
"You want me to quit my job?" I asked in disbelief with my eyes wide open.
I intently closed my eyes when he just simply nodded and seat comfortably at the couch holding a folder. I massage my temple.
"You really think I'll do that?" I hissed.
He nodded again without looking at me. Nauubusan talaga ako ng pasensya sa kanya.
"And who are you—"
"Your husband," he said in a cool way cutting me off. "You want me to attend that oh-so-called-family day, right? That's my condition," he added, nag dekwatro pa ito at pacool na ibinaba ang hawak niyang folder kanina.
Hindi ko maiwasang mapairap. Iba talaga ang sapak nito sa pag iisip. Mindset niya out of the galaxy, sabagay gravity.
"Ya. Creed—"
"Mommy?"
Mabilis pa sa alas kwatro ang pagngiti ko nang biglang sumulpot si Haru sa kung saan. Bahagya siyang napahinto at mataman niya kaming tinitigan. Palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Creed na para bang nagmamasid siya sa amin.
"Haru, we're talking. Go back to your room," he said in a serious tone, kaya mabilis ko siyang pinandilatan ng mata saka ako lumapit sa bata.
"Baby, do you need anything?" I asked, instead making a stare fight with the guy who doesn't know how to consider the feelings of others. I rolled my eyes again. O freaking come on!
"Can I sleep here tonight?"
"Uh?" I was caught off guard.
"My friend said that she's still sleeping with her mom and dad. Can I sleep here? Just for tonight, mommy?" with a beautiful eyes, she asked.
With her age, she's too easy to pick up things and words. Mabilis din siyang makapag adjust. She's a brilliant kid who never stop asking — o geez. Masisiraan ako ng bait sa kanya.
"Of course, you can."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Creed. I eyed him, but he just didn't bother taking back what he just said. Is he serious?
"Yay! Thank you, Daddy. I promise, I'll be a good girl."
Sinundan ko ng tingin si Haru na mabilis tumakbo papunta sa kama. Nahihilo ako sa mag amang ito. Hindi sila kinakaya ng buong pagkatao ko. Ganito ba talaga kapag lumaking mayaman? O geez! Ganda lang kasi ambag ko sa lipunan. Hindi ko maiwasang magkamot ng ulo dahil sa frustration na nararamdaman ko.
"Huwag mo akong gapangin— Aww!" daing niya nang kurutin ko siya sa tagiliran nang bumulong siya sa tabi ko.
Magtatagalog na nga siya kagaguhan pa. Ako? Gagapangin siya? Nagpapatawa ba siya? Dapat ako ang matakot sa kanya.
"That's hurt," giit niya habang hawak-hawak ang tagiliran niyang kinurot ko.
Inirapan ko siya. "Drama," pagtataray ko.
"Mommy! Daddy! Let's sleep na po!" masayang turan ni Haru.
Huminga ako ng malalim at napailing. Maglalakad na sana ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Okay. Haru's here. We should act like a real mom and dad for her.
Muli akong huminga ng malalim nang makahiga na ako sa malambot niyang kama. Kumpara sa kama ko, mas comfortable ang kama niya. Ang unfair! Nasa gitna namin si Haru na hindi pa rin nawawala ang matamis na ngiti niya. Masyado pang maaga para matulog pero wala akong magawa.
"I'm so happy. I'm with mommy and daddy."
Napangiti na lang ako ng halikan ni Haru ang pisngi ko.
"Mommy, will you tell me a story?"
Hindi ko naituloy ang paghikab ko dahil sa tanong ni Haru. Bigla akong inantok at bumigat ang talukap ng mga mata ko.
"What kind of story, Baby?" I asked.
"Your story with Daddy po."
Napamake face ako dahil sa sinabi ni Haru. Story? With him? Anong ikukwento ko? Puro kagaguhan?
"How'd you met Daddy and fell in love with each other," muli niyang sabi.
Napipipe ako sa mga sinasabi niya. Ni hindi ko nga alam kung paano ko umpisahan ang kwento ko tapos dadagdagan niya pa ng love story naming dalawa? Shootanginism!
Tinignan ko si Creed na blangko lang ang tingin sa akin. Ano pa nga bang aasahan ko sa kanya? I cleared my throat and took a deep breath. Ano ba talaga tong napasok ko?
"Uhm. We met at our school," umpisa ko na hindi ko alam kung saan nanggaling. "Uhm."
Muli kong tinignan si Creed na naghihintay lang sa sasabihin ko. Wala talaga akong aasahan sa kanya. Kairita.
"Is Daddy famous in school po, Mommy?"
"Uhm." simpleng sagot ko. "Daddy is famous because he is as cold as ice, but he's kind sometimes, and he is smart." a jerkass too. Gusto ko sana 'yan idagdag.
I heard him tch.
“He is super rude too,” I added with a playful smile pasted on my face.
“Daddy is always rude, mommy,” Haru stated innocently.
Natawa ako dahil sa sinabi ni Haru, pero agad ko ring naitikom ang bibig ko dahil ang sama ng tingin sa akin ni Creed.
“Kids don’t lie,” I mouthed as I frowned when he just give me a warning look.
Totoo naman kasi na rude siya, even his daughter is agreeing too. Wala naman akong magagawa kung legit ang kagaspangan ng ugali niya. Hindi kasi ata naituro sa kanya ang GMRC. So rude.
“Who fell in love first, mommy?”
Nai-speechless talaga ako sa mga tanong sa akin ni Haru na hindi ko alam kung paano sasagutin ng maayos. Fell in love who? O come on!
“Of course, your daddy. He is so into me like he also can’t sleep without hearing my voice, so he always call. Daddy is so annoying that time. Remembering those days are so funny.”
“Why is it funny, mommy?”
I chuckled. “I just found it funny. Daddy is so in love with me.”
Hindi ko mapigilang matawa dahil sa hindi makatarungang tingin sa akin ni Creed.
“Even now po mommy. Daddy loves you so much that’s why he looked for you, and he found you.”
Hindi na lang ako nagsalita. Gusto ko man umirap pero hindi ko magawa. Haru really believes that I'm her mother.
Ngayon ay si Haru na ang nagkukwento kung ano ang nangyari sa kanya sa school kanina.
“Mommy, my friends are so kind to me. I love my friends so much, but I’m just a little bit sad.”
Huminga ito ng malalim na para bang ang laki ng problema niya.
“Dubin is going to transfer. She’s my closest friend. Mommy, can you talk to her tomorrow?”
Nag angat siya sa akin ng tingin at ngumiti ng maliwanag.
“You need to let go someone, Haru. You can’t please them to stay.”
I eyed him. I really can’t believe this guy. Wala na ba talagang lalabas sa bibig niya na maganda? Hindi ba niya narinig kanina na closest friend ni Haru ang tinutukoy niya.
“Okay po Daddy,” malungkot na sabi ni Haru.
Maya maya lang ay biglang isiniksik ni Haru ang katawan niya sa akin, naging unan niya ang braso ko habang yakap yakap niya ako ng mahigpit.
“Haru?” tawag ko sa kanya dahil nag umpisa na itong humikbi habang nakasubsob ang mukha niya sa bandang dibdib ko.
Naging tahimik lang ito habang umiiyak, patuloy lang naman ang pagtapik ko sa likod niya para pakalmahin ito. Masamang tingin ang ibinaling ko kay Creed na naging tahimik lang.
“Baby, stop crying uhm? I’ll try to convince her tomorrow, don’t mind your Daddy.”
Umirap ito sa akin, siya pa talaga ngayon ang may ganang mag inarte. Kung maabot ko lang talaga siya ay baka kanina pa ito nakatikim sa akin ng sapak. He just made her daughte cry, but here he goes acting so fine. Sarap tusukin ang mata.
Nakatulog si Haru kakaiyak. I caresses her face and wipe her tears away as I kiss her forehead.
“Stop spoiling her. It’s better for her top accept it easily than to give her a false hope,” he said plainly.
Bahagya niyang kinuha sa akin si Haru at iniayos ang pagkakahiga nito. Nanatili lang ang tingin ko sa kanya, puzzled. Napailing at napangisi na lang ako ng makita sa mga mata niya kung gaano kahalaga sa kanya si Haru. He is cold to her daughter on the outside, but too soft on the inside.
“Her friend Dubin will transfer to other school due to financial matters. Deon already talked to her parents that they don’t need to transfer her out, because the foundation will support her until she graduate in college.”
Hindi ko maiwasang humanga sa kanya. Finally, may nasabi na rin siyang tama. Of all the harsh words na sinabi niya kanina, this is somewhat the best.
“Is that hard for you to show that you really care that much to her? Pinaiyak mo pa,” pagmamaktol. “Other version mo ba yan ng action speaks louder than words?” taas kilay na dagdag ko.
Nag side siya at bahagyang inextend ang kamay para yakapin si Haru pero nagulat ako ng umabot sa akin ang kamay niya, hinila niya ako para mas lalong mag extend ang kamay niya sa likod. What the?!
“Ya. Yang kamay mo,” giit ko at pilit tinatanggal ang kamay niya sa akin.
Napamaang ako ng pumikit ito at hindi ako pinansin.
“Sleep,” tamad na tamad na bulalas niya.
Paano ako makakatulog kung nasa likod ko ang kamay niya? This is too uncomfortable for me.
“Can you get your hand off of me?” I asked once again, but this time wala na akong narinig mula sa kanya.
Oh please!
Hindi ko alam kung paano ako nakatulog kagabi, dahil pagkagising ko ng umaga, instead na si Haru ang katabi ko ay iba na. Mariin kong naipikit ang mga mata ko dahil sa frustration na nararamdaman ko. Bahagya akong nag angat ng ulo pero mabilis din akong napaiwas ng tingin at muling ipinikit ng mariin ang mga mata ko ng makita si Creed na mahimbing pa rin ang pagkakatulog.
How did we end to this position? Kagabi lang si Haru ang katabi ko, pero ngayon... this is so frustrating. Where is Haru? Anong oras na? Hindi ko magawang gumalaw dahil natatakot ako na baka magising siya at iba ang isipin niya. What am I gonna do now?
I heard him groan, that’s why I pretended sleeping. Naramdaman ko ang paggalaw niya maging ang titig niya sa akin.
“You like this position, huh.”
Mabilis pa sa alas kwatro ang pagtulak ko palayo sa kanya nang mapang asar itong nagsalita. Tumayo ako at mabilis na tinungo ang kwarto ko. So he’s awake all along? Kung kanina pa siya gising, bakit hindi siya humiwalay o ginising man lang ako? Nakakairita talaga ang gagong yon.
Instead making myself think of some harsh words towards him, I decided to take a bath and sooth myself. I’m so annoyed. Ugh. Hindi ko matanggap na katabi ko siya at yakap yakap niya ako, I feel so humiliated. When I’m done taking a bath and fix myself, slowly I open my door, and roamed my eyes inside his room. Nakahinga naman ako ng maayos ng hindi ko siya nakita sa paligid.
Dumiretso agad ako sa kwarto ni Haru, sakto namang nagbibihis ito.
“Good morning Baby,” nakangiting bati ko.
Tumakbo siya palapit sa akin at niyakap ako kasabay ng paghalik niya sa aking pisngi.
“Did you sleep well?”
“Yes po Mommy. I didn’t wake you po kanina because Daddy said he’ll wait for you to wake up.”
Tila nabingi ata ako sa sinabi ni Haru, at hindi ito maprocess ng utak ko. O geez. Thinking about what our position a while ago is giving me goosebumps. This is not right.
Sabay kaming lumabas ni Haru sa kwarto niya nang magkahawak kamay, habang sinasabi niya sa akin kung gaano siya kasaya na kasama niya kaming natulog. Sana nga hindi na iyon maulit, dahil iniisip ko pa lang na magtatabi kami ay hindi na kinakaya ng buong pagkatao ko.
“Good morning Daddy,” nakangiting bati ni Haru kay Creed na prenteng nakaupo sa hapagkainan habang nagbabasa ng newspaper.
Taas kilay ko siyang binalingan ng tingin nang tignan niya ako. Napatingin naman ako kay Haru na tila inaabangan kung anong gagawin ko.
Oh geez! Good morning kiss!
I faked a smile when I walk towards him. “Good morning, Hon,” malambing na turan ko kasabay ng saglitang paglapat ng labi ko sa pisngi niya.
Napuno ng katahimikan ang hapag nang mag umpisa na kaming kumain. Napabuntong hininga ako ng maalala ko sila mama. Ano kayang almusal nila ngayon? Ano kayang pinag-uusapan nila ngayon? Naiisip o naalala kaya nila ako? Sigh.
Ilang beses ko ng sinabihan si Creed na gusto kong bumisita, pero ilang beses niya lang din sinabi sa akin na hindi muna pwede. Ilang linggo na akong nag i-stay dito, nakakabagot lang din kasi wala naman akong ibang ginagawa kundi bilangin ang araw bago matapos ang kontrata. Tapos, ngayon pinapagleave niya muna ako sa trabaho, like what the hell?!
“Mama,” mangiyak ngiyak na sabi ko nang sagutin niya ang tawag ko. “Kamusta na kayo? Kumain na kayo?” dagdag tanong ko.
I really miss them so much. Hindi pa ako nahihiwalay sa kanila kaya naman sobrang namimiss ko sila. I couldn't believe that I'm at this kind of situation right now.
"Okay lang kami. Bakit ka ba napatawag? Busy ako."
Mapait akong napangiti.
"Kamusta po si Papa?"
"Okay naman. Oo nga pala. Yung ipinahatid mong mga bagong appliances, kulang pa. Magpapadala ka na nga lang hindi pa kumpleto.”
Napatigil ako dahil sa sinabi ni Mama at napatingin kay Creed na kakalabas lang ng bahay, formal na formal ang suot nito na talagang makakatawag ng pansin kahit tumayo lang siya. No wonder, he is famous and all. I admit it, he has the looks, the body, and aura. But still, not my type.
“What?” he asked with his brows furrowed.
Nakagat ko ang ibaba kong labi.
“Nagpadala ka ng gamit sa bahay nang hindi sinasabi sa akin?” tanong ko, at pilit kinakalma ang sarili ko.
“So?”
Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa pagkakairita.
“I’m just doing what I supposed to do. See? I’m paying you back nicely.”
Ramdam ko ang pagkulo ng dugo ko dahil sa sinabi niya. Wala talaga siyang palya sa pagpapamukha sa akin na binabayaran niya lang ako. O come on!
"Sa susunod, pag may sinabi si Mama sabihin mo muna sa akin," may diing turan ko. “Anyway, I won’t take the leave. I’ll continue working,” I said annoyingly as I turned my back at him.
Nauna akong pumasok sa loob ng sasakyan. I fake a smile when Haru smiled at me.
“Mommy, will you going to talk to Dubin later?”
Tumango lang ako at hindi umimik. Si Creed ay sumakay naman sa isang sasakyan na nasa harapan namin. Buti naman, dahil hindi ko ata kayang magpanggap na okay ako pagmakakasama ko siya sa iisang lugar. He never get tired informing me that I’m doing this for money.
“Mommy, are you listening po?”
Napabalik ako sa reyalidad ng mahina akong tinapik ni Haru sa kamay.
“Sorry baby, I’m just thinking.”
Napabuntong hininga na lang ako.
“Everything will be fine, mommy,” nakangiting sabi niya na bahagya pang tumayo para bigyan ako ng halik sa pisngi kasabay ng mahigpit niyang pagyakap sa akin.
“I love you, mommy.”
----