Chapter 6
How will I gonna deal to the fact that my life isn't as normal as before now? Madaming mga mata ang nakatingin sa akin pagkababang pagkababa ko pa lang ng sasakyan. I'm not a celebrity, but why are they giving me looks as if I'm a real one? Fake wife-rich effect, I guess.
"Beetch, taray! May pa bodyguards," ani Seah na sumalubong agad sa akin. "O siya ba si Haru?" binalingan niya si Haru na nakangiti ng matamis sa kanya.
"Uhm. Baby, say hi to Tita Seah. She's my friend," nakangiting baling ko kay Haru na nakahawak sa kamay ko.
"Wow baby. Sanaol," pagbibiro niya. Sinamaan ko siya ng tingin na ikinatawa niya lang. "Hi Haru."
"Hi po Tita," masiglang bati ni Haru na nagmanao pa kay Seah.
"Ay taray. Lola jpeg."
Natawa na lang ako dahil sa sinabi niya.
Kagagaling lang namin ni Haru sa hospital para tanggalin ang stitches sa noo niya. Walang alam si Creed na nandito kami ngayon sa mall dahil for sure naman magagalit lang ito pag nalaman niya. Pinaglihi pa man din iyon sa sama ng loob.
"What do you want to eat, Baby?"
"Anything, mommy as long as I'm with you."
Pinandilatan ko na agad ng mata si Seah dahil panigurado namang may masasabi na naman siya. Buti na lang nakukuha siya sa tingin.
Tinungo namin ang Jollibee kung saan dinala ko siya noon. Nag order naman agad si Seah habang binabantayan ko si Haru na hindi naaalis ang pagkakangiti niya. Ang mga bodyguards naman ay nasa labas lang at mukhang walang balak kumain.
"Ang hirap mo namang makasama, Beetch," ani Seah nang mag umpisa na kaming kumain.
"Alam mo naman ang sitwasyon ko."
Thankfully, Haru is not good in tagalog, kaya there's no chance for her na maintindihan ang usapan namin ni Seah. Busy lang naman itong kumakain.
"Five months kang ganito?" tumango lang ako sa tanong niya.
Maya-maya'y binalingan niya ng tingin si Haru na patuloy pa ring kumakain.
"Haru, do you love your mommy?"
Mabilis na nag angat ng ulo si Haru at ngumiti ng maliwanag bago tumango.
"Big much!"
"But I love her more," pagbibiro ni Seah
Haru's eyes circled. "Yey! We both love mommy," pagkakwa'y masayang turan niya.
Napailing na lang si Seah habang tumatawa. I just smiled. You really can't hate her. There's no hell way.
Matapos naming kumain ay dinala ko si Haru sa Play Station. Kami naman ni Seah ay naupo sa isang bench habang pinapanood siya. Kumaway siya sa amin kaya kumaway din ako pabalik.
"Anong plano mo pagkatapos ng kontrata mo?"
"Wala. Balik sa dati," simpleng sagot ko.
"Gaga! Tingin mo ganoon lang kadali iyon? Paniwalang paniwala yung bata na ikaw ang nanay niya," giit niya.
Hindi ko naiwasang mapabuntong hininga. Sumagi na rin iyan sa isip ko bago pa man ako pumirma sa kontrata. Wala rin naman akong magagawa. Ang mahalaga ngayon, maramdaman ni Haru na may Nanay siya. Okay na ako sa part na, kahit papaano napasaya ko ang bata.
"Paano kung mainlove ka kay Creed?"
Natawa ako dahil sa tanong niya. "Seryoso ka?"
Iyan ata ang pinakaimposible sa lahat. Kailanman hindi sumagi sa isip ko magustuhan siya. No freaking way!
"You know him more than I do."
Napairap na lang ako dahil sa sinabi niya. I know what his capable of, but I still on my right mind. There's a zero possibility about that.
"Napakaimposible yang sinasabi mo, Beetch," iiling iling na depensa ko.
"Tanga! Walang imposible sa pagmamahal lalo na kung naunahan ka ng landi. Huwag ako!"
Naputol ang usapan namin ni Seah ng biglang lumapit sa akin si Leo na may hawak na cellphone na agad ko namang tinanggap.
"Speaking of the devil," pagmamaktol ko.
Hindi na ako lumayo dahil wala rin naman akong maitatago kay Seah. Lahat ata ng kailangan kong sabihin ay alam na niya. Hindi rin naman ako makakapagsinungaling sa kanya. She's my only friend.
Napabusangot agad ako ng marinig agad ang panenermon niya sa akin mula sa kabilang linya.
"Why aren't you answering your phone? Where are you? Didn't I tell you to go home as soon as the appointment is done? Why aren't you saying anything?"
"Paano ako magsasalita kung dada ka ng dada diyan?" pagtataray ko.
"Where are you?" maypagbabanta sa boses na tanong niya, mukhang nauubusan na naman siya ng pasensya.
Hindi talaga marunong makipag usap ang gagong ito ng mahinahon, kaya natatawag na bastos kausap eh — well, bastos naman talaga siya.
"Mall," simpleng sagot ko.
Ilang segundo siyang natahimik, papatayin ko na sana ang tawag nang magsalita siya.
"How's Haru?"
Namilog ang labi ko dahil biglang uminahon ito. Anong nakain ng isang to?
"Playing."
"Go home as soon as she's done playing."
Magsasalita pa lang sana ako ng babaan niya agad ako ng tawag. Sobrang gaspang talaga ng ugali. Ugh.
"Anong sabi?" tanong ni Seah na mukhang kanina pa kating kati na magtanong.
"As usual para sa isang kagaya niyang pinagkaitan ng kasiyahan sa katawan," iiling iling na saad ko.
"Hindi ka pa ba sanay?" she chuckled.
Paano ako masasanay kung pati psychologist malilito sa pag uugali niya? He's too unpredictable. Too hard to handle.
Kilala si Creed around the world, isa kasi siya sa pinakabatang bilyonaryo at businessman. Kaya lahat nasa kanya ang mata once na magkaroon ng issue tungkol sa kanya. At a very young age, he is already managing lots of business properties he has. Hindi ko na nga alam ang ibang business niya. Hindi lang sa business siya kilala, he is also famous as the coldest CEO. He is not easy to deal with. He has everything, maliban sa pag uugali dahil sobrang gaspang ng ugali niya.
Hindi ko maiwasang umirap nang salubong ang kilay ni Creed na nakatingin sa akin. Ibinaba niya ang hawak niyang beer in can sa center table at nakapamulsang naglakad palapit sa akin.
“Ano na naman?” bugnot na tanong ko dahil ang sama niya makatingin na para bang may ginawa akong masama.
“Do you know what time is it?” maawtoridad na tanong niya, at bahagya pang tinignan ang suot nitong relo. Mamahalin. Mas mahal pa ata relo niya kesa sa buong bahay namin.
“9:45pm,” simpleng sagot ko. “Nagpaalam naman ako. Pumayag ka,” giit ko, nakacross arms.
Ano na naman bang kinagagalit niya? Siya naman nagsabi na okay lang, tapos ngayon mag iinarte siya.
“May sasabihin ka pa ba?” taas kilay na tanong ko
Napamake face na lang ako ng talikuran niya ako. Ang bastos talaga kausap nito. Napailing na lang ako, at akmang bubukasan ko na ang pintuan ng kwarto ko nang magsalita siya.
"Don't make her stay outside for too long."
Nag enjoy kasi si Haru sa paglalaro kanina, hindi ko naman pwedeng sirain ang kasiyahan niya kaya hinayaan ko lang siyang maglaro.
“I’m just giving her a happy memories,” nakapamewang na saad ko. “Sinend ko naman sayo lahat ng videos at pictures di ba? Inuwi ko siya ng maayos at masaya, ngayon ay mahimbing na ang tulog,” dagdag ko saka buong giting na umirap.
“You’re not giving her happy memories, you’re just giving her fake ones.”
Hindi makapaniwalang tinignan ko siya na tinalikuran ako at tinungo ang labas ng kwarto niya. Napasuntok na lang ako sa hangin dahil sa sobrang pagkairita. Sobrang pangit niya talaga kabonding! Nakakairita!
Instead stressing myself dealing with that jerkass, I just made myself busy calling my family. Kahit papaano, nababawasan ang kalungkutan ko kahit sa saglitang pagkausap ko lang sa kanila sa cellphone. Malaking katanungan pa rin sa kanila ang mga nangyayari sa akin, ngunit kahit hindi na sila magtanong ay alam na agad nila ang sagot.
Binagsak ko ang katawan ko sa kama at tumingin sa kawalan matapos kong ibaba ang tawag. I miss my old life. Dati naman nakakagala pa ako sa mga oras na ito, nakakapag bar, nakikipag inuman, at nauubos ang oras sa mga kabalbalan.
"Life is so hard," pagmamaktol ko sa aking sarili.
Things had been tangled up just like that. Na nagising na lang ako isang araw na may anak na pala ako at kasal sa isang mayaman.
Kinaumagahan ay maaga akong nagising para paghandaan si Haru ng kanyang almusal. Ngunit pagkababa ko ay may nakahanda ng pagkain, maging ang babaunin ni Haru.
"Miss Kryst, utos ni Mr. Winchester na simula ngayon hindi na ikaw ang magluluto ng almusal ni Haru. Hayaan mo na lang kaming gawin ang trabaho namin."
Nakuha ng atensyon ko ang lalakeng kapapasok lang sa kusina, na basang basa ng pawis, nilampasan niya lang ako at tinungo ang refrigerator. Mukhang katatapos niya lang mag jogging. Sinuklay niya pataas ang basa niyang buhok na akala mo ikinagwapo niya. Ang sagwa ng pagmumukha niya. Ang pangit sa umaga.
"What?" aburidong tanong niya. Kunot ang noo.
"Bakit hindi pwedeng ako ang maghanda ng pagkain kay Haru?"
Mas lalong kumunot ang noo niya, pero napamaang ako ng umiling siya at tinalikuran lang ako. Argh! Kairita.
Hanggang sa makapasok ako sa trabaho ay hindi ko pa rin maalis ang pagkakairita ko sa gagong iyon. Nakakakulo ng dugo.
"Have you already done editing it out, Kryst?" tanong ni Chief sa akin na nakapangalumbaba sa table ko habang pinapanood ang ginagawa ko.
"Yes Chief. I also sent it to you." sumaludo pa ako at ngumiti.
"Anyway, hindi pa nag r-release ng statement ang XXIV Corp regarding sa issue. May alam ka ba doon?" tanong ni Chief na pinanliitan ako ng mata nang itinikom ko lang ang aking bibig.
Kabilin bilinan sa akin ng gagong iyon na huwag magsasalita dahil ginagawan na niya ito ng paraan. Hindi ko nga sigurado kung may ginagawa talaga siya.
"May alam ka no? Bakit hindi ikaw ang gumawa ng article tungkol sa nangyari?" suhestyon nito.
Gustuhin ko man, dahil for sure magiging big topic ito. I already have made a draft, kaya lang baka ako naman ang mapunta sa alanganin kung ipublish ko ito. Knowing him, kung ano ang sinabi niya, dapat itong masunod sa paraang alam niya. He's self-centered though.
"Oh sheesh!" singhal ni Seca na napatayo pa sa kinauupuan niya.
Agad na akong nag check ng article dahil for sure sa reaksyon niya pa lang may big news na naman.
'BREAKING NEWS : ROYALE HEIR POSTED A VIDEO AGAIN'
What the hell?!
"May alam ka ba tungkol dito?" tanong ni Kio na agad akong binalingan ng tingin.
I just couldn't believe this. Napailing at natawa na lang ako sa mga nababasa at napapanood ko. Seriously?
The b***h just posted another video, but this time a video of me and Haru. Now, she's claiming that I hurt her and Haru is being rude and brat. The b***h just dig her own grave. She has lot of people sympathizing her fake acts. Attention seeker.
"This is getting worser. Paano kung mabankrupt ang company ng asawa mo dahil sa issue na ito? His stocks goes down again," ani Seca
"An insider just inform me that there's an emergency board meeting at XXIV Corporation right now."
Nagkakagulo na ang team na parang mas apektado pa sila kaysa sa akin.
"Ya. Kryst, pati social media account mo nahanap na nila."
Sinandal ko ang likod ko sa kinauupuan ko at hinayaang lang sila na mag salita. Muli akong huminga ng malalim.
"She dig her on grave," bulalas ko.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong nila sa akin, pare-parehong nakatuon ang atensyon nila.
Tinuro ko ang laptop ko sa kanila na agad nilang kinuha. Kita ko ang panlalaki ng mga mata nila nang makita ang draft ko. Deon sent me those, but Creed hold it up because he doesn't want to play dirty. That's the real proof. But I guess, he wants to play dirty now because Haru's name is on the line.
"Is this true?" tanong ni Chief sa akin, she's still in awe.
Nabaling ang atensyon ko sa phone ko. He's calling. Sinagot ko naman ito agad.
"Give to your team the draft. Don't publish it through your name."
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Is he for real? It's my draft!
"Don't make me repeat myself."
"Why would I do that?" giit ko.
Tumayo ako at bahagyang lumayo sa mga kasama ko.
"That's my order," malamig na turan niya na may pagbabanta.
Sarkastiko akong tumawa. Bakit ko ibibigay ang article ko sa iba? Ako ang gumawa no'n. He's making me really mad.
"Just do what I say."
Nakuha ni Chief ang atensyon ng mag okay sign siya sa akin. Napakurap ako nang sunod niyang ipakita ang laptop ko.
"Too late. They just published it with my name."
Agad kong nailayo ang phone ko ng magmura ito kasabay ng pagbaba niya ng tawag. Ano bang ikinagagalit niya? Whatever!
Ang mga kasama ko naman ay nagtungo sa led tv kung saan makikita ang daloy ng article na ipinublish ko. Umabot agad ito ng ilang libong shares.
"Nice scoop, Kryst," pagbati ni CEO Anna sa akin ng makita niya ang article ko. "Pero hindi ka ba magkakaproblema nito? Pangalan mo ang nakasulat sa article."
"Huh?" takhang tanong ko
"Let’s talk in private," pagkakwa'y saad niya na naunang naglakad sa akin.
Pareho naman naming tinungo ang office niya. Hindi pa man ako nakakaupo ay agad na itong nagsalita.
"I received a phone call from XXIV Corporation. Your husband wanted the article to be published without your name in it, kaya lang too late for me to inform you."
Ano bang mali sa ginawa ko? Hindi ko magets.
"Alam ko naman na you got those sources from your husband's company. But with that, iisipin ng mga Royale na ginawa mo ito to get back at them."
Hindi ko magawang mag isip ng maayos at maabsorb lahat ng sinasabi ni Miss Anna.
"Do you get what I mean?"
Umiling ako. Shootangina. I don't get her point.
"Your husband doesn't want you to get involved in it, because he clearly know what Royale is capable of. He's concern to you, Kryst."
"Concern? As if," bulong ko sa aking sarili. "Thank you, Miss Anna."
"Kryst."
Muli akong napalingon kay Miss Anna nang tawagin niya ulit ako.
She smiled. "He cares for you. I'm sure of it. He cares."
----