CHAPTER 3
Life is so unpredictable. I don't know what got in to me to sign the contract, well it all benefits me, but why do I have a bad feeling about this? Naiwan ako sa conference room, tulala habang nakatingin sa contract. Is this right? Tama ba itong pinasok ko? I really couldn't believe that this is happening to me, that suddenly I got married to the one of the richest businessman in the world – NO! To the most annoying and jerkass one.
"Tatanggapin mo rin pala ang alok, pinatagal mo pa. Talagang hinintay mo pang may mangyari sa ama mo bago ka gumawa ng aksyon," ani Mama na kasama kong naghihintay sa labas ng operating room.
"Mama ano ba? Tinanggap na nga ni ate di ba?"
"Oo na! Ako na naman ang mali!" singhal ni Mama na sinamaan pa ako ng tingin bago umalis.
Napabuntong hininga na lang ako.
Kahit papaano ay nabunutan ako ng tinik sa dibdib nang magandang balita ang sumalubong sa amin.
"Huwag ka nang mag-alala kay, Tito," ani Seah na naglapag ng kape sa mesa.
I only have one friend, and it's her, she's also a doctor.
"I won't ask, because I know you have your reason."
Nag angat ako ng ulo para matignan siya sa mata. I smiled when she smiled as she give me a quick tight hug. Hindi ko magawang magsalita dahil alam kong pag ginawa ko iyon iiyak lang ako. Niyakap ko siya ng sobrang higpit
"Just always remember, you have me," she said sincerely.
I just nodded.
I don't know what really comes into my mind, but as soon as I heard that Papa needs an urgent surgery, wala na akong ibang maisip pa kundi tanggapin ang alok.
That jerkass warned me not to tell everything about the fake setup. He already made our fake family picture, a fake private wedding and a fake marriage contract. I really can’t believe that he manage everything just like that. The article just published and it's all over the world now. Ilang araw na ang nakakalipas pero hindi pa rin humuhupa ang balita. Some reporters went to our house too. This is seriously out of hand. I wanted to post something, and admit everything that I’m not really acquainted to him, but I couldn’t, thinking about my father. So, I don’t have choice but to sign the contract
"Miss Kryst."
Pareho kaming napatingin ni Seah sa nagsalita nang makalabas kami sa office niya. Hindi pa man nagsasalita ang lalake ay alam ko na agad ang sasabihin niya ng lumingon siya sa relo niya.
Nginitian ko si Seah ng takha niya akong tinignan.
"Aalis ka na?" malungkot na tanong ni Seah. Tumango lang ako. "Ya."
Muli niya akong niyakap.
"Makikita mo pa naman ako," pagmamaktol ko.
"Basta. Mamimiss kita."
Nagpaalam na ako kay Seah maging kila Mama na kanina pa pala naghihintay sa akin. Hindi ko na mahihintay magising si Papa, pero alam ko namang magiging okay siya.
Sumunod naman agad ako sa lalaki na pinagbuksan ako ng pintuan ng sasakyan. Hindi ko maiwasang mapairap nang madatnan si Creed sa loob na prenteng nakaupo, ni hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin.
"Can't I just stay and wait for my father to wake up?" tanong ko, but it's more sounded like a please.
The jerkass just pretend he didn't hear anything.
"Deon, brief her on what will happen tomorrow," he said without casting me a glance.
He should be thankful to me instaed. Walang utang na loob! Hindi ko alam kung ilang beses ko siyang napatay sa isip ko dahil sa inis.
"On the afternoon together with Haru, we’ll attend a gallery opening, and a dinner at the Royale Hotel. It’s like a family day. A reporter will secretly film you, so we must all be careful.”
“Are you listening?” mabilis akong napaayos ng upo at napaiwas ng tingin ng balingan niya ako ng tingin.
Napairap na lang ako sa kawalan. Tinanggap ko naman ang folder na inabot sa akin ni Mr. Deon.
"That's the people who’ll gonna attend the opening tommorow. You should memorize it," nakangiting sabi ni Mr. Deon
"You're not that stupid enough not to memorize that, aren’t you?" Pinagtaasan ko siya ng kilay. Ugh! Ang sarap niyang burahin sa mundo.
Lahat talaga ng lumalabas sa bunganga niya ay pang iinsulto. Mas maganda na lang huwag pansinin kesa bwisitin ko pa ang sarili ko.
"Thanks Mr. Deon for your effort," nakangiting baling ko kay Mr. Deon na ngumiti lang din sa akin.
Inirapan ko naman agad ang jerkass ng magsalubong ang mata namin. He just raised a brow at me.
I didn't know na instant ang inis na mararamdaman mo sa taong katulad niya. Tipong kahit hindi mo kausap ay mababadtrip ka na agad dahil sa presensya niya. He is really the real definition of annoying.
Hindi ko maiwasang mamangha ng makita ang isang malapalasyong bahay. Teka! Tama ba 'tong napuntahan namin? Hindi pa man ako nakakaget over dahil sa gulat ay mas lalo pa akong namangha nang makapasok ako sa loob. Is this true? Is this real? Wow! He’s indeed rich.
"We will be sharing a room, but don't get it wrong, it is a room with a different pathways. My room is connected to your room," he said explaining it thoroughly.
Nauna na siyang naglakad sa hagdan, samantalang naiwan naman akong kasama si Mr. Deon dahil siya ang mag b-brief sa akin, though nasabi na niya sa akin lahat ng dapat at hindi dapat gawin nang makausap ko siya two days ago. Every details ay sinabi niya sa akin. Ni wala ata siyang iniwang detalye.
"That's Haru's room," turo niya sa isang pink na pintuan na inihulma sa isang fairytale princess. "Gusto mong pumasok? Hindi niya alam na ngayon ang dating mo," dagdag niya.
I will only pretend a mother to Haru, not a wife of him. Nakangiti naman akong tumango. Pagbukas niya sa pintuan ay agad sumalubong sa akin ang mala fairytales na kwarto. Para akong nasa ibang lugar. Lahat ay pink at punong puno ng mga naglalakihang laruan.
"Yayi, when will mommy go home?" rinig kong tanong ni Haru. Hindi ko maiwasang mapangiti nang marinig ko ang boses niya.
I once asked ‘Paano kung tatanungin ako ni Haru kung bakit ngayon lang ako nagpakita?’, because there’s no hell way na hindi siya magtanong sa akin. Mr. Deon gave me an excuses like ‘I’m working far away’, so I wasn’t able to visit her. I don’t think she’ll believe me though.
Nasa loob siya ng isang pink na tent, pagkakwa'y bumukas ang zipper nito at inilabas niya ang kanyang ulo.
"Hi," nakangiting sabi ko.
"Mommy?"
In an instant ay nakalapit siya sa akin isang at mahigpit akong niyakap.
"You're here! Yayi! Mommy is here!" tuwang tuwa na sabi niya.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan kung gaano siya kasaya.
I heard that her real mom died as soon as she gave birth to her, but that jerkass didn't say anything about it instead he lied that her mother is working far far away. But suddenly, I got myself involved. Haru thought I’m her mother when she saw a picture of me at his father’s room. Oh freaking geez. Will I able to stand this setup?
Lumabas ako sa kwarto ni Haru nang makatulog na ito, at halos atakihin naman ako sa puso nang biglang bumungad sa akin ang pinagkaitan ng kaligayahan dahil salubong na naman ang kilay niyang nakatingin sa akin.
"What do you want?" I asked annoyed
But instead answering my question, he just left without any words. Ugh! So freaking annoying! Sumunod na lang ako sa kanya, isa lang kasi ang pintuan papunta sa kwarto ko, which is yung pintuan din ng kwarto niya. Just like what he said, our room is literally connected because as soon as I entered his room may isa pang pintuan sa gilid, which is the door to my room.
"Don't ever assume that we will going to sleep together in the future, because it'll never happen," he said in a deep cold tone.
"Don't worry, wala naman akong balak na tabihan ka," pagtataray ko. Pumasok na ako sa kwarto ko at binagsakan siya ng pintuan.
He's not even my type. Kairita! Akala ata niya ang gwapo niya. Mayaman lang siya.
Pero habang pinagmamasdan ko ang paligid ay hindi ko maiwasang malungkot. This room is big. May sarili akong CR, cabinet, at kumpleto ang gamit, pero hindi ko magawang maging masaya, maluwang siya, but I feel suffocated. Compare to my old room, kahit maliit 'yon at luma ang mga gamit, masasabi kong nasa bahay ako. Unlike here, it's not home to me. I feel alone all of a sudden.
Napaupo na lang ako sa sahig habang yakap-yakap ang tuhod ko. All of a sudden, bigla akong nadurog.
"Anong gagawin ko?"
Paano kung bawiin ko ang contract? For sure ako naman ang ipapakulong niya, knowing him— he is so powerful. Paano ako napunta sa ganitong sitwasyon?
"Kaya mo ito Lauvve. You're not alone."
Pero kahit na anong pilit ko sa sarili ko ay pilit itong bumabagsak. Hindi ako iyakin, pero bakit walang tigil ang luha ko ngayon? This is so hard to bear. It's depressing.
Hindi ko alam kung paano ako nakatulog dahil paggising ko ay tirik na tirik na ang araw kaya agad akong napabalingkwas.
"Good morning, Mommy," nakangiting bungad sa akin ni Haru na agad akong niyakap at hinalikan sa bawat sulok ng aking mukha.
Tila nawala ang pagkakaantok ko dahil sa kanya.
"Good morning, Baby. Did you sleep well?" I asked with a smile on my face.
I can't fake a smile when she's in front of me. Buti na lang kahit papaano ay nandito siya. She’s gullible and sweet.
"Uhm. I sleep well. Daddy said that I'll wake you up, but I don't wanna disturb you from sleeping. I love you, Mommy." umupo siya sa lap ko at mahigpit akong niyakap.
"I love you too. I'll just wash up."
Napangiti ako nang sumunod siya sa akin hanggang sa cr. Nakangiti niya akong pinapanood habang naghuhugas ako ng mukha, hanggang sa mag toothbrush ako at matapos mag suklay. Bago kami lumabas ay inayos ko muna ang mahaba niyang buhok. Buti na lang marunong akong mag braid.
Sabay kaming lumabas sa kwarto at bumaba. Nadatnan naman namin si jerkass na nasa newspaper ang mata. Ni hindi niya namalayan ang pagdating namin. Wala talagang sense ang lalaking ito. Sarap bigwasan, tipong tanggal ulo.
"Good morning, Daddy," nakangiting bati ni Haru sa ama na humalik sa pisngi, ngunit saglit lang niya itong tinapunan ng tingin.
I secretly rolled my eyes.
"Let’s eat Baby."
"Mommy, you're not going to give Daddy a good morning kiss?" inosenteng tanong ni Haru na mataman kaming binigyan ng tingin.
My eyes widened, and for a second my heart stopped. Bigla akong pinagpawisan. Pinandilatan ko ng mata ang jerkass na blangko lang na nakatingin sa akin.
Anong sasabihin ko?
"Mommy, come on. Give Daddy a good morning kiss," pagpipilit niya na bahagya pang hinila ang kamay ko.
Feeling ko magpapalpitate ako ng 'di oras dito.
"Baby, we'll do it later. Let's eat first," saad ko. Jusmiyo! Siya? Hahalikan ko? Patayin niyo na lang ako.
"Don't you love each other? Is that a reason why you're sleeping in a different room?" nakabusangot na tanong niya.
Muli kong tinignan ang gagong mukhang walang pakealam sa paligid. Bakit ako lang ang nag e-explain, siya naman ang may pakana ng lahat ng ito. O come on! He is really impossible!
"Daddy, will you kiss mommy instead?"
Nahihilo talaga ako sa sinasabi ng batang ito. Bakit ba niya pinagpipilitan ang good morning kiss, e makita ko pa lang pagmumukha ng ama niya sira na agad araw ko. O freaking come on!
Tumayo siya bigla kaya bahagya akong napaatras. Pinandilatan ko siya ng mata pero hindi niya iyon pinansin. Napalunok ako nang bigla niya akong hinila palapit sa kanya, at walang pakundaang siniil niya ng halik ang aking labi. What the f*ck?
"Now, let's eat," saad niya na muling umupo na para bang walang nangyari.
Naiwan naman akong tulala at tila tumakbo palabas sa akin ang cells ko. Shoota! Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, hindi dahil sa kilig kundi dahil sa inis na nararamdaman ko. Now, he's eating as if nothing happened. Mariin kong ipinikit ang aking mata dahil sa inis na nararamdaman ko. Gusto ko siyang murahin, pero pasalamat siya nasa harap namin si Haru kaya wala akong magawa.
"Are you freakingly real? Why did you kiss me?" singhal ko nang pareho kaming makapasok sa kwarto.
Kunot noo niya akong binalingan ng tingin na para bang may sinabi akong mali.
"What's wrong with a kiss? Why? Do you want more than that?" nakangising tanong niya.
I rolled my eyes when he strips in front of me.
"Ang yabang! Pinagmamalaki mo na iyan?" sarkastikong tanong ko. "Saka mo na ako yabangan kung maganda na 'yang katawan mo," pagtataray ko saka siya nilampasan at pumasok sa kwarto ko.
Akala niya ata ma w-whip ako sa katawan niya? Gago ba siya? Ang kapal ng mukha. Sarap jombagin! Nakakagigil.
---