Chapter 7
"He cares for you. I'm sure of it. He cares."
Hanggang sa matapos naming mag usap ni Miss Anna ay hindi ko pa rin maintindihan ang ibig niyang sabihin. Naging busy naman ang mga kasama ko sa pagtanggap ng mga tawag regarding sa article na naipublished. Nagtatanong ang mga ito kung saan namin nakuha ang sources. Mas lalo pang lumabo ang lahat ng mag post na naman ang b***h na iyon na idinideny ang totoo.
"They are keep on asking about the credibility of the article. Ang sakit nila sa braincells," pagmamaktol ni Amy
"Kryst, sorry pinublish namin without your consent. Ikaw tuloy lalo ang nagipit," ani Kio.
"Royale Corp. demanding that we should remove the article before they take a legal action against us."
Napabuntong hininga na lang ako.
"O saan ka pupunta?" tanong ni Chief na bahagyang tumayo ng tumayo ako.
Nag cross arms siya at nagtaas ng kilay habang pinapanood ako na nililigpit ang mga drafts na nagkalat sa mesa ko. My table is a mess. Sobrang daming papel ang nagkalat dito, pati monitor ng laptop ko ay makalat dahil sa sobrang daming stikcy notes na nakadikit sa bawat sulok nito.
"Uuwi na."
Nagtaas siya ng kilay, kapagkwa'y sumandal sa kinauupuan niya. Tambak ng mga iba't ibang papel ang makalat niyang mesa.
I'm done with all my works today. I love being busy. This is my escape not to think anything that bothering me. I'd rather have a load of works than to stay still doing nothing.
"Can you ask your husband for an interview about the issue?" pagkakwa'y tanong ni Chief.
Nakagat ko ang ibabang labi ko at pasimpleng bumuntong hininga. Now, I finally get it why he doesn't want me to publish the article with my name. Kaya lang wala na akong magagawa.
"To clear your name too," ani Seca na nakabusangot.
Alam kong lahat sila ay nastress dahil sa akin. Buti na lang humupa na ang mga tawag dahil nag release si Miss Anna ng statement.
Pagkauwi ko ay agad kong ibinagsak ang katawan ko sa kama ko. I'm so tired. Wala naman akong ginawa pero parang pagod na pagod ako. This day is so stressful. I became an 'Unreliable Writer' in an instant. Hinilot ko ang sentido ko.
"That happen, because you don't know how to listen."
Napatingin ako sa nagsalita, it's Creed, nakasandal siya sa pintuan ng kwarto ko habang nakacross arms, at salubong ang kilay nito na nakatingin sa akin. Dadagdag pa ang gago.
"As if you know how to listen too," pagmamaktol ko.
Lakas din talaga ng loob niyang manita kung talent niya rin naman ang hindi marunong makinig sa iba. Tch.
"Wala ka na bang sasabihin? Can I rest now? Bukas na lang tayo magtalo," tamad na tamad na saad ko kasabay ng paghikab ko.
Kung hindi sana ako naging related sa kanya hindi sana mangyayari ang lahat ng ito. Nakakasama ng loob. Napabuntong hininga na lang ako at tamad na tamad na umupo sa kama ko.
"You did great."
Bigla akong napaangat ng ulo dahil sa sinabi niya. Did he just praised me? Kunot ang noong binalingan ko siya ng tingin. Tama ba ang narinig ko? He really praised me?
"Kumain ka na?" pagkakwa'y tanong niya na mas lalong ikinagulat ko.
Umiling lang ako. "Wala akong gana," napapabuntong hiningang turan ko.
Wait! What's with him? Bakit mukhang mabait siya ngayon? Hindi ba siya galit? Titig na titig lang ako sa kanya. Seryoso ba ito?
Muli kong ibinagsak ang katawan ko sa kama. Nanatili naman siyang nakatayo.
"May sasabihin ka pa ba?"
Wala akong ganang makipag usap o makipagtalo sa kanya. Pagod ang katawan ko maging ang utak ko. Muli akong bumuntong hininga.
"Stop sighing," puna niya sa akin.
But I can't stop myself. Iniisip ko pa lang na pinag uusapan at kini-criticize ako ay sumasakit na ang ulo ko. This is really depressing. Naisubsob ko na lang ang mukha ko unan dahil sa frustration na nararamdaman ko. This is so unfair.
I love writing the most. It's my second life. Thinking about na baka hindi ko na ito magawa dahil sa nangyari, so depressing. Seriously.
Kinabukasan ay sinabihan ako ni Miss Anna na huwag munang pumasok dahil madaming reporters ang nasa labas ng kompanya, hinihingi ang opinyon ko. Hindi ko na rin nagawang ihatid si Haru. Ngayon ay hindi ko maiwasang mas mafrustrate habang binabasa ang iba't ibang article sa akin.
'HEADLINE : UNPROPESSIONAL WRITER HIT THE BOTTOM'
'HEADLINE : FAKE SOURCES — PHOTOSHOPPED, BEHIND'
'HEADLINE : REVENGE GONE WRONG'
Mariin kong naipikit ang mga mata ko dahil sa frustration na nararamdaman ko. Wala akong magawa para ipagtanggol ang sarili ko. I feel so small all of a sudden.
"Miss Kryst, pinapasabi po ni Mr. Winchester na kumain na raw ho kayo," ani Manang Lea na nakatayo sa gilid ko.
"Mamaya na ho. Hindi pa ako nagugutom," sagot ko na ang mga mata ko ay nasa laptop pa rin.
Wala akong ganang kumain.
Maya-maya pa ay muli na naman itong bumalik at muling sinabi na kumain na ako, pero gaya ng una kong sagot ko hindi pa ako nagugutom.
Nabaling ang atensyon ko sa phone ko ng umilaw ito. Hinayaan ko lang ito hanggang sa maging missed call ang tawag. Napakagat labi ako habang nagbabasa ng comments. Dati hindi ako affected sa mga nababasa ko, pero ngayon hindi ko magawang baliwalain ang lahat ng ito.
"Miss Kryst, may bisita ho kayo," ani Manang Lea.
Agad namang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Bisita? Nilingon ko ang sala at agad akong napatayo ng makita si Mama at Papa na mukhang manghang mangha sa mga nakikita nila.
"Mama, Papa!" tuwang-tuwa na tawag ko at mabilis silang niyakap.
Hindi ko maiwasang mapaluha.
"Hindi ka raw kumakain? Tch. Ikaw na bata talaga. Sabi mo sa akin na huwag kong pababayaan ang sarili ko pero heto ka naman at ginugutom ang sarili mo," paninita ni Papa na ginulo ang buhok ko.
Inalalayan ko si Papa na umupo, samantalang si Mama ay busy sa paglibot ng mata niya sa paligid.
"Sabihin mo kaya sa asawa mo na lumipat na rin kami rto? Panigurado namang madami kayang kuwarto rito," ani Mama na taas kilay na binalingan ako ng tingin.
"Ano ka ba naman Pia? Alam mo naman ang tunay na sitwasyon di ba?" ani Papa na nginitihan ako. "Pasensya na anak huh. Nandito ka sa sitwasyon na ito dahil sa akin," dagdag niya.
"Papa, okay lang ba talaga na nandito ka ngayon? Hindi ba dapat nagpapahinga ka pa lang ngayon? Wala pang isang buwan ng maoperahan ka."
Umiling ito. "Masaya ako at nakita kita."
Mabilis kong pinunasan ang luha ko.
"Huwag mong pansinin ang sinasabi sa iyo ng iba dahil kung meron mang mas nakakakilala sa iyo, kami iyon. Huhusgahan ka man ng iba, lagi mong tatandaan na nandito lang kami lagi para sa iyo," nakangiti sabi ni Papa na mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ko.
I'm so thankful having them. Hindi ako perpektong anak, pero God gave me a family.
"Kamusta po si Y? Bakit hindi siya sumama?"
"Wala pa ring pinagbago. Sakit pa rin sa ulo," pagbibiro ni Papa
Pagkatapos naming kumain ay dinala ko sila sa gazebo. Sobrang laki at luwang ng labas ng bahay, kung ie-estimate ang front door sa gate ay aabutin ka ng dalawang minuto kapag maglalakad ka. Madaming bodyguards ang nagkalat sa paligid lalo na kung nandito si Creed at Haru.
"Kamusta naman ang trato niya sa iyo? Hindi ka ba niya sinasaktan?" pagkakwa'y tanong ni Papa.
"Hambog siya at sobrang nakakairita, pero tingin ko naman mabait siya," simpleng sagot ko. "Huwag kayong mag alala sa akin dito dahil mababait sila sa akin, lalo na si Haru."
"Oo nga pala. Kailan mo naman kami ipapakilala sa bata?"
"Kung mag i-stay pa kayo rito ng isang oras baka maabutan po ninyo siya."
"Kryst huh, magtino ka rito. Huwag kang gumawa ng bagay na ikakahiya mo. Tandaan mo, malaki ang bayad sayo."
"Pia," suway ni Papa, ngumiti lang ako at tumango.
"Oh," takhang saad ko ng may sunod sunod na sasakyan ang paparating.
Hindi ko pa man nakikita kung sino ang nakasakay ay alam ko na agad kung sino ito. Masyado pang maaga. Magagalit kaya siya pag nalaman niyang nandito sila Mama?
"Bakit anak?" tanong ni Papa na napalingon din sa tinitignan ko.
Kita ko ang paghanga sa mga mata ni Mama at Papa ng makita kung gaano kabilis ang mga lalake na lumabas sa sasakyan at humarera sa harapan ng isang sasakyan bago ito bumukas.
"Nasa pelikula ba ako?" ani papa.
This is how they see Creed. A multi-billionaire who have everything in the world. I can't also deny the fact that I always amazed by his rich—stuffs. He is seriously rich and all.
Lumingon ito sa amin na halos ikaubos ng hangin sa katawan ko. What the hell?! Paano kung isipin niyang pinapunta ko rito sila Mama? For sure, magagalit ang gagong ito. Patay ako nito!
"Mommy!"
Nabaling ang atensyon ko kay Haru na masayang tumakbo palapit sa akin. Bahagya naman akong lumuhod para yakapin siya.
"Oh? Mommy, who are they po?" nakangiting tanong niya.
"They are my parents, Baby."
"Oh? Really, Mommy? They are my lolo and lola?" mababakas ang kasiyahan sa mukha niya, mabilis siyang nagmano kila mama at papa na nanatili lang naman nakatingin sa akin.
"Haru, go inside."
I frowned when he started to ruin the mood again. Nginitian ko si Haru at sinenyasan siya na agad naman niyang sinunod. Ngayon ay kami na lang ang natitira. Pumasok kami sa bahay, at pumunta sa office niya.
Pinakiramdaman ko ang paligid, nanatili namang nakaupo si Creed na tahimik lang. Si Mama at Papa ay mukhang naghihintay lang na mabasag ang katahimikan.
"Aren't you going to leave yet?"
"Ya," agad na bulalas ko ng magsalita siya. "At least show some respect. Wala ba talagang lalabas na maganda sa bibig mo?" iritableng dagdag ko.
Ngumiti lang si Papa sa akin, samantalang si Mama ay tila walang pakealam sa nangyayari.
Napairap ako sa kawalan. Kung paalisin niya ang mga magulang ko ay para itong mga hayop sa paningin niya. Masamang tingin ang ibinaling ko sa kanya na unbothered na nakatingin sa akin.
"Hijo, salamat at pinatuloy mo kami."
Tumayo ako ng tumayo sila Mama at Papa. Mariin kong nakagat ang ibabang labi ko dahil sa inis na nararamdaman ko.
"Hijo, sana huwag mong pabayaan ang anak namin," ani papa na hindi man lang nakatanggap ng kahit na anong feedback sa gago.
"Papa, huwag ka ng mag abalang kausapin siya dahil pinaglihi iyan sa sama ng loob," pagtataray ko.
"Kryst, ganyan ba ang turo namin sa iyo?" sita ni Mama sa akin.
Namilog ang mata ko bago tumahimik.
"The car is now ready."
Tumayo ito ng nakapamulsa bago siya lumabas sa office niya. Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. Para akong sasabog sa sobrang inis na nararamdaman ko. Nang maihatid ko sila Mama sa labas ay agad kong tinungo ang kwarto. Sakto naman na naabutan ko siyang nagpapalit ng damit.
"Ya. Tama ba ang ginawa mo? Ganyan ka ba kabastos para paalisin na lang ng ganon ang mga magulang ko? Binisita lang naman nila ako, dahil ayaw mo nga akong pauwiin di ba?" tuloy-tuloy na saad ko na halos mapigtas na ang litid ko sa sobrang inis.
Mas lalo pa akong nainis ng hindi siya umimik at lampasan lang ako.
"Kinakausap pa kita," singhal ko saka marahas na hinila siya sa braso, ngunit nagulat ako ng bigla niya akong hinila palapit sa kanya.
"I don't have nothing to say though," aniya sa malamig na boses.
Bahagya ko siyang tinulak pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin, mas lalo niyang ipinulupot ang braso niya sa bewang ko. Inilapit niya ang mukha niya sa akin kaya agad ko itong inilayo.
"You see I'm a jerkass, so I don't care whether they're your parents or not."
Mas lalong tumalim ang titig ko sa kanya. Ngumisi ito sa akin bago niya ako pakawalan. Mariin kong naipikit ang mga mata ko dahil sa inis na nararamdaman ko. I'm really so done with him.
"Oo, na sayo na lahat, mayaman at nabibili ang lahat, kaya nga nabili mo ako, di ba? Kahit sino walang makakatagal sa ugali mo. Kaya ka siguro iniiwan dahil sa ugali mo. Well, deserve mo rin naman," pagtataray ko, sinalubong ko ang malamig niyang mga mata na biglang naging blangko.
I'm not used to throw insult to others, or mocking what they feel, kaya lang masyado na siyang malala. Even the rudest person can show a little sympathy, pero siya? He really doesn't know how to do it.
"Ya. Alam mo ba kung bakit hindi ka masaya?" sinalubong ko ang malamig niyang mga mata.
Nag igting ang panga nito at kita ko ang galit sa mga mata niya.
"Kasi lahat sayo natutumbasan ng pera. Sana hindi lumaking kagaya mo si Haru," inis na saad ko, at akmang tatalikuran siya ng magsalita ito.
"If money can't buy happiness, why do people are so in love with money?" he said in cold monstrous deep voice.
I sneered. "That's your own perspective—"
"You're happy having money too. So you're not different from me. The food you eat, the clothes you wear, and the things you have, you bought it with money. Didn't it made you happy?" he said cutting me off staring at me coldly.
Napatigil ako sa sinabi niya.
"I bought the media. I cleaned up the issue. I brought your parents here. But I got insult from you in return," he stated coldly that really caught me off guard.
Napamaang ako sa sinabi niya. What does he mean? He what? Parang may kung anong sumabog sa loob ko, at hindi ko ito maintindihan.
"You're the coldest one here, not me," he said, and left.
----
Luvvess