Mariin siyang lumunok habang patuloy ang pagkurap ng nanlalaki niyang mga mata. Parang natuod siya sa kinatatayuan kahit na gustong gusto niya nang tumakbo palabas dahil sa kahihiyang nararamdaman nang mga oras na iyon. Mariin niyang kinagat ang mga labi at pilit na pinakalma ang sarili. Kahit lalo siyang nakaramdam ng pag-aalinlangan sa gagawin ngayong kaharap na niya ang lalaking tinutukoy ni Juliana ay pinipilit pa rin niyang isinasaksak sa isipan niya ang dahilan kung bakit siya naroon. Kahit pa nga halos Tatay na ang turing niya sa lalaking kaharap ngayon na hindi niya akalain na may itinatago rin palang kabulukan sa pagkatao nito na hindi niya lubos akalain ay hindi niya maiwasang madismaya nang malaman na ito ang lalaking makakatulong sa kanya sa ganoong paraan. “Anong ginaga