“Girl, umuwi ka na lang muna kaya sandali at magpahinga.” Tumigil siya sa harap ng ospital at pinahid ang luha bago nilingon si Kakai. Kanina pa siya naiinis dahil ayaw tumigil ng mga luha niya sa pagpatak mula pa nang umalis sila sa mansion. Hanggang ngayon ay naninikip pa rin ang dibdib niya at pakiramdam niya ay nanghihina siya. Hindi niya rin namalayan kung paano natapos ang pag-uusap nila ni Grant. Tanging malinaw lang sa kanya ay mga nasaksihan at narinig na dahilan nang halos pagkadurog ng puso niya. “Ok lang ako, Kakai. Umuwi ka na rin. Kailangan ko pang bantayan si Nanay," mahinahong sambit niya. Sandali niyang sinulyapan ito nang hindi ito sumagot saka mabilis na iniiwas ang tingin. Alam niyang nasaksihan din nito ang mga nangyari kanina kaya ganoon na lang ang pag-aalala