Tila wala sa sariling napatitig siya sa hawak na cellphone habang walang tigil ang pagtunog noon. Ilang beses siyang nagtangkang sagutin ang bawat tawag na salitan niyang natatanggap mula kay Aling Nelia at Kakai pero sa huli ay hindi pa rin niya magawang sagutin iyon. Hindi niya pa alam kung paano ipapaliwanag sa mga ito ang sitwasyong pinasok niya ngayon at kung dapat pa ba niyang ipaalam sa mga ito ang totoo. Hindi na rin naman iba sa kanya ang mga ito at tumatanaw siya ng utang na loob lalo na kay Aling Nelia hindi lang bilang naging isang mabuting kaibigan na rin ng Nanay niya kundi sa pagmamalasakit nito pati na rin sa kanya na walang inaasahang kapalit. Nanatili siyang nakatitig sa patuloy na pagri-ring ng kanyang cellphone hanggang sa tumahimik iyon pero ilang segundo lang