Inihatid ni Vera si Grant sa labas ng bahay nila nang sa wakas ay pumayag din ito na umuwi na. Inutusan kasi ito ng Nanay niya na ayusin ang tumatagas na tubig sa gripo na gamit nila sa paglalaba. Kuntodo pigil pa siya rito dahil nahihiya siyang pagawain ito sa bahay nila. Isa pa ay diskumpyado siya na kaya nito iyong gawin o marunong ito sa mga ganoong gawain sa bahay pagkatapos niyang malaman ang totoong estado nito sa buhay. Pero nagulat siya nang ilang minuto lang ang ginugol nito para ayusin iyon. “Are you sure, wala nang kailangan i-repair dito sa bahay niyo?” Sa totoo lang ay marami, ‘yon ang gusto niyang isagot dito pero umiling na lang siya. Sa tagal ba naman na walang lalaki sa bahay nila para magkumpuni ng mga nasisira nilang gamit. Pinagta-tyagaan na nga lang niyang gam