“Antonio Sullivan’s only heir?” halos pabulong na tanong niya. Kahit pa narinig niya na iyon kanina sa mismong Ina nito ay parang hindi pa rin siya makapaniwala. Kaya naman pala ganoon na lang ito umasta noong unang araw niya itong nakilala at natulungan siyang pumasok at makausap ang pakay niya kahit wala siyang appointment dahil ito mismo ang may-ari ng kumpanya kung saan niya pinuntahan noon si Mr. Bartolome. Pero ang sabi nito ay ordinaryong freelancer lang ito roon. Napabuntong hininga siya. Habang pinagmamasdan niya ito na nananatiling tahimik ay unti-unti naman niyang nare-realize ang malaking pagkakaiba ng mundo nila. Pakiramdam tuloy niya ay ibang Grant ang nasa harapan niya. Malayo sa ordinaryong boyfriend na nakilala at minahal niya. “Kung wala ka naman sasabihin, umuwi k