“I’m sorry, Vera but we need to wait for another two weeks for the Legaspi foundation to release the fund. Sila pa lang ang nag-approve ng case ni Rose but the problem is out of the country ang signatories kaya we had no choice but to wait for them.” Kinagat ni Vera ang labi at tumango pagkatapos ay sandaling lumingon kay Mr. Bartolome saka muling ibinalik ang tingin sa loob ng ICU. Muling pumatak ang luha niya habang nakatingin sa ina. Maraming aparato ang nakakabit sa katawan nito habang bakas sa mukha nito ang paghihirap. Araw-araw ay lalong lumalala at humihina ang katawan nito. Dapat ay maibsan ang bigat ng dibdib niya sa balitang iyon ni Mr. Bartolome pero mas bumalot ang takot sa dibdib niya nang muling pagmasdan ang payat at mahinang katawan ng Ina. Hindi niya alam kung gaano k