“Vera?” tawag ni Grant saka mabilis na lumapit sa dalaga. Hindi nito pinansin si Cassandra at walang lingon na inalis ang kamay nito na pumigil sa kanya. Bakas pa rin ang pagkagulat sa mukha nito na tila hindi makapaniwala na nasa harapan siya nito. “What are you doing here? Kanina ka pa ba rito?” Lumunok siya at bahagyang ngumisi. Nag-aalala ba ito sa nangyari sa kanya o nag-alala ito na baka narinig niya ang lahat? “You know her, Grant?” singit na tanong ni Cassandra na muling ibinalik ang atensyon sa kanya. “She was the one who caused this mess. You better get her out bago tuluyang sirain ng babaeng iyan ang party ni Tita.” Dire-diretsong sumbong nito. Mataman lang siyang nakatingin kay Grant habang hinihintay kung ano ang gagawin nito. Wala na siyang pakialam kung anuman ang masak