“I’m sorry, baby… Patawad… P-patawarin mo ‘ko,” walang tigil ang pag-agos ng luha niya habang paulit-ulit na sinasabi iyon sa isang batang lalaki na walang tigil ang pag-iyak habang nakataas ang maliliit nitong mga kamay na pilit siyang inaabot. Sunod-sunod ang kanyang pag-iling na siguradong nauunawaan nito ang ibig niyang sabihin dahilan para lalong lumakas ang iyak nito. Tanging iyak at pagpipilit na makabitaw sa babaeng mahigpit ang pagkakayakap dito ang siyang tanging malinaw sa paningin niya pero bakas sa mala-anghel nitong mukha ang pagmamakaawa sa kanya upang kunin niya ito. Pero patuloy na pag-iling lang ang tanging sagot niya. Pakiramdam niya ay wala siyang karapatan na hawakan man lang ito kahit na nararamdaman niya ang malalim nilang ugnayan. Nanlalabo ang kanyang paningi