“Your milk.” Napaangat ang tingin niya sa baso ng gatas na biglang lumitaw sa harapan niya. Pilit siyang ngumiti pagkatapos ay pinahid ang luha sa pisngi niya saka kinuha iyon mula kay Dos. “Salamat,” tipid na sambit niya saka inilapag ang baso sa sahig kung saan siya nakaupo. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal nakaupo roon sa gilid ng swimming pool habang walang sawang nakatitig sa tubig. Mula nang umalis kanina sina Grant at Toby ay hindi na siya dinalaw pa ng antok. Hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa imahinasyon niya ang itsura ni Grant habang nakikiusap ito sa kanya. Nasasaktan siya. At siguro ay doble pa ng sakit na nararamdaman nito ang nararamdaman niya ngayon. Pero wala na siyang magagawa para maibsan iyon o baguhin ang sitwasyon nila. At kahit gustuhin man niyang