Chapter 10

1448 Words

Nakakunot ang noong nakatingin si Vera sa binatang nasa harapan niya. Bigla na lang itong sumulpot sa harapan niya pagkatapos umalis ng batang nagbigay sa kanya ng bulaklak. Nakamaang na nakatitig siya rito saka itinaas ang hawak na bulaklak. “Para saan ‘to?” diretsong tanong niya sa binata. Hindi naman ito mukhang manliligaw base sa nakikita niyang reaksyon sa mukha nito. Ilang beses na rin naman na may nagtangkang manligaw sa kanya at halos lahat ng mga lalaking iyon ay halos iisa ang kilos at pakikitungo sa kanya kahit sa simpleng paglapit pa lang sa kanya ng mga ito hindi katulad ng isang ito. Alanganing ngumiti si Grant at sandaling sumulyap sa kanya saka bahagyang inginuso ang hawak niyang bulaklak habang ang dalawang kamay nito ay nakasuksok sa likurang bulsa ng pantalon nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD