Chapter 11

1789 Words

Napatigil si Vera sa paghakbang nang mapansin ang pamilyar na bulto ng katawan na nakasandal sa pader. Kakatapos lang ng tutorial niya sa kambal at kasalukuyang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep pauwi. Nakasuksok ang isang kamay ng binata sa bulsa ng pantalon nito habang ang isang tuhod ay nakabaluktot at nakatuon ang paa sa pader habang nakayuko. Suot pa rin nito ang itim na sumbrero pero napansin niya na kulay grey na ang t-shirt na suot nito ngayon. Kung hindi siya nagkakamali ay puting polo shirt ang suot nito kanina. Nakatagilid ito sa gawi niya na may ilang hakbang pa ang layo mula sa kinatatayuan niya. Mukhang malalim ang iniisip nito kaya hindi siya napapansin. Mula sa pagitan nila ay kitang kita niya ang perpektong side profile ng binata. Nahahalinang pinagmasdan niya i

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD