Chapter 5

1197 Words
“Manong, dalawang fish ball po.” Nakangiting sinulyapan ni Vera ang binata na abala sa pagtusok ng fishballs mula sa kawali na may kumukulong mantika. She has a good impression towards him. Sa kilos at pananalita nito ay mukha itong mayaman pero mukhang sanay naman sa pagkain na hindi kadalasang kinakain ng mga taong nakakaangat sa pamumuhay. Sa totoo lang ay nahihiya siya na ayain ito roon pero wala naman siyang ibang choice dahil wala siyang sapat na pera para i-libre ito sa isang maayos na restaurant. Ayaw naman niya na magkaroon ng utang na loob sa isang estranghero kaya hindi niya matanggihan ang hiningi nitong kapalit sa ginawang pagtulong sa kanya upang makalapit kay Mr. Bartolome. “Here.” Kinuha niya ang isang plastic cup na puno ng mainit na fishball na iniabot sa kanya ng binata at tahimik na sumunod dito papunta sa isang bakanteng upuan. May ilang dumaraan na napapatingin sa kanila. Karamihan sa mga iyon ay mga kababaihan na hindi maitago ang paghanga sa mga mata ng mga ito. Sinulyapan niya sandali ang binata saka bahagyang kinagat ang labi niya saka muling tumingin sa gawi ng mga babaeng tila kinikilig habang bumibili rin ng meryenda at panaka-nakang sumusulyap sa binatang nasa harapan niya. Tingin niya ay empleyado ang mga ito sa opisina ni Mr. Bartolome base sa suot na uniporme ng mga ito. Afraid of being caught again, pasimple niyang tinitigan ang binata at kinabisa ang itsura nito. Sandali lang iyon pero parang umukit na sa isipan niya ang gwapo nitong mukha. Ang malalim nitong mga mata, makapal na kilay, matangos na ilong at mapupulang labi. Napailing na lang siya at pasimpleng ngumiti. Isa ito sa mga lalaki na sigurado siyang gising na gising nang magsabog ng biyaya ang Diyos. “Care to share your thoughts?” Bahagya niyang kinagat ang labi at agad din binitawan iyon nang masalubong ng mga mata niya ang nakangiting mga mata ng binata. “Ah.. wala po. Naisip ko lang ‘yong batang cute na customer namin noong isang araw,” palusot niya. “I see,” tumango-tangong sagot nito saka isinubo ang fishball na tinusok nito gamit ang maliit na barbecue stick. “Mahilig ka sa bata?” maya-maya’y tanong nito. Nagkibit siya ng balikat. Hindi dahil sa mali ito ng pagkaintindi sa kanya kundi dahil sa hindi niya alam ang sagot sa tanong nito. Nag-iisa siyang anak at hindi nabiyayaan ng kahit isang kapatid. Lumaki siya na tanging mga magulang ang nakasama at walang ibang kamag-anak. Bukod kay Lexi at sa pamilya nito ay wala na siyang iba pang kaibigan. At ito ang unang pagkakataon na nakipag-usap siya at sumama sa isang lalaking isang beses pa lang niya nakita at nakilala. Kung hindi lang dahil sa ginawa nitong tulong upang makausap niya si Mr. Bartolome ay siguradong hindi niya ito pauunlakan. Mukha naman itong mabait pero masyadong mahalaga ang bawat oras niya para gugulin sa mga ganoong bagay. Isa pa ay nahihiya siya rito. Sa kilos at pananalita nito ay sigurado siyang hindi ang mga katulad niya ang nasa sirkulasyon ng mga kaibigan nito. Siguro ay masyado lang talaga itong mabait at palakaibigan tulad na lang sa batang kausap nito kanina. Tipid siyang ngumiti saka ipinagpatuloy ang pagkain habang pasimpleng sinilip ang oras sa luma niyang cellphone. “So, how are you related with Mr. Bartolome, Veronica?” Napakunot ang noo niya at nagtatakang tumingin sa binata. ‘Paano niya nalaman ang pangalan ko?’ Tila naman nahulaan nito ang nasa isip niya. Ngumiti ito saka sumipsip sa straw ng soft drinks na binili rin niya. “Narinig ko na nagpakilala ka kanina sa receptionist.” Nakangiti pa rin ito na tila natutuwa habang pinagmamasdan siya. “It’s a good thing na nandoon ako kanina kung hindi, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan mo.” “Ah.. Pasensya na, nawala na sa isip ko na magpakilala sa ‘yo,” nahihiyang paliwanag niya. “Vera.. Veronica Vergara po pala.” Inilahad niya ang isang kamay at nakangiting iniabot rito. Tumingin doon ang binata. Bahagya siyang napakagat sa labi at tumingin sa nakalahad niyang kamay. Unti-unting napawi ang ngiti niya at akmang babawiin na ang kamay na nanatiling nasa ere nang bigla niyang maramdaman ang mahigpit na paggagap doon. “I’m Grant. Grant Sullivan,” nakangiting pakilala nito sa sarili. “Grant Sullivan?... Sullivan,” bulong na ulit niya sa pangalan nito. Hindi niya napansin na nakatitig na siya sa binata pati na ang pagningning ng mga mata niya nang maalala ang pamilyang pinagsilbihan ng Tatay niya at tumulong sa kanila. “Sullivan ka?” excited na tanong niya at hindi na nagawang sagutin ang tanong ng binata. “Kilala mo si Mr. Antonio Sullivan? Kamag-anak mo siya?” Noong bata pa siya ay madalas siyang isama ng Tatay niya sa mansion ng pamilyang iyon. Katunayan ay nagkaroon siya roon ng kaibigan. Pero pagsapit niya ng pitong taon ay hindi niya na nakita pa ulit ang kaibigan niya dahil dinala na ito sa ibang bansa at doon pinag-aral. Napawi ang ngiti niya nang mapansin ang pagseryoso ng mukha ng binata at ang pagkalas ng kamay nito na mahigpit pala niyang hawak. Nahihiyang pilit siyang ngumiti at humingi ng pasensya rito. “Why do you ask?” Napakurap siya at nagtatakang tinitigan ang binata pero agad din niyang binawi ang mga mata dahil hindi niya matagalan ang pagtalim ng titig nito. “Ah.. ah, wala naman po. Just random question. Kilala siyang business tycoon, hindi ba?.. Mukhang rich kid ka kasi. Na..naisip ko lang na kamag-anak mo siya.” Pilit siyang ngumiti. Isinubo niya sa bibig ang straw ng soft drinks na hawak niya saka iniiwas ang tingin. Bigla siyang nakaramdam ng pagkailang sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang nagawa niya o nasabing hindi nito nagustuhan dahil sa pagbabago ng reaksyon nito. Gumalaw ang panga ni Grant habang titig na titig kay Vera. His good impression towards her suddenly disappeared. “Kilala ko siya pero sad to say, sa surname lang kami magkapareho. Kaya hindi ako mayaman. I’m just an ordinary employee with poor family background.” Bahagyang kumunot ang noo Vera. Pakiramdam niya ay may ibang ibig sabihin ang sinabi nito. May galit, may diin. Nakaramdam siya ng kuryusidad pero pinili na lang niyang manahimik. Tumango na lang siya at ipinagwalang bahala ang sinabi nito. Tutal ay bago pa lang sila nagkakilala at hindi sila magkaibigan para alamin ang anuman tungkol sa personal nitong buhay. “Pasensya na pero kailangan ko nang umalis.” Huling huli ni Vera ang pagngisi ni Grant na hindi pa rin niya maunawaan. Nagsisimula nang malusaw ang magandang impresyon niya sa binata dahil sa biglang pag-iiba ng mood nito. It may too shallow to judge pero wala siya sa lugar at oras para isipin pa ito. At hindi na mahalaga kung anuman ang tingin niya sa binata at ganoon din ito sa kanya. They are both strangers. He helped her and she was grateful about it. Muli siyang nagpasalamat dito at akmang tatalikod na nang bigla itong nagsalita, “Are you disappointed that I’m not related to Antonio Sullivan?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD