Muntik nang masubsob si Vera habang papalabas ng department store. Hindi kasi siya nakatingin sa dinaraanan dahil busy siya sa pagkapa ng cellphone niya nang maramdaman ang pag-vibrate nito. “Veronica!" Bigla siyang nag-angat nang tingin at nasalubong ang gusot na mukha ni Grant habang nakalapat ang cellphone sa tenga nito. “Where have you been? Kanina pa ‘ko tumatawag sa ‘yo but you’re not answering your phone.” Napakurap siya at nakaawang ang bibig na hinugot ang cellphone sa bag nang sa wakas ay makapa niya ito. Kumunot ang noo niya nang makita ang twelve missed calls doon. Binuksan niya iyon at nakita na lahat iyon ay mula kay Grant. “Sorry, nakalimutan ko. Naka-silent mode pala ang cellphone ko. ‘Di ba, sinabi ko naman sa ‘yo na may bibilhin lang ako? Saka, tapos ka na ba?” Tuko