Chapter 31

1975 Words

Naaalimpungatang napabangon si Vera nang marinig ang ingay at malalakas na kalabog sa loob ng bahay. Napakunot ang noo niya habang inililibot ang paningin sa loob ng kwarto. Madilim pa sa paligid. Kinuha niya ang cellphone at tiningnan ang oras. Alas tres pa lang ng madaling araw. Kinakabahang tumayo siya nang patuloy pa rin ang ingay na tingin niya ay nagmumula sa loob ng kabahayan. Nasa second floor ang kwarto niya habang ang kwarto naman ni Dos ay nasa ibaba. Napalunok siya at sandaling natigilan. Halos palakas nang palakas ang ingay habang papalapit siya sa pinto. May narinig siyang kalabog at pagbagsak ng mga babasaging bagay. Base sa mga tunog na naririnig niya ay tila may nag-aaway. Napakagat siya nang labi nang maisip ang posibilidad na pinasok sila ng mga magnanakaw. Lum

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD