PABAGSAK na naupo si Shalee sa couch matapos bitiwan sa lapag ang nabili niyang gamot at comfort foods. Kanina pa pumipintig ang magkabila niyang mga braso dahil halos trenta minutos niyang paglalabas ng inis sa pinuntahan niyang rage room. Hindi kasi nakatulong ang pagtakbo sa threadmill kaya nagsearch siya online at nakita niya ang rage room na located sa Mandaluyong. May gano’n sa Spain at suki siya doon kapag gusto niyang ilabas ang galit niya sa mga espanyol at kano niyang kliyente. Pagpagod na pagod siya at nakaramdam na siya ng pamimigat ng talukap ng mga mata niya. “Sasha, saan ka galing? Bakit pawis na pawis ka?” tanong na nagpadilat sa kanya uli. It was her mom and she’s standing in front of her. “Mandaluyong po nagwala ako doon,” tugon niya dito. “Ano? Talaga naman ‘to, oh. S