MATALIM na tingin ang pinukol niya kay Rina pagkakitang pagkakita niya dito. Napataas ang kilay niya nang hawakan nito si Baste sa braso. Siya lang dapat humahawak dito at nakakarami na ang labanos na ahas na iyon. Napahalukipkip siya at matamang pinagmasdan ang dalawa na palapit sa kanya. Naisipan niyang itali ulit ang buhok niya pataas saka inayos ang suot niyang knitted pull over. She caught Baste's attention by tying her hair up. Best asset niya talaga ang leeg at batok niya at tingin niya doon palagi napapatingin si Baste. "Where is your car?" Nadinig niyang tanong ni Rina kay Baste. She just rolled her eyes and secretly mocked at Rina. "Pinapalinis ko at next week ko pa makukuha." Nagpanggap siyang walang nadidinig kahit pa mariin ang pagkakasabing iyon ni Baste. "Ikaw, nasaan sasa