Miguel POV Nagising ako dahil sa liwanag ng araw na tumatama sa aking mahapdi paring mukha. May naulinigan akong mga yabag na papalapit sa akin. Umupo ako sa bangko na naroon. Nakita kong pumasok sa selda ang nagngangalang Caloy may dala-dala siyang pagkain. Nakatingin lang ako sa kanya. Naalala ko ang ginawa niyang pagpigil kagabi sa pulis na tinawag niyang Fred. Lumapit siya sa akin at kinalas ang isa kong posas. Habang ang isa naman ay ipinosas niya sa upuan ko. “Kumain ka ng mabilisan habang wala pa si Fred. Ayaw nilang pakainin ka. Dahil yun daw ang utos ni Mr. Morales.” Tama nga ako kontrolado ni Lucio ang kapulisan dito. Pero bakit niya ako tinutulungan? Tauhan din naman siya ni Lucio? Gustuhin ko man magtanong sa kanya ay hindi ko magawa. Ayaw ko siyang pagtiwalaan. Ngunit kaila
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books