Kabanata 3

2259 Words
SHARLENE "HUWAG kang patikim lang, bad iyon." Huwag kang patikim lang, bad iyon... Huwag kang patikim lang, bad iyon... Nagpa-ulit ulit iyong mga salitang sinabi niya sa aking isipan habang yakap niya ako ng mahigpit. Para akong idinuduyan sa sobrang komportableng nararamdaman ko sa loob ng kanyang mga bisig. Ang bango bango niya, tumatagos ang body spray na gamit niya sa kanyang manipis na longsleeves. Bahagya ko ring nakikita ang dibdib niya dahil nakabukas ang tatlong butones ng suot niya. "Ganito lang muna tayo, para hindi ka matakot," mahina niya pang wika. Sa sobrang lalim ng boses niya ay para akong nakikipag-usap sa isang DJ sa radyo. Nang pipikit na ang aking mga mata ay na-realize kong hindi ako pwedeng magpayakap na lang ng basta basta sa kanya, hindi ako pwedeng makuha lang sa puro ganito, baka sinusubukan lang niya ako. Kaya naman pinilit kong makawala sa yakap niya hanggang sa maitulak ko nga siya. "Get off of me, bastard," masungit kong wika. "Hey, relax. Wala akong masamang gagawin sa'yo, pwera lang kung gusto mo dito sa elevator, we can do a real quickie," he smirked. Yuck. Ano ang palagay niya sa akin? Sabi ko na nga ba, gwapo siya at mucho, huwag lang magsasalita dahil masisira ang lahat ng magagandang descriptions ko sa kanya. "If you ever touch me again, hinding hindi ako magdadalawang isip na ipakaladkad ka sa guard," pagbabanta ko sa kanya. "Sinong tinakot mo? Para ka lang pusang nakikipag-away sa leon, Sharlene." At lumapit siya sa akin hanggang sa maramdaman ko ang wall ng elevator sa likod ko. In an instant, I was cornered, with his powerful presence. Ang bilis bilis na naman ng t***k ng puso ko. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanyang mga mata kaya't tumingin ako sa gilid upang ilayo ang mukha ko. Inilalapit niya na ang mukha niya sa akin and I can tell, I can't resist his oozing s*x appeal na para bang naghuhumiyaw sa kagwapuhan. Hindi ako makalabas dahil nakalapat ang kanyang mga kamay sa wall dahilan para makulong na naman ako. "Tell me what you want, woman," pabulong niyang wika. Ang mainit niyang hininga ay dumadampi sa aking pisngi at ang kiliti na nagmumula doon ay gumagapang pa paakyat sa aking batok na dahilan para magditayuan ang mga balahibo sa aking katawan. Napapikit ako at pilit na pinaglalabanan ang pakiramdam na hatid niyon. Honestly, hindi ko pa ito naramdaman kay Philip, ever. But I am amenable na sa pakiramdam ko ngayon ay nagtataksil na ako sa boyfriend ko. Kaya naman pilit kong nilabanan ang pakiramdam na ito. Tumayo ako ng matuwid at saka ako tumingin sa kanya. "I want space, man." Saka ko biglang dinakot ang pagitan ng kanyang pantalon at saka ko iyon mahigpit na sinaktan. Ngunit nagsisi ako sa ginawa ko dahil parang hindi siya nasaktan. "So, this is what you want, all this time?" Sabay hawak niya sa aking kamay. Gosh. Gusto ko na lang lamunin ako ng lupa. Para akong binuhusan ng malamig na malamig na tubig sa ginawa ko. Sana pala tinuhuran ko na lang siya kaysa sa kinamay ko. Hindi talaga ako nag-iisip. Ano ba ang nangyayari sa akin? Pilit kong gustong ikawala ang kamay ko sa kanyang pagkakahawak ngunit mahigpit iyon. "Nasasaktan ako!" Naiinis kong wika. "Sa tingin mo ay hindi ako nasaktan sa ginawa mong pagdakot sa manoy ko?" Nag-iba ang kanyang tono at parang nagdilim ang kanyang paningin. Mas lalo akong kinabahan sa nangyayari. Bakit ba kasi ang tagal magbukas ng elevator? "For once, bitiwan mo ako, bago ako tumawag ng security." "Call them, kahit ilan pa sila," wika niya na hindi man lang nasindak sa sinabi ko. Hanggang sa dininig nga ng Diyos ang dalangin ko na sana ay bumalik na ang supply ng kuryente at biglang umandar ang elevator saka iyon bumukas sa 18th floor. Ting. Walang gumalaw sa aming dalawa, parang nahinto ang mundo ko nang pagbukas ay makita namin si Philip. Namilog ang mga mata niya nang makita ako at si Tomas sa ganoong sitwasyon. "F*CK!" Bigla siyang pumasok at inambahan ng suntok si Tomas. "My gosh!" Bulalas ko nang bigla na lang silang nagsuntukan sa loob. Parehas silang putok ang labi nang pumagitna ang isang lalaking umawat. Sana ay hindi na lang ako pumasok, hindi na lang sana ako nagdesisyon na pumunta dito dahil ito lang pala ang bubungad sa akin ng maaga. "Philip, stop!" Pinigilan ko siya at hinawakan ang kanyang kamay nang aambahan niya ng suntok si Tomas. Para akong babaeng pinag-aagawan ng dalawang ito. Pero hindi iyon ang mahalaga ngayon dahil sa totoo lang ay nahihiya ako sa mga nakakakita. So, at the back of my mind, binalak kong umalis na lang. Without any word, tumakbo na ako paalis at hindi na ako lumingon. Mas pinili kong hanapin ang hagdan dahil nakaharang sila sa elevator. Mabilis pa rin ang t***k ng puso ko dahil sa nerbyos. Nangilid ang luha ko nang tumatakbo ako at nang ako'y mapagod ay agad akong huminto. Habang hawak ko ang bag ko ay sumandal ako sa pader at saka ako pumikit. I took a deep breath and then tried to calm myself. I really don't have the time to take a rest but I need it right now, in this place. Ngunit nabigla ako nang marinig ko ang isang boses mula sa ibaba. "Why did you run?" Napamulagat ako at saka ako tumayo ng mabuti bago ako naglakad palapit. I saw Tomas, paakyat upang salubungin ako. Napaatras ako dahil sa kanyang presensya. "Bakit ka nandito?" I asked looking into his lips, na mayroong bahid ng dugo. Ngunit sa halip na sagutin ako ay lumapit siya sa akin upang yakapin ako ng mahigpit. Nabigla ako sa ginawa niyang iyon at wala akong ibang nagawa kundi ang manahimik na lang habang naririnig at nararamdaman ko ang pagkabog ng kanyang dibdib. This is so unusual. Nakakapanibago ang lahat dahil hindi naman kami close, ni hindi ko nga siya pinapansin, pero bakit siya ganito sa akin? Where's Philip, my boyfriend? "What have you done to me, lady?" tanong niya habang yakap pa rin ako. Gusto ko siyang sagutin ngunit walang salita ang gustong lumabas sa aking bibig. I was tongue tied. Nang maging kalmado na ang lahat ay saka niya ako binitawan sa kanyang pagkakayakap. "Okay ka na?" He asked and then touched my cheek. Nag-init ang pisngi ko sa ginawa niyang iyon. Anong mayroon ang lalaking ito at nagkakaganito siya sa akin? "What's this?" I asked in surprise. "This what?" kumunot ang noo niya at sabay ngiti, putok pa rin ang labi niya. "Itong ginagawa mo, itong mga bagay na nangyayari? Anong plano mo sa akin?" Umatras ako ng bahagya. "Nothing. Hindi ba sapat na dahilan ang pagiging partner natin sa bagong trabaho para maging concern ako sa'yo?" Tanong niya saka namulsa ng mga kamay at tumayo ng maayos. Bahagyang nagulo ang buhok niya at mayroong mga hibla niyon na nasa noo na niya. Tumutubo na rin ang bigote at balbas niya na bumabagay sa kanyang pagiging lalaking lalaki. "Hindi iyan normal na attitude ng isang partner sa trabaho, besides hindi ko pa naman talaga tinatanggap ang trabaho na iyon," dagdag ko pa. "Alright, to be honest, I want to be friends with you, that's it," kaagad naman niyang wika. Natigil ako at saka ako bumuntong hininga at tumingin sa kanan bago magbalik ng tingin sa kanya. "To be friends with me? Are you sure?" pag-uulit ko. "Yes. I am sure," sagot niya. Tumikhim ako at saka ako tumingin sa aking relo. It's pass eight in the morning at wala na rin ako sa mood na pumasok sa trabaho ngayon. Hanggang sa mag-ring ang cellphone ko at kinuha ko iyon sa aking bag. Philip calling... Tomas saw it at saka ako tumingin sa kanya. "Don't answer him," he commanded. Para siyang tatay ko kung mag-utos. Sino ba siya para sabihin na huwag kong sagutin ang tawag ni Philip? "What if I'll answer? Ano sa'yo? Eh boyfriend ko ito," wika ko naman. "Just don't," he said in his deepest voice. "Sasabihin ko lang sa kan..." Hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil agad niyang inagaw ang cellphone ko at pinatay ang tawag saka isinwitch off ang phone bago niya iyon ibulsa. "Come." Hinablot niya ang kamay ko at hinila ako pababa sa hagdan na nagmamadali. "SAKAY." Napagod ang paa ko sa pagbaba sa hagdan mula 14th floor kung saan niya ako nakita hanggang sa ground floor. Sabi niya ay mas okay na bumaba na lang kami sa hagdan kaysa makita kami ni Philip. Nagtatago ba kami? Pinasakay niya ako sa kanyang Innova car na kulay itim. Hindi na ako umangal pa nang isara niya ang pinto at saka siya umikot upang sumakay naman sa driver's seat. Pagkasakay niya ay umandar na ang sasakyan at saka kami umalis. Nasa kalagitnaan na kami ng daan nang bigla niya itong itabi at walang sabing dinukot ang kung ano sa tabi ko. "Safety first," he said. Ang lapit lapit na ng mukha niya sa akin habang ikinakabit niya ang seatbelt ko. Sa ganitong situwasyon naming dalawa ay mas lalo pang kumakabog ang dibdib ko. "Saan tayo pupunta?" I asked upang mas maging smooth lang ang lahat, upang hindi niya mahalata na kabado ako. "Somewhere na mas makikilala kita," he replied. Kailangan pa ba iyon? Kailangan ba talagang makilala niya ako ng husto? He just wanted to have simple friendship with me and ang deeper knowledge about me ay hindi na kailangan pa. "Kailangan mo pa ba akong makilala ng husto? I guess hindi na," I replied. Hindi siya umimik. Bagkus ay nagpatuloy lang sa pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa lugar kung saan malayo sa syudad. "What's this place?" I asked habang nakaupo pa rin sa dati. Nakatingin ako sa malawak na taniman ng mga gulay at prutas. Maganda ang tanawin at panoramic ang view. "This is my hiding place," he replied. Bakit niya kailangang sabihin sa akin ito at bakit niya ako kailangang dalhin dito? "And why are we here?" tanong ko pa. "I need some peace of mind." "Peace of mind with me?" "Peace of mind with you, darling." Saka siya tumingin sa akin at kinindatan ako ng bahagya sabay ngiti. Aaminin kong labis akong naapektuhan sa kung paano niya ako nginitian at kinindatan. This is new to me. Para akong nanumbalik sa pagiging teenager ko sa kanyang ginagawa. Nauna na siyang bumaba at sumunod naman ako sa kanya. Pagbaba niya ay saka naman siya nagbukas ng pintuan sa likod at saka kinuha ang isang paper bag. In front of me, he removed his longsleeves at kitang kita ko ang pagflex ng kanyang muscles na para bang slow motion pa ang lahat. Those biceps, ribcage, muscles chest, hairy armpits, at ang naghihimutok niyang abs, all those were added into my bucket list of SOON TO EAT. Hay, nagiging mahalay yata ako sa mga nakikita ko ngayon. Nagsuot siya ng manipis na white t-shirt at sa saka tumingin sa akin. "Okay ka lang?" he asked na gulo gulo na ang buhok. "Yeah. I am good," I replied na nakatayo sa tabi niya, holding my bag. Nagtanggal siya ng sapatos at medyas saka nagpalit ng tsinelas na kulay itim. "Bakit ka nagpapalit ng suot?" maya maya ay tanong ko. "So I could be comfortable," he replied. "Tara?" He asked saka inilahad ang kamay sa akin. "Saan?" "Sa bukid." "With this attire, palalakarin mo ako sa pilapil na iyan?" tanong ko pa. "Don't worry, I will carry you. Sayang naman ang muscles ko kung hindi magagamit." Sabi pa niya sabay taas ng kanang braso. He will carry me? Gosh. Sa pelikula ko lang ito napapanood pero bakit parang ako na iyong bidang babae ngayon? Wala nang pagtanggi pang naganap, hinayaan ko na siyang pasanin ako sa likuran niya habang naglalakad kami sa pilapil sa gilid ng taniman ng palay na nasa tabi rin ng taniman ng gulay at prutas. HABANG pasan niya ako at naglalakad siya ay nakatingin ako sa kanya, nasa kaliwang bahagi ng mukha niya ang mukha ko. Ngunit wala sa isip kong nakatitig pala ako sa kanyang gwapong mukha. Ang tangos tangos ng ilong niya at ang pula ng labi niya. Para siyang modelo sa isang men's magazine. Bigla siyang huminto at napatitig lang sa malayo bago ngumiti. Hindi man siya nakatingin sa akin ngunit alam kong ako ang dahilan ng ngiting iyon. Kaya naman agad akong dumeretso ng tingin at halos malunok ko na ang dila ko sa sobrang nerbyos. "Masaya ka ba sa boyfriend mo?" maya maya ay tanong niya. Nang-iinsulto ba siya o sadyang nagtatanong lang? Dahil sa totoo lang ay boring ang relationship namin ni Philip, hindi ako mapili sa relationship pero lately narerealize ko na kailangan ko rin ng kaunting landi. "Why did you ask?" tanong ko. "Because I can see it in your eyes," he replied. Natahimik ako sa sinabi niyang iyon. "Saan mo ako dadalhin?" tanong ko sa kanya upang sa ganoon ay maiba naman ang usapan naming dalawa . "Sa lugar na hindi mo pa napupuntahan," sagot niya. Killer yata ito. Paano kung dito ako mamatay? Paano kung chop-chopin na lang ako dito ng buhay, o kaya naman ay ipakain ako sa leon o sa tigre? Paano na lang ang mga pangarap ko? "Lugar kung saan ay hindi ko pa napuntahan?" pag-uulit ko sa kanya. "Yes, darling," presko niyang sagot. "At saan naman ang lugar na iyon?" "I will bring you to heaven, Sharlene," malalim ang boses niya nang sabihin niya ito. With that, mas lalo akong kinilabutan. Heaven daw? Gosh, my virginity.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD