Kabanata 2

2003 Words
AFTER dinner, niyaya ko na kaagad si Philip na umuwi dahil bukod sa hindi ako makakain ng maayos na kaharap si CEO Rica at si Tomas ay hindi rin talaga ako maka-focus after everything happened today. Ngunit bago kami makaalis ay pinigilan ako ni CEO Rica. "Ms. Arnais, would you mind to take a seat for a while. I have something to discuss sa'yo," aniya na mayroon pa ring awtoridad sa akin. I may have resigned in my job but I still have this respect to him lalo pa at tila hindi pa talaga official ang aking pagre-resign without his approval. Huminga muna ako ng malalim bago ako muling naupo sa dati kong pwesto at inayos ko ang sarili ko before ako tumingin sa kanya. In my peripheral view ay titig na titig sa akin si Tomas and because of that, ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi. I wonder kung aware ba ang damuhong ito na narito ang boyfriend ko at any moment ay baka sapakin siya nito dahil sa ginagawa niyang pagtitig sa akin. "That's what I like about you, Ms. Arnais, you still respect me," ngumiti pa si CEO Rica nang sabihin niya ito. Bahagya naman akong napatingin kay Tomas at kita ko sa kanyang mga mata ang kakaibang charisma na hindi ko maunawaan kung saan galing. Is it from his heart? Coz it's so genuine. . Bago pa man ako mahuli ng boyfriend kong ina-accept ang ngiti ni Tomas ay binawi ko na kaagad ang aking tingin. "Would you mind to leave us for a while?" Maya-maya ay baling ko kay Tomas sa tonong strikta. Nagulat naman si CEO Rica sa sinabi ko but I got her approval sa pagtango niya kay Tomas. Agad namang tumayo ang isa at saka walang kining umalis. Sinundan ko pa siya ng tingin and the fact na ang ganda ng hulma ng kanyang pwet ay bigla akong napakurap at tila ba nakakita ng multo. Bwisit talaga siya. Kahit nakatalikod, nang-aakit. "Tapos ka na bang tumitig sa pwet ni Fafa Tomas?" tumaas pa ang kanang kilay ni CEO Rica nang sabihin niya ito. Nagulat ako sa sinabi niya kaya naman agad akong tumingin kay Philip na nakatayo pa rin sa tabi ko. "And you, you are included. Leave us here at mag-uusap pa kaming dalawa," baling ko sa kanya. Wala rin naman siyang magagawa kundi ang sundin ako kaya't nagkamot na lamang siya ng batok saka lumayo sa aming dalawa. "Do you know why I am asking you to work with Tomas?" my boss asked. "Which is initially offered to me first, as far as that particular work is concern?" patuloy ko naman bilang dagdag sa sinabi niya. "Yeah," he replied. "Because what, sir?" "Because I want one of you to become the next Vice President of our company. I saw both of you perform well and know what you are doing. So, I am giving you challenge." Sumandal pa siya sa kanyang upuan at tiningnan ako direkta sa aking mga mata. Bigla naman akong natahimik sa sinabi niya sa akin. Bakit kasi hindi niya sinabi sa akin ang rason kanina? Kung sana ay sinabi niya sa akin na ganoon naman pala ang dahilan kaya niya ako pine-pressure sa work ay sana'y napag-isipan ko pa. "And besides Sharlene, working with Tomas will make me really see kung sino sa inyo ang dapat," dagdag pa niya. "Wait, sir. Why does it sounds like, we are competing in one position?" Kumunot ang noo ko saka sumandal din ng maayos sa aking upuan. "You got it right, darling. It is a competition between you, that's why you should perform," aniya. Kung competition ito, malamang sa malamang, dahil bading si Sir Rica ay si Tomas ang pipiliin niya. Well, I am not saying na bias siya dahil kung qualifications din lang naman ay pwede rin ang ungas na iyon, but because he is a guy and has the ability to use charms para sa binabae kong boss, siya na ang panalo sa aming dalawa. "So, why me, sir?" Ito na lang ang tanong ko sa kanya upang sa ganoon ay hindi na siya ma-offend. "Because this is a competition of skills and talents, my dear. I saw you as a woman with strength and command. Kaya't I guess, you fit the position." "Pero bakit kailangan mo akong ibangga sa lalaking iyon, sir?" tanong ko pa sa tonong pagtataka. "Well, both of you are qualified. Kaya't kailangan ko pa kayong makita at obserbahan na dalawa in terms work ethics and accomplishments," dagdag pa niya. Hindi na ako naka-imik pa nang dahil sa sinabi niya. Nasa isip ko na kung gusto talaga ako ng isang ito para sa posisyon na sinasabi niya ay hindi niya na kailangan pang ipadaan ako sa pagsubok. As long as he trusts me, pwede na sana iyon. So, buo na ang desisyon ko. Still, I won't accept it. Bahala siya diyan. Kung gusto niya ay ibigay na lang niya sa ungas na Tomas na iyon ang pagiging VP. "I'll see. Hindi ko masasagot iyan ngayon sir. So for now, we will be going home na, medyo gumagabi na rin kasi." Tumayo na ako at saka ko isinukbit ang sling bag ko at naglakad na paalis. Naabutan ko naman sa labas si Philip at si Tomas na para bang mayroong pinag-uusapan. Nahinto lang sila sa kanilang pag-uusap nang makita nila akong dalawa. "Let's go?" pag-anyaya ko kay Philip bago ako nagpatiuna na bumaba sa hagdan. "See you tomorrow," pahabol pa ni Tomas. Hindi ko na rin siya nilingon pa dahil alam kong punong puno ng pang-iinsulto at pang-iinis ang hatid niya sa akin. Hanggang sa pag-uwi ko ay iniisip ko pa rin talaga ang proposal sa akin ni CEO Rica patungkol sa pagiging Vice President. Alam kong gusto kong umangat pero sa paraan na ito ay hindi ko alam kung papaano. Kaya naman buo na ang desisyon ko, hindi ako sisipot bukas at lalong hindi na ako papasok sapagkat nag-resign na ako. It's so final. KINAUMAGAHAN, para bang kinain ko lahat ng pride ko dahil heto at nagmamadali akong pumasok sa opisina. I made up my mind kaninang umaga habang kumakain na baka opportunity na nga talaga ito para umangat. So, agad akong naligo at nagbihis. Hindi ko na rin ipinaalam kay Philip na papasok ako ulit kaya naman nag-commute na lang ako sa pagpasok. And so, narito ako ngayon at nakatayo sa harapan ng elevator, naghihintay na bumukas ito. Pagbukas ay salamat at walang nasa loob. Pagpasok ko ay agad akong pumindot sa numero 18 upang doon ako dalhin ng elevator. Bago pa man sumara iyon ay pumasok ang taong hindi ko gustong makita sa umagang ito, si Tomas, na mukhang nagmamadali din dahil pilipit ang kanyang necktie. Kaagad akong yumuko dahil ayaw kong mapansin niya ako ngunit huli na ang lahat dahil namukhaan niya ako. "Hey, nice to see you," wika niya. Gwapo siya at maganda ang katawan, huwag lang talaga siyang magsasalita dahil masisira lang ang lahat ng iyon sapagkat puno ng kayabangan ang lumalabas sa kanyang bibig. Hindi ko siya pinansin, imbes ay hinintay ko na lamang na dalhin ako ng elevator sa 18th floor ng gusali. "So, how are you? Anong pinag-usapan ninyo ni CEO last night?" Tumabi pa talaga siya sa akin, parang sinasadya niyang maamoy ko ang lalaking lalaki niyang perfume. Mula sa gilid ng aking mga mata ay tiningnan ko siya at kita ko ang kulay light blue niyang longsleeves na hapit sa kanyang braso na perfectly tucked sa kanyang slacks. Napalunok ako dahil sa totoo lang, kahit ano naman talagang suotin niya, he will look handsome. Late ko na lang nalaman na nakikita niya pala ako na tumitingin sa kanya dahil salamin ang nasa harapan naming dalawa. Bwisit talaga. "Will you just look at me that way?" mahina niyang wika saka sumandal sa elevator at namulsa ng kanyang kamay. Okay, papogi 101 ang dating niya ngayon. As usual, he has this gulo-gulo hairstyle na parang hindi nagsuklay pero bagay na bagay niya. "I am not looking at you, huwag kang feeling diyan," inirapan ko pa siya. "You're already 28 and I am 30. Huwag ka nang magkunwari na hindi ka nagagwapuhan sa akin, Sharlene." See? Gwapo siya pero kapag nagsalita, nakakasira talaga ng araw. "Huh. Napaka-feeling talaga nito," mahina kong wika. Noong nagbuhos siguro ng kayabangan ay nasalo niya lahat. "Well, let's just say na hindi ka nagagwapuhan sa akin, so from now on, kapag nahuli kitang nakatitig o napapatingin sa akin, iisipin ko na lang na type mo na ako." Presko niya pa ring wika saka ako inakbayan. Para akong nakuryente nang maramdaman ko ang paghawak niya sa akin. Mas lalo pa akong pinagpawisan nang isiksik niya pa ako ng husto sa tagiliran niya dahilan para maamoy ko ang katawan niyang naghuhumiyaw sa kabanguhan. Gustong gusto ko nang pumikit upang damhin ang bawat sandali ngunit naalala ko na galit ako sa kanya at mayroon akong jowa kaya naman pinilit kong makawala sa kanya. "Ano ba?" Pilit ko siyang itinulak palayo at nagtagumpay naman ako. Panay ang ngiti niya saka tumitig sa akin. "Umamin ka nga? For once, hindi man lang ako nagkaroon ng appeal sa'yo?" Seryoso niyang tanong saka muling namulsa. Ito na yata ang pinakamatagal na 30 seconds ng buhay ko. Sana tumunog na ang elevator para makalabas na ako. Gustong gustong isigaw ng isipan ko na gwapong gwapo ako sa kanya pero nais ng katawan kong mag evaporate na lang. Tumingin ako sa elevator number at nasa 17th floor na kami. Malapit na, mabuti na lang talaga. Ngunit bago pa man kami makaakyat ay biglang nag-brownout at bahagyang dumilim sa loob ng elevator. "Oh my God!" Sigaw ko at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Ganito ang nakikita ko sa mga palabas. Baka biglang bumagsak ang elevator mula dito hanggang ground floor, marami pa akong pangarap sa buhay na nais kong makamit, hindi ako dito mamamatay. Ngunit sa aking pagtakbo at pagkapit sa kung kanino ay bigla kong naamoy ang pamilyar na pabango at ang init na kanina ay naramdaman ko mula sa kanya. Yes, natagpuan ko ang sarili kong nakayakap ng mahigpit sa pinaka-mayabang, pinaka-arogante at pinaka-feeling na taong nakilala ko sa buong buhay ko. Yes. Nakayakap lang naman ako kay Tomas. And worst, nakasubsob pa ako sa dibdib niya dahilan para marinig ko ang pagtibok ng puso niya. Hindi ko alam kung paano ako kakalas ng yakap, hindi ko alam kung paano ako titingin sa kanyang mga mata. Ang alam ko lang ay sana ay lamunin na lang ako ng lupa. Sobrang nakakahiya na talaga. "Sige lang, pwede mo akong yakapin hanggang sa bumalik na ang kuryente. I can be your comfort zone, baby," wika niya sa malalim na boses na halos pabulong na. Sa puntong ito, ibang Tomas ang kayakap ko. At sa ilang saglit pa ay unti-unti kong naramdaman ang yakap niyang bumalot sa aking katawan. Dahil dito, sobrang bilis na rin ng t***k ng puso ko. "Hoy babae, sinabi kong yakap, huwag singhot, baka maubos mo na ako niyan," maya maya ay wika niya. Panay na nga pala ang pagsinghot ko sa masarap na amoy niya. Ano ba naman iyan, Sharlene. Nakakahiya ka! Sigaw ng isipan ko. At upang sa ganoon ay matapos na ang lahat, kumalas na ako ng yakap sa kanya, ngunit hindi ako tagumpay sapagkat bigla niya akong hinila at ibinalik sa kanyang mga yakap. "Kapag niyakap mo ako, panindigan mo hanggang dulo. Huwag kang patikim lang, bad iyon." Aniya sabay yakap din sa akin ng mahigpit. Sa ngayon ay para siyang batang naghahanap ng candy at para rin siyang baby na nakasiksik sa leeg ko habang yakap niya ako. Natahimik ako pero sa totoo lang ay malaki na ang pagtataka ko. Siya ba talaga ang Tomas na nakilala ko? Mayabang, arogante at presko? Bakit parang nagbago ang ikot ng mundo? Teka, bakit parang sa sitwasyon na ito ay iba ang nararamdaman ko? Hoy Sharlene, bakit ang bilis ng t***k ng puso mo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD