SHARLENE
"ANONG tawag mo sa lugar na ito?"
Tanong ko sa kanya nang makarating kami sa isang bahay kubo sa dulo ng lugar. Malakas ang hangin dahil makahoy ang kapaligiran. Maganda ang tanawin at malayong malayo sa polluted city kung saan ako nagtatrabaho.
"This is my hiding place. Dito ako nagpapalipas ng oras kapag gusto kong lumayo sa stress," aniya saka naupo sa isang tabi.
Ako naman ay naupo sa opposite niya at nang ilapag ko ang bag ko sa tabi ay naagaw ng pansin ko ang isang gamit na...gosh...condom sa isang tabi.
"Eewww." Tumayo ako at lumipat ng mauupuan nang makita iyon.
"Hey, take it easy, it's just that, nakalimutan kong itapon. I'm sorry," paghingi niya ng paumanhin.
Tumayo siya at kinuha iyon saka itinapon sa malayo.
So, hindi lang ito basta bastang hiding place. This is also his place para sa mga kababalaghan na nais niyang mangyari.
Teka, isa ba ako sa mga bibiktimahin niya? Bakit niya ako dinala dito? Nagkaroon ako ng masamang kutob nang mapagtanto ko ang bagay na iyon.
Kaya naman kaagad akong tumayo at nagtangkang umalis ngunit nasalubong niya ako.
"Where do you think you are going?" he asked na malapit na malapit ang mukha sa akin.
Amoy na amoy ko ang preskong hininga niya na nagpapainit pa sa aking mukha ng husto.
"Ano bang balak mo sa akin? Gagahasain mo ako katulad ng mga babaeng dinala mo dito?" Binulyawan ko na siya upang ipakita ang tapang ko.
Iyon naman ang talagang pakay niya kaya niya ako dinala dito. Ako naman itong uto uto at basta basta na lang sasama sa lalaking ito.
Sa ngisi niya pa lang na parang bad boy sa kanto, hindi ko na siya pagkakatiwalaan.
"Sa tingin mo ba ay gagahasain kita? Lahat ng dinala ko dito ay pumayag sa gusto ko," wika niya.
See? See? Ito talaga ang pakay niya sa akin. At akala niya ay isa ako sa mga babae na iyon? Akala niya ba isa akong easy to get girl na kayang isuko ang aking p********e sa kanya ng ganoon ganoon na lang? Nagkakamali siya.
"Manyak!" Sinampal ko siya sa pisngi.
Halatang nabigla siya at nabigla rin naman ako sa ginawa ko sa kanya. Kapwa kami nagkatitigan nang mga sandaling iyon at nang mapagtanto kong wala akong laban ay umatras ako.
"Wait, we're just here to talk okay? Wala akong ibang intensyon. Don't overthink, darling. Don't," umiling siya sabay ngiti upang ipakita sa akin na dapat akong maging komportable sa kanya.
"Paano ko masisiguro na wala kang masamang balak sa akin?" tanong ko pa.
"You don't need to prove it, darling."
"Don't call me darling, may pangalan ako!" Sigaw ko sa kanya.
Namilog naman kaagad ang mga mata niya sa pagkabigla.
"Was it bad?" he asked.
"Hindi kita kaano-ano at mas lalong hindi kita jowa para tawagin mo akong darling," naiinis kong sabi.
"Eh di jowain mo ako para malaya akong tawagin kang darling, ganoon lang iyon, darling." Sabay kindat niya sa akin.
"Yuck. Hindi kita pinangarap maging jowa ano."
"Hindi rin naman kita pinangarap maging jowa, ano!" Tinularan niya pa ang tono ng pananalita ko sabay irap sa akin na parang beki.
Nakakatawa rin pala siya at sa totoo lang ay hindi ko mapigilang tumawa sa ginawa niyang iyon.
"Hindi tayo talo, sis." Sabi pa niya sabay hawi sa kanyang imaginary hair.
Bumungisngis ako ng tawa sa ginawa niyang iyon at nang hindi ko na mapigilan ay panay na rin ang tawa niya sa akin dahil naiiyak na ako.
Mababaw lang talaga ang tawa ko kaya't mabilis lang akong mapasaya ng kahit na sino.
"Okay ka na?" Normal na ang boses niya nang tanungin niya ako nito.
Ikinalma ko na ang sarili ko bago ako tumayo ng maayos at saka tumingin sa kanya.
"So, bakla ka?" tanong ko sa kanya sabay kilatis sa kanyang kabuuan.
Sayang naman kung bakla ang isang ito. Ang ganda pa man din ng katawan, ang hot. Hay naku naman.
"Naniwala ka naman?" he asked.
Hindi rin naman kasi ako kumbinsido sa pagiging beki niya kung sakali. Natawa lang talaga ako dahil lalaking lalaki pa rin siya kapag nag-inarte siyang kapederasyon.
"Hindi. Natatawa lang ako dahil comedian ka pala."
"Hindi lang ako comedian. Pwede rin akong maging horror character, I can make you scream my name all night, darling."
Sa sinabi niyang iyon ay natigil ako. Back to pagiging manyak na naman siya. Kung kanina ay Level 1 pa lang ang pagiging manyak niya ay ngayon ay Level 2 na.
"So, what's the reason kaya mo ako dinala dito?" tanong ko saka ako bumalik sa aking kinauupuan.
"To make you scream my name," aniya.
Ha? Seryoso ba siya?
"Ano nga?"
"That's it. You can scream here. At least mailabas mo ang laman ng dibdib mo. Pasakit ng mundo, sama ng loob at lahat lahat na. You may shout here. Walang makakarinig sa'yo dito." Sabi pa niya saka tumingin sa paligid.
Sa totoo lang ay ito ang kailangan ko. I need to explode and I need to do something para lumabas lahat ng sama ng loob ko. And this is a perfect place, tama siya.
Bahagya akong yumuko at inalala lahat ng pasakit sa buhay ko. My parents are separated and I live with my nanny. Sa trabaho, ang dami kong frustrations and ang dami ko ring stressors na palaging umaatake sa akin. Sa love life, masasabing mayroong boyfriend but honestly, I can't feel him. Hindi ko ramdam, although he is doing good to me pero para kasing friends lang kami. Never kong naramdaman ang init sa kanya, never.
"Gusto mo ba akong maunang sumigaw?" tanong niya sa akin.
Napalingon ako nang sabihin niya ito.
Ano kaya ang problema ng taong ito? Bakit kaya niya alam ang nararamdaman ko? Do we have the same situation?
"Sure," I replied.
"Come here," aniya.
Sumunod ako sa kanya at naglakad ako patungo sa lugar kung saan siya huminto sa paglalakad.
Medyo mataas ang lugar na kinatatayuan naming dalawa kaya't mas malakas ang hangin.
Tumingin ako sa kanya at saka naman siya sumigaw.
"I hate you Rose! Damn you! b***h!" Sigaw niya ng magkakasunod.
Rose? Who is Rose?
"Your turn!" Aniya sa malakas na boses dahil malakas din ang hangin sa lugar na ito.
Tumingin ako sa malayo at pumikit muna saka ako huminga ng malalim bago ako nagmulat ng aking mga mata.
"I want to have space Philiiiippppp!" Sigaw ko sabay taas ng aking kamay.
"I want to have a break up with you, now!"
"Hindi na ako masaya sa'yo!"
"Please make me free!"
"Boss Rica! I deserve a higher position! I deserve promotion! Give it to me!"
Ito ang magkakasunod kong sigaw habang si Tomas ay nakatingin lang sa akin.
Tama nga siya, nakakagaan ng loob ang pagsigaw ng lahat ng problema. Para akong nabunutan ng tinik sa aking dibdib nang mga sandaling ito kaya naman nakangiti na ako nang tumingin ako sa kanya.
"Okay ka na?" he asked.
"I want to see myself grow and be loved!" Dagdag ko pang sigaw saka ako tumingin muli kay Tomas.
"Hindi ka pa pala tapos. Sige lang," aniya.
Naupo siya sa damuhan sa tabi ko at nang mapagod na ako sa kasisigaw ay saka ako naupo rin sa tabi niya.
"So, okay ka na?" he asked habang nakaupo ako at nakatingin sa malayo.
"You found me at my worst," I replied.
Tumingin ako sa kanya at saka ko nakita ang mga mata niyang nakatingin pala sa akin kanina pa.
"Well, sometimes, our worst is our the best," he replied with a smile on his face.
Hindi ko alam kung paano ako sasagot sa kanya. Or does he needs a reply?
"Sino si Rose?" I asked, curious about the thing he mentioned earlier.
"Don't ask about that b***h. Okay na ako." Sabi niya saka inilapat ang mga palad sa damuhan at isinandal ang sarili.
I looked at him habang siya naman ay nakatitig sa malayo. Wala akong masabi.
It's just so strange na sasama ako sa lalaking ito sa lugar na ito at magkakaroon kami ng strange conversation like this. Napaka unusual pero nakakagaan ng loob.
"Okay ka na ba?" tanong niyang muli.
"Yes. Honestly, nakakagaan ng loob."
"So, tara na?"
"Saan tayo pupunta?"
"Somewhere na mas makikilala pa kita," dagdag niya.
Palaging may ganito, may iba pa ba siyang hiding place? And need ba talagang makilala niya ako ng husto? For what?
"Tara?" Tumayo siya at inilahad ang kamay sa akin.
Tumayo naman ako at inabot ko ang kamay niya at nagsabay kaming magtungo sa kubo upang kunin ang bag ko.
Just the same, binuhat niya ako nang bumalik kami sa kinaroroonan ng kanyang sasakyan. Walang kahirap-hirap niya iyong ginawa hanggang sa makarating kami.
"Thanks," I said nang makasakay na ako.
Umikot siya at saka pinaandar ang sasakyan bago kami umalis.
AFTER an hour, nakarating kami sa isang kainan sa gilid ng daan. Gutom na rin ako sa mga oras na ito kaya't eksakto lang na huminto na kami.
Bumaba siya at sumunod ako sa kanya hanggang sa loob.
"Hello Sir Pogi. Bumalik ka nga. At may kasama ka na ngatony," magiliw na wika ng babae sa kanya.
Oh, so dumaan na siya dito dati? Mag-isa?
"Order nga ako nung dati, alam mo na iyon." Aniya saka naupo sa isang silya malapit sa bintana na yari sa kawayan.
Naupo rin ako sa tapat niya at pinagmasdan ang paligid.
"Palagi ka dito?" tanong ko sa kanya.
"Minsan, kapag natataon na hindi pa ako kumakain," sagot niya.
"Can I have my phone?" I asked.
"Not yet. Ibibigay ko lang ito sa oras na maihatid na kita sa inyo."
"Anong oras mo ba ako ihahatid?"
"Late at night tonight," he replied.
So, ibig sabihin ay hanggang mamayang gabi pa kami? Saan pa kami pupunta after this?
Parang planado na ang lahat ng ito pero parang hindi. Hindi ko maintindihan.
But I choose to trust over think negatively. Mukha naman siyang mabait. At kahit manyak siyang tingnan at magsalita, mukha rin naman siyang gumagawa g mabuti.
"WOW. NAKAKABUSOG!" Nag-inat siya ng mga kamay matapos kaming kumain.
Sa totoo lang ay masarap naman kasi talaga ang kinain namin. Ngayon lang ako nakakain ng ganito. Sinigang na pata ng baboy. Hindi sa ayaw kong kumain nito dati pero kasi, magtrabaho, kailangan ng pagkakamay at sa totoo lang ay mahirap kumain, pero masarap nga pala talaga.
"Nabusog ka ba?" tanong niya.
Napadighay ako ng bahagya at iyon na ang kasagutan sa tanong niya sa akin.
"Halata nga," nakangiti niyang wika.
In some case, parang mas gusto kong ganito sa akin si Philip. Parang mas gusto ko iyong ganitong tipo ng lalaki at hindi ko mahanap iyon sa boyfriend ko.
I am not comparing him to Tomas dahil hindi naman dapat sila ipagkumpara pero nakakainis lang isipin na hindi ganito ang jowa ko.
"Tara na?" he then asked.
"Saan?"
"Sa lugar kung saan ay mas makikilala kita," he replied.
Ganito ba talaga siya? Pangatlong beses na niyang sinabi ito sa akin sa araw na ito. Gayunpaman ay ayos lang dahil dinadala naman talaga niya ako sa safe places. With the fact na ihahatid niya pa ako sa amin ay nakakadagdag pogi points iyon sa kanya.
LUMIPAS ang buong araw, ngayon ay alas diyes na ng gabi. Pagod kaming dalawa pero sige pa rin sa sayaw sa disco kung saan niya ako dinala.
We danced. We drunk. We laughed. And then natapos ang gabi sa paghahatid niya sa akin.
Hindi pa ako lasing, alam ko pa ang nagaganap sa paligid at ngayon ay itinuturo ko sa kanya kung saan ako uuwi.
"Stop the car sa may red gate," I instructed him.
At huminto nga iyon sa may red gate. Pagkahinto ng sasakyan ay mayroong saglit na katahimikan. I guess it's more than five minutes bago siya nagsalita.
"You may go now," mahina niyang wika.
I looked at him, na ngayon ay diretso lang ang tingin sa labas. Papikit na ang mga mata ko ngunit naaaninag ko pa siya ng husto.
"Bakit mo ito ginagawa sa akin?" I asked.
Hindi siya sumagot, instead ay tinanggal niya ang seatbelt ko at saka ako inupo ng maayos.
"You're drunk," he said.
"Because you made me drunk."
"No."
"Yes, you did, Tomas."
"Mag-usap tayo bukas."
"Why aren't you calling me darling now?" tanong ko pa.
"Look, gabi na. It's already quarter to twelve and wala ka nang maitutulog niyan."
"Wala kang pakialam."
"Mayroon."
"Ano lang sa'yo kung matanggal na ako sa work? Kung wala na akong babalikang trabaho? Isn't it advantageous on your part?"
"Lasing ka na. Sige na."
At saka siya lumabas upang pagbuksan ako sa kabilang pinto. Pagkabukas niya ay madali niya lang akong iginiya pababa ng Innova at saka inalalayang maglakad.
"May kasama ka ba sa bahay mo?"
"None."
"Nanny?"
"Tulog na siya."
"Where's your key?"
"Inside my bag."
Bigla niyang hinalungkat ang bag ko at saka niya hinanap ang susi. But before niya mahanap iyon ay ikinulong ko ang kanyang mukha sa aking mga palad at itinapat ang mukha ko doon.
Eye to eye, we met.
At dahil sa kalasingan at sa sobrang emosyon na bunsod ng lahat ng aking nadarama, I kissed him on his lips, na parang wala nang bukas. Sipsip kaluluwa kung tutuusin.
He tastes sweet, ang lambot ng labi niya. And damn, bakit ko ito ginagawa?
"Are you crazy?" he asked.
"I am."
"Hindi mo ba alam kung ano ang binubuhay mo nang dahil sa halik na iyon?" galit niyang tanong.
"I don't know." Nagkibit balikat ako.
"Give me your keys and I'll fvck you inside that damn house," seryoso niyang wika.
Dumagundong iyon sa aking pandinig at doon ko napagtanto ang kabayaran ng ginawa ko.
Gosh, kailangan ko ng tulong. Panghihimasukan ang Biyak na Bato.
Help!