CHAPTER 4 (Carmela’s POV)

1665 Words
“Carmela.” Nick approached her. “M-May b-boyfriend ka na ba?”   Nakunot ang noo na nilingon ni Carmela si Nick. Nanginginig kasi ang boses ng binata ng sabihin iyon sa kanya habang nag lalakad sila sa loob ng El-Nido Libertad. Nakita niya ang pamumula ng mukha They are geo-tagging and looking out for poachers inside the forest nang itanong nito iyon.   “Wala pa. Bakit?”   Umalog ang balikat niya sa pag pipigil ng tawa. Pulang pula na kasi ang mukha ni Nick. Hindi din ito makatingin sa kanya ng deritso. Uno was just trailing behind them. Pero rinig niya ang pag bungisngis nito.   Nilingon at sinamaan ito ng tingin ni Nick. Bago ulit tumingin sa kanya. “P-Pwede bang manligaw---“   “Sorry Nick. Di tayo talo.” Hindi na nito natapos ang sinasabi nito ng sabihin niya iyon. She was amused by his words and actions. Kahit cute naman dito ay hindi pa rin sila nito talo.   Napahinto ito at nanlaki ang mga mata. Natawa na talaga siya. Uno was also laughing. Naninigkit lalo ang mata ng binata. Akala siguro nito ay nag bibiro lang siya.   “Are you joking?” Napahawak pa si Nick sa dibdib nito.   Pailing iling na nag lakad na lang siya. May mas importante siyang dapat puntahan. Kesa i-entertain ang pagkagusto nito sa kanya. It’s better off this way. Mas maigi ng maaga niya itong bastedin.   “Totoo ba yun Ate Carmela?” Uno walked beside her.   Tumango siya.   “Sayang naman. I---may gusto din kasi ako sayo.”   Hindi siya kumibo sa sinabi nito. Sabi na nga ba iisipin nitong sayang siya kagaya ng iniisip ng ibang tao, sa tuwing naririnig na babae din ang gusto niya. Wala naman siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Basta i-respeto lang siya sa kung ano siya at kung sino ang gusto niya. Then there would be no problem between them.   “s**t. Di nga Carmela?” Humabol si Nick sa kanila.   Umangat ang gilid ng labi niya. Napaka kulit talaga. Huminto siya at hinarap ito. “Yes I like women, Nick. Kaya please. Sa iba na lang.”   His face fell. Nag angat ito ng tingin saka siya nginitian ng pilit. “Sige na nga kahit friends na lang.” Inabot nito ang kamay sa kanya.   Nakangiti pero pailing iling na kinamayan niya ito. “Friends.”   Nag patuloy silang tatlo sa paglalakad. Pinag patuloy din nila ang pag geo-tag ng mga matatandang timbers. Tinitingnan din nila kung may mga illegal logging sa paligid, so far, wala pa naman silang napapansin. Nawili na rin ata ang dalawa na mag geo-tag sa mga puno. She took the opportunity to go where she needs to go. Deri-deritso siya sa pagtahak sa lugar kung nasaan ang military outpost.   “Carmela!” Nick must have notice where she’s going. Humabol ito sa kanya sa kalagitnaan.   Napahilamos siya sa mukha niya. Huminto siya at nilingon niya ito saglit. Sumenyas siyang pupunta lang siya sa mga militar.   Napahinto ito at kumunot ang noo. Umiling ito. “Samahan na kita!”   She rolled her eyes. She has no choice now but to let Nick tag along with her. Kahit na ayaw niya sana.   “Ano bang gagawin mo doon?” Tanong ni Nick sa kanya. He was keeping up with her pace.   “Iniwan mo si Uno doon? Walang kasama.” Instead of answering ay yun ang isinagot niya dito.   “Kaya na ni Uno ang sarili niya.” Nick smiled at her. “So ano nga ang gagawin mo dun?”   Her eyes soften. Nick was also a good guy or is he? Kailangan niya bang mag tiwala dito? Paano kung isa lang itong paraan para malaman kung anong ginagawa niya? Pwede namang hindi siya nito samahan but he did. But there is something more urgent here she has to address.   “Kailan pa merong military outpost diyan?” Hindi niya na pinigilan ang sarili niyang tanungin ito. She needs to know.   Tumagilid ang ulo ni Nick. “5 years ago. Why?”   5 years ago? 2 years ago namatay ang dad niya. Kung may military outpost na pala 5 years ago pa. Bakit hindi ito hingan ng tulong ni Kuya Bryan noon? So totoo nga ang sinabi sa kanya ng dating kasamahan ng ama niya? Tumitig siya kay Nick. Itatanong niya ba dito?   She cleared her throat. “My dad he died in this forest 2 years ago. M-May mga militar bang nag rescue sa mga forest ranger noon?”   Nanlaki ang mga mata ni Nick sa nalaman. “Yes. But we scattered during the run. Akala ko nga maliligtas kaming lahat dahil military na ang nag rescue sa amin but unfortunately ayon sa kanila. They are too late to rescue your dad. Patay na ito ng maabutan nila. I’m sorry for your loss Carmela.”   She gritted her teeth. Hindi siya naniniwala sa sinasabi ng police report noon. She knows in her guts may foul play sa pagkamatay ng papa niya. Ayaw lang maimbestigahan ng kung sino na may kapangyarihan.   “I-It’s ok Nick.” Iniwas niya ang tingin dito. She doesn’t want him to know how vulnerable she is.   “Diyan lang kayo!”   Napahinto sila sa pag lalakad ni Nick nang marinig ang boses na iyon. Nilingon nila ang lalake. It was a soldier from the military outpost! Lumapit ito sa kanila. He was apparently scouting the area.   “Forest rangers po kami ng Libertad, Sir” Nick saluted the soldier.   Ngumiti ito. “Ah. Ganun ba? Akala ko kasi mga illegal loggers. Pwede bang makita ang ID’s niyo?”   Ipinakita nila ang mga ID nila ni Nick. Tiningnan nito iyon at kinilatis. Tinitigan niya ang sundalo. Ngayong kaharap niya na ang isa sa mga ito. Kailangan niya ding makumpirma ang hinala niya tungkol sa truck na galing sa loob ng libertad noong nakaraan.   “May nakita akong malaking truck na palabas ng libertad. Ano pong ginagawa nun dito.”   Nakita nila ang paglikot ng mata ng kaharap na militar. Huminga ito ng malalim. Ngumiti ito ng alanganin. “W-Wala naman kaming truck na nakita dito. We are manning the outpost para sa mga lalabas at papasok ng walang permiso.”   Tumiim ang titig niya dito. “Sure po ba kayo?”   Tumango ang lalake.  But he was clearly nervous by the way his adams apple moved. Ilang beses itong lumunok habang tinititigan niya.   Ngumiti siya. She doesn’t want to alert this people what she is doing here. “Ok. I though I saw a truck baka yung military convoy niyo lang. Malayo kasi ang pwesto ko kaya siguro hindi ko ma determine kung malaki o maliit ba yung truck o kung truck ba talaga ang nakita ko. Thank you po, Sir.”   Tumango ito.   Hinila niya si Nick sa braso.   “W-Wait lang Carmela.” Nilingon pa ni Nick yung sundalo. But she yanked his hands to walk with her She doesn’t want to involve him to this. Tumitig sa kanya si Nick. “Bakit mo tinanong yun Carmela?”   “Wala Nick. Baka namalikmata lang ako. Malayo din kasi ang pwesto ko nung nakita ko yung truck. Baka nga military convoy nila yun.” Ayaw niyang may mapahamak pang iba. Kung tama nga ang hinala niya.   Bumalik silang dalawa ni Nick sa loob ng gubat. Mukhang kahit nag tataka ay mas pinili na lang manahimik ng binata. Marahil napansin din nito na hindi niya na ini-open ang topic.   She’s afraid that she has to face the biggest threat during her investigation. Baka mamatay din siya habang nag i-imbestiga sa pagkamatay ng kanyang ama. She doesn’t want anyone involve. May hinala siyang malaking tao ang may kinalaman sa pagkamatay nito.   “Carmela!” Uno came rushing towards them ng makita sila nito. Galing ito sa kabilang direksiyon kung saan may dagat. Hinihingal ito habang nag sasalita. “I-I saw some turtles! They are in a net. Mukhang naalarma yung mga poachers nung narinig akong sumigaw nung hinanap ko kayo.”   “Let’s go.” Nick urged the younger man to take them where it is.   Halos manlumo siya sa nakita. Mga 40 piraso ng mga pawikan ang nasa net. Pinag siksik ang mga ito sa loob. Narinig niya ang pag mura ni Nick. Mabilis itong kumuha ng litrato bilang ebidensiya. Then they proceeded to cut the nets.   Nalungkot siya ng makitang patay na ang 25 na mga pagong. Marahil dahil sa sobrang sikip ay hindi na nakahinga ang mga ito. Nag tagis ang mga bagang niya. Kapag nalaman niya kung sino ang may gawa nito ay sisiguraduhin niyang mag babayad ng malaki at makukulong ng ilang taon. Those bastards! Hindi na naawa sa mga pagong. It was endemic to the area.   “Saan tayo pwedeng pumunta para magamot itong mga turtles?” Nilingon niya sina Nick. They shouldn’t waste time kung gusto nilang mailigtas ang mga turtles na ito.   “I know. May isang conservation park malapit dito. Mga ilang minuto lang. I heard bago daw ang doktor doon. We could head there. Pero hindi ko kabisado masyado ang lugar. Tanong natin sa mga lokals doon.” Uno gathered the turtles carefully. Inilagay nito ang limang pawikan na kasya sa kamay nito.   Nick and her also did the same. Maliliit lang ang ibang pawikan kaya naman nakaya niya ding dalhin ang limang piraso.   Pumunta sila sa pick-up jeep ni Nick. Then they drove off to the conservation park, na sinasabi ni Uno. Pagkarating doon ay agad silang bumabang tatlo. Humihingal na siya ng kumatok siya sa pintuan ng maliit na opisina na sinasabi ni Uno na doktor. Nick and Uno was following behind her. Kakatok pa sana ulit siya dahil ang tagal bumukas ng pinto, but her hand was stopped in mid-air ng may lumabas doon na magandang babaeng may maamong mukha. Napanganga siya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD