CHAPTER 5 (Zyrene’s POV)

1386 Words
“Forest Ranger Bienvinido “Toto” Veguilla Jr. was hacked to death by suspected illegal loggers on the island of Palawan on Sept 5.” Michael Perez reported directly to the camera. The reporter was in the middle of the forest while doing a live camera.   Pasubo pa lang si Zyrene ng kinakain niya ng makita niya ang ibinalita na iyon sa t v. Bumara sa lalamunan niya ang kinakain niya, kaya napainom siya ng tubig. Tumiim ang titig niya. Meron na namang dugo sa kamay ng ama niya.   “Grabe naman ang mga iyon Dad. Mga demonyo lamang ang gumagawa ng ganyan sa tao. Bakit hindi na lang binaril para mas mabilis ang pagkamatay niya? Why do that?”   Magkaharap sila sa isang lamesa. The table is long and they are seating in an opposite chair, away from each other.   Inangat ng ama niya ang mukha mula sa binabasang newspaper. “Maybe because those illegal logger is making the forest ranger fear them, para walang sumubok na lumaban pa sa kanila.”   Napatango tango siya pero hindi na lang siya nag komento pa sa sinabi nito. I know dad. That is your tactic. Bumangon ang inis sa dibdib niya. Wala na bang konsensiya ang dad niya? I have to really stop him!   “He’s the 18th environmental defender slain in the province of Palawan since 2001, and atleast 31st killed this year in the Philippines. This makes our country as one of the deadliest country for those trying to protect their land and the environment. Kaya naman naisipan ng DENR na gumawa ng batas na mag p-protekta sa mga forest rangers.”   “Wow!” Her face lit up. Atleast may nangyayari namang maganda. “That’s good news Dad! Mas ma p-protektahan na sila.”   Hindi nag salita ang ama niya. Kaya naman ibinalik na lang niya ang paningin sa screen para malaman pa ang detalye ng balitang pinapanood. Sana hindi niya na kailangang gawin ito but she knows kahit na may batas they will still kill.   “So what can you say Miss Cruz? Isa sa mga namatay noon ang iyong ama. Ngayon ang isa sa mga kasamahan mong si Bienvinido ang sunod na biktima. Hindi lang basta kasamahan dahil siya ang Team Leader niyo, hindi ba?”   The camera pans in front of a beautiful woman. Naka forest ranger din itong uniform at naka ponytail ang buhok nito. Nakasuot din ito ng green na sombrero. Her eyes are puffy. Marahil ay umiyak ito ng umiyak.   “Magbabayad din ang mga protektor ng mga illegal loggers na yan. Hindi matatapos dito ang pakikibaka sa pag protekta namin sa kalikasan. We should be loyal, brave and true to our duties as a forest ranger. Kaya kung sa kapwa ko forest ranger ay merong traydor. Ako mismo ang mag dadala sa kanila sa police.”   “Meron pa akong tanong Miss Cruz------“   Pero hindi na ito pinatapos ng babae. Umalis na ito at mabilis na tinalikuran ang camera man.   “Wait Miss Cruz!”   Hinarang na ng mga kapwa forest ranger ng babae ang reporter. “Ok na sigurong sinagot niya ang tanong mo kanina.”   Natigilan ang reporter. Alam nitong napahiya na ito kaya naman ay humarap na ulit ito sa cameraman.   “Ito si Michael Perez nakatutok. Balik tayo sa studio.”   “Andito para sa isang panayam ang ngayon ay bagong panalo na si Julius Villanueva.” Pauline Garcia said. “Ano ang masasabi mo sa pagkamatay ng forest ranger na si Toto? May gagawin ka ba para ma proteksiyunan ang mga forest ranger?”   Ngumiti ito sa harap ng camera. “Yes. In fact, I will have a dispatched of soldiers too in the area para madaling makahingi ng back up ang mga forest rangers.”   “Wow dad. He was really impressive for a political person.” Her voice was mocking pero tila hindi iyon napansin ng dad niya.   Ngumiti ng ito ng matamis sa kaniya. “He is a son of my kumpadre. Nakilala mo naman si Renato, di ba? You should get to know him. Makikita natin siya doon sa gathering ng family nila. They will celebrate his success.”   Biglang dumaan ang inis sa maganda niyang mukha. “But I don’t want to be associated with people like them. Alam ko namang puro ka plastican lang ang pinapakita nila sa mga tao. Kunwari mabait pero hindi naman totoo. I bet sila ang susunod na taga proteksiyon ng mga illegal loggers dun sa Palawan.” Hindi niya na natiis na hindi sabihin ang totoo.   Nakita niya din ang inis at galit sa mata ng ama. Nakipag sukatan siya dito ng tingin. “Hindi mo pa naman kilala yung tao ganyan ka na makapag salita. Kilala ko ang mga yun. Kumpadre ko. Kaya alam kong hindi nila magagawa ang sinasabi mo. Hindi ko i-a-associate ang sarili ko sa mga ganyang tao. I am a conscientious man anak.”   Umiwas siya ng tingin dito. She knows the truth and she still doesn’t know why she kept on deluding herself. “O-Ok dad.” Tumayo siya. Bigla siyang nawalan ng gana. “Tapos na po akong kumain. If you will excuse me.”   Agad siyang tumayo para umalis sa lamesa. She needs to get away here before she loses her sanity. Pero nakakailang hakbang pa lang siya ng magsalita ang kanyang ama. Napahinto siya sa sinabi nito.   “You will see him soon and not just for a gathering. He expresses his interests in you. He wants to get to know you better.”   She gritted her teeth. “I don’t want to date him. I don’t even know him.”   “That is why you are going on a date with him. To get to know him better. Maganda para sa kumpanya na dini date mo ang isang kilalang politiko.”   Nag panting ang tenga niya sa narinig mula sa dad niya. Hindi niya alam kung ano na ang mahalaga sa dad niya ngayon. He was being eaten up by greed and power. Her respect is thinning so much. Kung hindi niya lang sana ito ama. Napakuyom siya ng kamao.   “You really like him dad.” Hinarap niya ito. Her smile is mocking. “I think you two should start dating. Why don’t you just date him instead?”   Tumayo ang ama niya. His right hands are ready to fly to hit her cheeks pero huminto ito. Marahil ay hindi rin nito kayang sampalin siya. She looked a lot like her mother. “You, insolent child!”   “Sige Dad. Saktan niyo ako. It will be a first right?”     Sinalubong niya ng tingin ang ama. Tinitigan siya nito pero ito din ang naunang sumuko. Umupo ito at hindi na siya tiningnan.   Taas noo na umalis siya sa dining area. Agad niyang inilabas ang phone niya pagkapasok niya sa loob ng kwarto. Then she dialed her friends number. She needs a vacation. Really, really bad. Pagkatapos ay sasabihin niya na sa dad niya ang totoo na alam niya na ang ginagawa nito. If he don’t stop then he leaves her no choice.   “Hello Z? Napatawag ka ata?”   Her bestfriend Charlotte was on the other line. She can hear loud music playing on the background. Not just any music but a loud one. Napangiti siya. That is what she needs. Loud music and party to drown out her cage for a little while. Hindi niya na kasi kayang pakisamahan ang dad niya ng ganito. Hindi niya na maalis sa isip niya ang mga pictures na iyon sa tuwing tinitingnan niya ang mukha ng ama niya. He looked devilish whenever he smiles at her like he is an innocent man.   “I’m in. San ba yung sinasabi mong adventure?”   Tumawa ang kaibigan niya. “Well of course. If you like to we could go to El Nido and Coron Island. Tapos mag punta din tayo sa mga falls then camping in the forest. What do you say?”   “Yeah. Let’s do that.”   Napailing na lang siya ng marinig ang tili ng kaibigan sa kabilang linya. It’s been a while since they bonded together.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD