CHAPTER 6 (Carmela’s POV)

1382 Words
Carmela can still remember that day. The day her father died. College pa lang siya nun. Dalawang taon na ang nakakalipas.   Humahangos na pumunta sa bahay nila ang isa sa mga kasamahan ng papa niya. It was Kuya Bryan. Ang pinaka pinag kakatiwalaan ng ama niya sa buong team kapag wala ito.   Kakarating niya lang noon para mag bakasyon sa bayan nila. Kaya nga nag day off muna ang ama niya dahil ipapasyal daw siya nito sa mga isla ng Palawan.   “Sir. May nakakita sa mga illegal loggers sa Taytay. Kailangan niyo pong pumunta. This is really bad sir. Armado ang mga iyon.”   She dropped her bags on the floor, dahil sa sinabi ng lalake.   “Sandali lang Bry at isusuot ko lang ang uniform ko.” her father went into his own room. Marahil ay mag bibihis na ito ng uniform nito.   Bigla siyang naalarma sa sinabi ng kadarating lang na forest ranger. Tumingin muna siya dito bago sinundan ang ama niya. “Hindi ba kayo tatawag ng back up pa?”   Tinitigan siya ng ama niya. Hawak na nito ang uniform nito at isang baril. “Magiging ok din ang lahat anak.” Ngumiti ito at hinaplos ang pisngi niya. Saka tumingin sa kadarating lang nitong kasamahan. “Bryan. Tumawag ka ng back up. Sundan mo ako kapag nagawa mo na yun.”   “Teka pa. Akala ko po ba day off niyo. Wag ka ng umalis pa. Please” Pigil niya sa ama nang palabas na sana ito ng pintuan ng bahay nila. He was already wearing his Forest ranger uniform one by one.   “Kailangan ko ‘tong gawin anak. Ang mga kasamahan ko sa trabaho ang mapapahamak.”   “Pa please. Be safe.”   Ngumiti ang ama niya sa kanya. But she never knew that, that is also the last day na makikita niya itong buhay.   Kung alam niya lang sana that it was the last day he would smile like that to her. Ipinikit niya ang mga mata. Saka siya huminga ng malalim. She committed that smiling face of her father to her memory. Ngayon isa na namang tao na malapit sa kanya ang namatay. Sir Toto was like a father to her these last 3 months. It was like losing her father all over again. Naalala niya ang pag kamatay ng papa niya dahil halos ganun din ang nangyari dito. Sir Toto was one of those people that really love the forest and the environment. Naalala niya pa nga na madalas silang mag tawanan kapag pinapakita sila sa mga blog nito. It was a blog about the patrols on a monthly basis. Those blogs consisted of the illegal loggers they arrested, the chainsaw confiscated, locals caught in the act and the state of tress slashed for its timber. And now the man is dead and those bastard illegal loggers had him hacked to death. Hindi niya alam kung ano ang natuklasan ng dati nilang Team Leader para patayin ito sa isang karumal dumal na paraan. She was intent to find out. Naikuyom niya ang mga kamao niya. Mag babayad ang mga taong gumawa nito.   Dapat nga hindi na siya sumunod sa yapak ng papa niya. Isa ang Pilipinas sa pinaka delikadong lugar para sa mga katulad nilang Forest Ranger. But then again she doesn’t mind. Lalo pa at kailangan niyang malaman kung sino ang pumatay sa papa niya at sa dati niyang team leader. Isa pa she loves being with nature.   Isa isa niyang sinuot ang Forest Ranger uniform niya. Saka niya kinuha ang mga gagamitin niya para sa pag p-patrol. Kinuha niya ang extra power bank niya, flashlights, makeshift tent at ang camera para sa geo-tagging nila, then her gun. This is her usual patrol being assigned to Taytay Managed Resource Protected Area. The same forest her father used to roam on one of his patrols. Tatlong buwan na siya dito but she was still trying to learn the forest and the terrain.   She smiled looking at the photos she captured. Meron siyang selfie pictures kasama ang isang Philippine Eagle. Turtles coming off the shore of Coron Island. The forest turtles in their natural habitats and the pangolins. The view from the peak of the mountains overlooking the sea. The mountaineers she helped stuck on the forest. She wouldn’t have these photos if she didn’t grab this job when it was offered to her.   “Ready for the patrol. Cruz?” Sir Bryan asked her. Yes, the same guy who came running to her father. Ito na ngayon ang Team Leader.     Ngumiti siya dito ng pilit. “Yes sir.”   Lumabas sila sa bahay na inuupahan niya sa lugar na iyon. Nauna na itong pumunta sa patrol truck. Nag paiwan siya saglit para batiin ang mga tao na kilala niya sa lugar na iyon. Andito na rin ang iba nilang kasamahan na nag aantay sa patrol truck nila.     “Patrol duty Carmela?” Selene Montemayor asked her.   Nahihiyang ngumiti siya dito. Saka ito nilapitan. Selene is the doctor in the conservation parks. Nagkita sila nito nang ma-rescue niya ang mga forest turtle na nasa loob ng mga net. The turtles are about to be poach. May mga sugat ang mga turtles dahil masyadong cramped ang space na pinag lagyan dito ng mga poachers. Mabuti na lang at mababait ang mga locals at sinabi sa kanila kung saan pwedeng dalhin ang mga turtle para magamot. There, she met this beautiful amazing woman. Napakagentle nito sa mga hayop. Tapos ang hinahon pa magsalita. Graceful ang bawat kilos nito. Babaeng babae. Kaya nga hindi niya maiwasang hindi mag karoon ng crush dito. Even Nick and Uno did.   “Yeah. S-Saan ka pala Doc?”   Ngumiti ito. Those dimples showing in the corner of her chin near her lips. “May nag sabi kasi sakin na may mga dolphin na naman na naligaw sa isla malapit dito. Hindi daw agad maidadala dito dahil may mga sugat at baka maubusan ng dugo. First aid first.”   Napaka gentle talaga nito mag salita. Parang tanga tuloy siyang nakatingin sa mukha nito. Buti hindi pa ito naiilang sa mga titig niya. Bagkus tila ini-entertain pa nito ang mga iyon.     Tinitigan niya ang babaeng kaharap.  Alam ng lahat sa mga kasamahan niya na hindi siya nagkakagusto sa lalake. Alam din ng mga ito na lagi niyang dinadaldal si Selene Montemayor sa mga ito, simula ng makilala niya ang babae. Nauuta na nga daw sa kanya ang mga kasama niya dahil dun. They are all good about it though. Sana nga ay mapansin nito ang ag kakagusto niya dito. She had a feeling Doc Selene is one of her kind too.   “Gusto mo bang sumabay na lang samin doc? Papunta din kami dun.” She asked Selene.   Ngumiti ang doctora. “Yeah sure.”                             Damn! She like Selene’s smiling face because it just lit up the whole surrounding. Hindi niya napansin tuloy na nakatingin na naman siya sa mukha nito. Nahuli siya nitong nakatingin pero ngumiti lang ito. There was a mysterious smile in the corner of her lips.   “May dumi ba ako sa mukha?”   Nanlaki ang mga mata niya sa tanong nito. The question caught her off-guard. Hindi niya tuloy malaman kung saan siya babaling ng tingin dahil sa tanong nito. In the end she settled for looking at her boots. Nakakahiya na nahuli siya nitong tinititigan ito.   “W-Wala naman.”   “Torpe!” She heard Nick said habang pasakay na sila sa patrol car.   Pinandilatan niya ito ng mga mata. Inalalayan niya muna si Selene sa loob ng sasakyan. Nakangiti ito sa kanya ng maupo siya sa tapat nito. Malamang narinig nito ang sinabi ni Nick. Nilingon niya ng may pagkairita ang mga kasama. Nag tawanan lang naman ang mga ito.   “Ang torpe mo talaga, Uno.” Nick settled directing what he said to Uno. Isa kasi si Uno sa mga binata nilang Forest Ranger.   Nag tawanan sila dahil si Uno ang tila naalibadbaran kay Nick. Napangiti siya sa asaran ng mga ito, then she felt like someone is looking at her direction. Selene was looking at her. There was a smile in her lips. Napangiti din tuloy siya. One of these days aamin siya dito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD