12

1031 Words
Mia POV " Friend bakit di pa kayo umalis dito? May bahay ako sa Iloilo doon na muna kayo tumuloy ng inaanak ko. Kaya pala walang ka amor amor yang nakagisnan mong ina dahil hindi ka naman pala tunay na anak." Kanina pa ako kinukumbinsi ni Jeya na umalis na at pabayaan na daw tong bahay kanila mommy. Sa totoo lang di ako makapag desisyon. Ang layo ng Iloilo bagong pakikisama na naman. " Pag-iisipan ko muna Friend ang hirap kasi ang layo." sagot ko sa kanya. " Sasamahan ko kayo. Please nahihirapan ako sa sitwasyon mo dito." " Eh paano yung negosyo mo sa Isla nyo?" " Naroon ang mga kakambal ko bahala na sila doon. Mas inaalala talaga kita eh." " Salamat Jeya." Nakalimutan ko meron pa palang ibang nagmamahal sa aming mag-ina. Nandyan si Jeya na matalik kong kaibigan at si Yaya Metring. Salamat sa kanilang dalawa dahil kahit hindi ko sila kaano-ano ay nandyan sila para tulungan ako. After ng 40 days ni Lolo ay nag impake na kaming mag-ina. Nagpaalam ako kay mommy pero wala akong narinig na salita man lang sa kanya. Para akong hangin sa paningin nya. Nakarating kami sa Iloilo na matiwasay. Ang ganda rin pala ng bahay ni Jeya dito ang laki. May sariling kwarto si Pritz at ako. Ang sabi ko kay Jeya ay isa nalang ang gamitin naming kwarto ni Pritz pero hindi sya pumayag. Sa edad na 10 daw dapat may sarili ng kwarto si Pritz para di daw laging nakaasa sa akin. Ayaw ko nung una pero si Pritz na rin ang nagsabi na maghiwalay na kami ng kwarto. " Alam mo Jeya tong bahay mo parang pinasadya sa amin. Talagang may sariling kwarto na si Pritz. Tapos yung kwarto ko parang master bedroom ang dating sa laki. Hahaha." biro ko pa kay Jeya. " Mas gusto ko sa kwarto ko. Alam mo na mag-isa lang naman ako dun... Hehehe." sagot nya pa sa akin. " Eh pareho lang naman tayo eh isa ko lang din." dagdag ko pa. " Naku friend ang dami mong alam bakit di ka kaya mag Japan." " Loka ayoko dun. Di ako Japanese. Hahaha." " Ay oo nga. Hahaha. Sabay apir pa namin. Kapag si Jeya talaga ang kasama ko ang saya lang. "Magluluto na muna ako friend." Sabi ko sa kanya. " May katulong dito friend, sya na bahala sa lahat. Magpahinga ka muna, alam kong pagod ka rin. Tatawagin nalang kita kapag kakain na tayo." " Salamat." " Welcome po." sabay flying kiss nya pa. Nang maisarado ko ang pinto ay saka ko naisipang umidlip muna. Bukas ko na iaayos ang mga gamit ko. Tapos ko naman ng ayusin ang mga gamit ng anak ko. Tuwang tuwa sa bago nyang kwarto, paano ba naman yung favorite nyang jungle beat yun ang design ng kwarto nya. Mukhang ma spoiled na naman ito sa ninang nya. Papunta na ko sa kwarto ni Pritz ng may makita kong may kausap sa phone ni Jeya. " Yah I know don't worry we are safe here. Nasabihan ko na rin si Azela na wag banggitin yang Precious name mo.... Basta promise me tutuparin mo yung pangako mo.... Last na tulong ko na to sayo...... Sa susunod na saktan mo pa sya ako na mismo ang magkalayo sa kanila sayo..... Sige na sige na.... Grabe ang daming bilin.... Oo na.... Ginawa mo pa akong assistant mo... Hoy malaki ang ibabayad mo sa akin.... Hahaha..... Ewan ko sayo.... Bye.... " " Friend!" tawag ko sa kanya. " Ay pusang nasagasaan ng pison..." nalaglag pa ang cp nya sa gulat. " Hahaha kawawang pusa." biro ko pa sa kanya. " Alam mo panira ka eh, bakit kaba nanggugulat. Ayan o nagasgasan tong beautiful cp ko like me." sabay nguso nya pa. " Sorry na. Wag ka ng magtampo. Sino ba yang kausap mo at lahat yata ng emosyon nagawa mo." " Ah wala yun. Hehehe. Halika na maghapunan na tayo. Puntahan na natin yung inaanak kong pogi para sabay sabay na tayo.." Sabi nya pa. Tumango nalang ako bilang pag sang-ayon. Nasa hapag kainan na kami ng magsalita ako. " Friend bukas na bukas din hahanap ako trabaho dito. Ayoko namang maging oabigat sayo." " Pabigat??? Never kayong naging pabigat sa akin. Lalo na ting cute na inaanak ko. Di ba Pritz?" " Yes ninang ganda." sabay saludo pa sa ninang nya. " Pero friend gusto ko sanang makaipon." " Eh paano si Pritz???" malungkot na sabi nya. Oo nga pala walang magbabantay sa anak ko kapag nag work ako. " Eh Friend baka pwedeng ikaw na muna bahala kay Pritz. " " Naku friend ah.... pero sige kung yan ang desisyon mo. Alam mo namang nandito lang ako palagi naka suporta sa lahat ng desisyon mo." " Salamat sayo..." Sinamahan ko muna si Pritz sa kwarto nya hanggang sa nakatulog sya. Papunta na kong kwarto ko ng madaanan ko ang kwarto ni Jeya na nakabukas ng kaunti. Balak ko sanang isarado ang pinto ng marinig ko na naman na may kausap sya.. " Eh anong magagawa ko desisyon nya yun..... At saka paano ko sasabihin na wag nya ng ituloy eh syempre magtataka sya wala naman akong malaking pera sa ngayon.... Pwera lang kung sasabihin kong galing sayo.... Oo na... ang kulit kulit mo.... Na miss mo no??? Sira ka rin kasi eh... Oo na nga.... Hayst kulit... Oo na nga sabi.... Oo sa kwarto mo... Oo nga.... Kulit.... " binaba nya na yung tawag. Sino kayang kausap nya. Ang weird naman... Pumasok na rin ako sa kwarto kung saan ako pinatuloy ni Jeya. Ang laki talaga ng kwartong ito. Same sa ayos ng bahay namin ni.... AHHHH... kakalimutan ko na talaga sya. Dapat masanay na akong wag syang isipin. Pero paano ko ba gagawin yun. Eh habang lumalaki si Pritz eh magka mukhang mag kamukha sila??? Sakit sa ulo. Paano kaya kung iuntog ko tong ulo ko sa pader??? Ah pwede siguro para makalimot na ko. Pero paano kung hindi??? Kapag ginawa ko yun tiyak masakit na ulo ko may bukol pa ko. Ang hirap nyang kalimutan... Sana magaya ko sya... Madali lang nya kaming kalimutan...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD