11

1049 Words
Mia POV 2 YEARS LATER Dito kami tumira sa Isla ni Lolo, kahit mahirap ay nakakaya ko naman dahil nandyan si Lolo para gabayan ako lagi. " Apo maraming salamat dahil dumating ka sa buhay ko. Pati ang apo kong si Pritz sobrang saya ko na nakasama ko pa kayo ng matagal. Iiwan ko sayo itong Isla para sa future ni Pritz. Mahina na ang Lolo apo baka di na kita masamahan ng masmatagal pa. Lagi kang mag-iingat. Mahal na mahal kita, kayo ni Pritz." " Lolo please wag mo akong iiwan, hindi ko kaya. Ikaw na lang ang nagmamahal sa amin please magpagaling ka." Narito kami ngayon sa Hospital dahil inatake na naman sa puso ang Lolo. Kailangan nyang operahan pero dahil na rin sa katandaan ay wala ring assurance na makakarecover pa sya. Kaya sya na rin ang nagsabi na wag na. Masaya na rin naman daw syang umabot sa 80 years ang buhay nya. Ang sama-sama ng loob ko. Pero never kong tinatong ang Diyos bakit nangyayari sa akin ito. Sa kanya pa rin ako kumakapit. Nananalangin na sanay gumaling pa ang Lolo sa kanyang karamdaman. Malaki rin ang pasalamat ko kay Yaya Metring dahil ng malaman nyang may sakit si Lolo ay bumalik sya sa Isla para na rin alalayan ako at alagaan pa si Pritz. Mahirap man pero kinakaya kong alagaan si Lolo. Mahal na mahal ko rin sya, mula ng pagkabata ko ay sa kanya ko lang naramdaman ang pagmamahal ng isang ka pamilya. Ang sabi nila kapag marami kang pera mas masaya??? Tama naman sasaya ka talaga kapag nakukuha, nabibili mo lahat ng gusto mo pero hindi ako naman maging masaya. Mas gusto ko yung atensyon at pagmamahal sa akin ng mga magulang ko. Pero na kontento naman ako sa pagmamahal na naibinigay ni Lolo. Kaya sobrang nagdurusa ang puso ko dahil sa nakikita kong hirap na nararanasan nya. Kung pwedeng ako nalang ang mag suffer ng sakit. Tuluyan na kaming kinalimutan ni Philip, sa loob ng dalawang taon ay di man lang sya nagparamdam sa akin. Yung binigay nyang passbook para sa future ni Pritz ibinigay ko kay Jeya at pinatago. Hindi ko naman kailangan yun para sa anak ko. Mahirap mag move on kapag sunod sunod ang pagsubok sa buhay. ------------ " Mommy!" Palapit pa lang ako sa mommy ko ng isang malakas na sampal ang natikman ko. Hindi ko sukat akalain na sampal ang sasalubong sa pangungulila ko sa kanya. " Pinabayaan mo ang daddy. Wala kang utang na loob. Pinalaki ka nya, inalagaan at minahal pagkatapos puro pasakit lang ang binigay mo.?" sumbat nya pa sa akin. " Mom ano pong sinasabi nyo? Alam nyo pong matagal ng may sakit si Lolo sa puso, nabanggit ko po sa inyo yan. Pero hindi nyo man lang po sya pinuntahan. Bakit parang sa akin nyo sinisisi ang lahat.?" Natahimik sya sa mga sinabi ko. Ayaw ko man syang sumbatan pero di ko na napigilan ang sarili ko. Ilang buwan ko ring kinukulit si mommy na umuwi na, dahil limulubha na rin ang sakit ni Lolo pero never nya akong pinakinggan. kaya ko na raw alagaan ang Lolo na syang ama nya. Never akong nagsalita sa kanya kahit nakaka tampo sa totoo lang. Ilang beses hiniling ni Lolo na Makita sila ng half brother ko pero ni anino nila walang nagpakita. Tapos ngayon kung kailan wala na si Lolo saka sya pa ang may lakas ng loob na sumbatan ako.? Natapos ilibing si Lolo na hindi kami nag-uusap ni mommy narito sila ng pangalawang pamilya nya. Hindi ko man lang maramdaman na mahalaga rin ako sa kanya. Minsan tinatanong ko kung anak nya ba talaga ako. Iba kasi ang pakikitungo nya sa isa nya pang anak. Dumating rin ang attorney ni Lolo dahil kailangan nya ng I discuss yung last will and testament na iniwan ni Lolo. Nagulat ako dahil halos 80% ng kayamanan ni Lolo ay sa akin iniwan. 20% lang ang Kay mommy. " Walang hiya ka. Ang kapal ng mukha mo. Sayo pa talaga ipinamana ni daddy ang malaking share???" Hesterical na sabi ni mommy. Inawat lang sya ng asawa nya kaya hindi nya ako nasaktan. Marami pa syang sinabi na masasakit na salita. Sa totoo lang hindi ko na gets si mommy bakit ba galit na galit rin sya sa akin. Hindi nalang ako nakipagtalo sa kanya , wala rin namang halaga. Ilang Linggo pa sila tumagal dito sa Isla at masasabi kong napakahirap makisama sa kanila. Si mommy kahit anong gawin ko ay malayo pa rin ang loob sa akin, Ang kapatid ko naman ay mukhang ka kompetensya pa ang tingin sa akin. " Ikaw na bata ka ang kulit kulit mo ang sabi ko wag kang pumunta dito. Get out of my sight!!!!" Galit na turan ni mommy kay Pritz. Dali-dali akong pumunta sa kanila. Nakita ko kung gaano umiyak si Pritz, never kong pinagalitan si Pritz at sigaw sigawan dahil napaka bait nyang bata. Madali din umintindi kaya alam nya ang tama at mali. " Mommy I'm sorry gusto ko lang i-hug si Lola, nagalit na sya." sumbong ni Pritz habang nakayakap sa kanya. Naawa ako sa anak ko kaya di na ko nakapag pigil na manumbat kay mommy. " Bakit pati sa anak ko pinararamdam mong pagbabalewala.? Hindi ko maintindihan bakit ganyan ang turing mo sa akin at sa anak ko. Wala naman akong ginawang ikasasama ng loob mo. Kung dahil lang sa mana sige mommy ibibigay ko lahat sayo. Please lang iparamdam mo naman sa akin na anak mo ako. Anak mo rin naman ako di ba????" Hindi ko na napigilang umiyak. Sobra sobra naman na tong paghihirap ko. Pati ba naman sa Ina ko mag kaka problema pa rin ako. Yung inaasahan kong taong magmamahal sakin isa pa sa dahilan ng paghihirap ko ngayon. " Tama na nga yang drama. Tama lang naman na ibigay mo lahat ng mana mo sa amin. Para kay Luean lahat yan (tinutukoy ni mommy ay ang anak nya sa pangalawang asawa nya). Malas ka sa buhay ko, kung bakit ba naman inalagaan ka pa ni daddy kahit alam nya namang ampon ka lang namin. Wala kang silbi. Wala kang utang na loob. Bumalik ka sa nanay mong malandi." Ano raw????? Ampon ako????? Sinong nanay ko????
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD