Jeya POV
(NAKARAAN)
" Philip sure ka ba sa gagawin mo? Masasaktan mo si Mia." tanong ko sa kanya. Sa totoo lang nag da dalawang isip pa ako dahil kawawa talaga si Mia masasaktan na naman sya. Natatakot rin ako baka this time di na sya bumalik kay Philip.
" No choice na ako. Mas mahalaga ang kaligtasan nila, mas mapapanatag ako kung kanila Lolo Solomon sya pansamantalang titira kaysa sa akin. Hindi ko pa alam kung sino ang kalaban. Kung sa ka kompetensya ni daddy sa negosyo o kung sino mang may galit sa pamilya natin. Nauna na nila akong pinagtangkaan, swerte lang dahil na buhay pa ako. Pero si Daddy hindi naka ligtas. Ayokong madamay ang mag-ina ko." paliwanag nya pa sa akin.
" Pero sobra naman ata yung makikipaghiwalay ka sa kanya na alam nya na sya ang sinisisi mo sa pagkawala nila Tito at Tita.?"
Nalulungkot din ako sa nangyari. Nakatanggap kasi si Philip ng death threat galing sa kung sinong nagpadala. Ang sabi doon papatayin lahat ng malapit sa kanya. Including our Families pero syempre kanya kanyang protekta na. Si kuya Tyrone kailan lang din nakasama ang mag-ina nya. I think safe naman sila dahil sa mga kaibigan nyang malalapit sa kanila. Sa Isla ni Lolo namin marami na ring tauhan. Gusto ni Philip na dun na muna pansamantala sila Mia at Pritz kaso ilang ulit na umayaw si Mia, ayaw nyang iwan na mag-isa si Philip. Kaya nga kahit masakit ay nagawa ni Philip na saktan ito para iwan na sya, tiniis nyang malayo sa mag-ina nya. Ilang death threats na rin ang natanggap nya. Ngunit ng umalis sila Mia ay huminto rin ito. Para bang sinadya na paghiwalayin lang sila.
" Saka nalang ako magpapaliwanag sa kanya once na nalaman ko na kung sino ang may kagagawan ng lahat ng ito." Sabi nya pa sa akin.
Kaya naman sobrang hirap para sa pinsan kong malayo sa mag-ina nya pero mas pinili nya yun para protektahan sila. Pero heto nga at sobra sobra namang pagsubok ang dumating sa matalik kong kaibigan. Namatay ang kanyang lolo, nalaman nya pang ampon lang sya ng mga magulang nya. Tapos nakita nya pang sinaktan ng itinuring nyang ina si Pritz na anak nya. Nakakagigil din eh.
----------
Mabuti nalang at nakumbinsi ko syang manirahan sa Iloilo. Bagong biling property ito ni Philip. Resthouse sana nilang pamilya pero naging safehouse na rin para kanila Mia at Pritz.
Nalulungkot ako ngayon para kay Mia at Philip akala talaga ni Mia nam babae si Philip. Hindi nya alam kasama sa plano yun para magalit sya at wag na munang lumapit sa pinsan ko.
" Friend natanggap ako sa work." tuwang-tuwa pang kwento sa akin ni Mia.
" Mabuti naman. Anong work friend?" tanong ko sa kanya. Ito ang first time nyang mag trabaho kaya masaya rin ako para sa kanya.
" Architect..."
" Really wow naman. Congratulations. Mag celebrate tayo."
Sa isang malaking construction company pala sya pumasok. At magagamit nya na yung propesyon nya.
---------
Nag start na syang pumasok, kaya naman heto ako ngayon at sinamahan si Pritz sa school nya. Ilang Linggo na lagi syang umuuwi na ng gabi, nawawalan na sya ng time sa anak nya.
" Hello Jeya kamusta kayo dyan?" tanong sa akin ng magaling kong pinsan.
" Hoy Philip yung sweldo ko nasaan na. Aba at karami mo ng utang sa akin." biro ko pa sa pinsan kong halos gabi gabi na akong ginagawang callmate para lang kamustahin at ireport sa kanya lahat ng mga nangyayari sa mag ina nya. Hindi sya makapunta dito dahil baka minamatyagan sya at nalaman pa kung nasaan ang mag-ina nya. Malapit na rin naman daw nilang malaman kung sino ang may kagagawan nun sa tulong na rin ng mga kaibigan ni kuya Tyrone. Isang magaling na pulis ang napangasawa ng isa sa kaibigan nya kaya nga sila na rin ang palaging kasama ni Philip ngayon.
" Nasa bank account mo na kasama na yung allowance nyo nila Mia at Pritz." Sabi nya pa.
" Philip may work na pala si Mia."
" What???? Kaya ko silang buhayin. Bakit kailangan nya pang mag trabaho. Natuloy rin pala sya." galit na boses ang naririnig ko ngayon s kabilang linya.
" Eh paano ko ngang pipigilan.? Alam nya naman na di ako mayaman. May isa pa palang problema."
" Ano yun?" tanong nya.
" May nanliligaw sa kanya sa work bigatin din dahil kapatid ng boss nya. At saka nagkita sila ni Justin dito sa Iloilo, so it means may dalawa ka ng magiging kaagaw kung sakali."
" What?????" may narinig akong nabasag.
" Hey Philip wag mong sabihing nagbabasag ka na dyan. Hoy wag kang magwawala dyan. Kung ako sayo dali-daliaan nyo yung pag iimbestiga para mabalikan mo na tong mag-ina mo, kasi kapag tumagal pa baka mas mahirapan kang makuha ulit ang pagmamahal nya.
" Yah! I know gets ko na... Paki bantayan mo na muna sila. Thanks."
Mia POV
" Flowers for you." Isang bouquet of sun flowers na naman itong natanggap ko.
" Euriz thanks pero wag ka ng mag abala sa susunod." Narito kami ngayon sa site. Si Euriz ay isang Engineer. Bunsong kapatid sya ng boss ko. Nagpaalam sya na manliligaw pero di ako pumayag. Wala na rin naman akong balak na magpaligaw. Isa pa kay Pritz ko nalang ilalaan ang oras ko. Kailangan kong pagsumikapan ang future nya. Ayos na sa akin ang isang anak. Dalawang beses na rin naman akong kinasal kaya wala na rin akong balak pa na mag asawa muli.
" Please Mia. Tanggap kong may anak ka. And I'm willing to be his father if ever na maging tayo. No problem about that. "
" Ayoko na kasi talagang mag-asawa muli. Baka pwedeng magkaibigan nalang tayo."
" I'm willing to wait. Kahit gaano pa katagal." pakiusap nya pa.
" Ayokong paasahin ka. Makakahanap ka pa ng mamahalin mo." Yun lang at iniwan ko na sya. Siguro mas maganda kung iiwasan ko sya. Sabi nga sa akin ni Jeya mag focus ako sa work kaya yun na lang ang gagawin ko nakakahiya na rin naman sa kanya.
Palabas na ako ng Building na pinag tatrabahuhan ko ng may sasakyang huminto sa tapat ko.
" Ihahatid na kita." si Euriz na naman.
" Hindi na mag gra-grab na lang ako." Naglakad na ko palayo sa sasakyan nya ng makita ko si Justin. Alam kong tinawag pa ako ni Euriz pero di ko nalang pinansin.
" Hi Mia. Uuwi ka na?" si Justin
" Ummp oo."
" Pwede ko bang pasyalan si Pritz na mi-miss ko na kasi sya."
" Ah sige, kailan ka pala uuwi ng Nueva Ecija?" tanong ko sa kanya. Aksidente lang ang pagkikita namin. Isa sya sa client namin ngayon. Ipapa renovate nya kasi yung bahay nila dito sa Iloilo. Kay Yaya Metring kasi pinamana tong lupa at bahay nila dito. Hindi naman pala talaga mahirap sila Yaya Metring, nag rebelde pala sya nung kabataan nya dahil nga na buntis sya ng kung sino lang, kung kani-kanino na daw sya sumasama na barkada, naiwan pa nga dito sa Iloilo si Justin nung baby sya, sa kakalayas daw ay kung saan saan sya nakarating hanggang sa napadpad sa Isla ni Lolo. Nagkataon naman daw na kailangan nila ng mag-aalaga sa akin at namasukan na sya. Ma swerte lang dahil maganda ang pagpapalaki kay Justin. Gusto ko sanang ma-meet ang pamilya nila dito kaya lang wala na rin pala ang Lolo at Lola ni Justin.
" Kapag natapos na ang construction ng bahay." Ngumiti nalang ako matatagalan rin pala sya dito estimated kasi 6 months ang itatagal pa.
Sumama na sya sa akin si Justin...
" Justin pasok ka."
" Tito Justin!. " Magiliw na bati sa kanya ni Pritz. Papasok na kami ng bahay ng makita ko si Jeya. Naka irap na naman ang bruha.
" Hi Jeya!" bati pa sa kanya ni Justin pero tinanguan nya lang ito.
" Maganda sana kaso ang suplada." bulong pa ni Justin.
" Baka akala nya nililigawan mo ako. Hihi!" bulong ko rin.
" Alam ko namang di mo ako magugustuhan kaya hindi na kita pipilitin." ngiti nya pang sabi.