7

1442 Words
Mia POV " Apo sigurado ka ba sa desisyon mo? Hindi ba dapat mag-usap muna kayo ni Philip bago ka magdesisyon na aalis at ilayo pa si Pritz sa ama nya?" si Lolo tinawagan nya ako. Pinapaalam nyang hinahanap daw ako ni Philip sa kanya. Narito ako ngayon sa probinsya ng aking Yaya Metring. Sya ang nag-alaga sa akin mula ng iwan ako sa aking Lolo. Napaka simple lang ng pamumuhay nila dito sa probinsya ng Nueva Ecija. Pagtatanim ng palay ang ikinabubuhay nilang mag-ina. Nakilala ko na dati pa ang kanyang anak na lalaki na mas matanda lang sa akin ng 3 taon. Wala ring asawa si Yaya Metring dahil nabuntis lang sya ng di nya naman kasintahan ayon na rin sa kwento nya sa akin. " Lolo please wag nyo na pong sabihin kay Philip na narito ako sa Nueva Ecija, ayoko na rin syang makita pa. About kay Pritz maiintindihan nya rin ako pagdating ng panahon. Hindi naman po kami mag-asawa ni Philip kaya okay lang na may-iba na sya." malungkot na pahayag ko. " Paano apo kung hindi pala sya yung nasa loob ng kwartong iyon?" "Sure akong sya yun Lolo. Sige po marami pa akong gagawin. Mag-iingat ka dyan. I love you Lolo." nagpaalam na ako sa kanya. Alam kong di nya gusto na lumayo kami lalo na at ngayon lang ulit ako nawalay sa kanya at ngayon nga ay kasama ko pa ang apo nya sa tuhod. " Mia kumuha ako ng papaya sa likod bahay baka gusto mong kumain?" alok sa akin ni Justin. Marami syang mga pananim sa likod bahay nila. Mga punong kahoy, gulay, prutas kahanga-hanga dahil halos lahat ng pangapangailangan namin ay nasa likod bahay lang. " Salamat po kuya." saka ko kinuha yung inaabot nyang isang Plato na puno ng nahiwang himog na papaya. " Baka pwede wag mo na akong tawaging kuya nakakatanda kasi Justin nalang." sabay kamot nya sa sintido nya. Natawa naman ako. Mannerism nya na kasi yun lalo na kapag nahihiya sya. " Sige. Pero bakit nung pumupunta ka sa amin kuya naman ang tawag ko sayo. Tumanda lang tayo ayaw mo ng magpatawag na kuya." ngisi ko pa sa kanya. Gusto kong ibalik ang closeness namin. Di na rin kasi sya iba sa akin, sila ni Yaya Metring. " Ngayon lang ako naglakas ng loob na sabihin sayo." seryosong sabi nya pa. Tumango nalang ako. Iba na kasi ang pakiramdam ko, biglang naging awkward lalo na ng sabay pa kaming kumuha ng papaya para kay Pritz at nahawakan nya ang kamay ko. " I'm sorry!" aniya Nginitian ko lang sya bago ko itinuon ang atensyon ko kay Pritz. 4 years old na ang anak ko at dahil sa angkin nyang talino ay naka pag kindergarten na sya. Sa susunod na pasukan ay grade1 na sya. Balak ko syang ipasok sa private school sa susunod nalang na taon kaya lang sobrang layo ng school. Kailangan ko pang bumili ng sasakyan para maghatid sundo kung kinakailangan. Sa dalawang buwan na pamamalagi ko dito ay nakabisado ko na rin yung pasikot sikot. Lagi ko ring kasama si Justin sa pamamalengke. Meron kasi syang tricycle kaya di kami hirap sa transportation. " Yaya yung malaking bahay po sa bungad parang walang nakatira?" tanong ko. Nagtataka kasi ako sa tuwing dumadaan ako dun ay napapansin kong walang tao, halos ka papa renovate lang ata. Ang ganda ng design, pansin na pansin talaga sa unique style nya. Naalala ko tuloy ang dream house ko. Parang nagkataon pang same na same sa design sa gusto ko pati kulay ng bahay. " Wala pa ata ang may-ari. Ang sabi sa akin ni Celso nasa ibang bansa ang may-ari nyan." Kilala ko rin si Mang Celso, sya yung katiwala sa bahay pero di sya nakatira dun dahil may sarili syang bahay na mapalit lang dito sa bahay nila Yaya Metring. " Gusto mo ng bayabas Mia?" tanong sa akin ni Justin. Napalingon naman ako sa pinto. May dala syang malaking plastic bag. " Naku po ang binata ko mukhang tinamaan na ang pihikang puso." sabay tawa pa ni Yaya Metring. Napatingin naman ako kay Yaya Metring di ko gets ang sinabi nya... " Naku Mia wag mong intindihin ang sinabi ko." sabay tayo nya. Pinag timpla nya ng kape si Justin. Galing kasi ito sa bukid at may putik pa ang katawan. Nang mailagay ni Justin ang isang plastic ng bayabas ay saka sya nagpaalam na maliligo muna. Madalas ko rin syang mahuling nakatitig sa akin. Yung tipong may sasabihin pero di naman itutuloy. ----------- Sa sobrang obsessed ko sa malaking bahay ay lagi na akong naglalakad para pumunta dun. Sinasadya ko talagang mag jogging tuwing umaga para na rin makita ang dream house ko. Halos lahat kasi ng plano ko sa bahay ay naroon. Akala ko yung bahay ko lang ang nag-iisang design kapag natayo na kaya lang may mas nauna na sa design na gusto ko. Paano kaya kung bilhin ko nalang tong bahay? Besides wala naman atang balak tirahan ng may-ari. Lalo na at nasa ibang bansa pala sila. " Mang Celso kailan po darating ang may-ari ng bahay?" tanong ko sa kanya ng minsang abutan ko syang nagwawalis ng bakuran. " Sa susunod na Linggo ading. Bakit?" balik na tanong nya sa akin. " Interested po kasi ako sa bahay, baka gusto nyang ipag bili. Sa akin nalang po." sagot ko sa kanya. Sana nga ipagbili nalang tong bahay na to para maka lipat na kami ni Pritz. Nahihiya na rin kasi ako kanila Yaya lalo na at nararamdaman kong may pag tingin na rin sa akin si Justin. Ayoko namang mabigo sya sa pag-ibig dahil sa akin. Kung sakali kasing tama ang kutob ko na gusto nya ako. Ako ang kauna-unahang babae na mamahalin nya maliban sa ina nya. " Mia may dala akong sineguelas, matamis sure magugustuhan mo." sabay abot nya sa akin ng mangkok na puno ng nahugasan na Spanish Plum. " Thanks." Nakita ko syang kumuha ng martilyo saka kinumpuni ang sirang electric fan. " Justin anong tinapos mo?" alam ko nakapagtapos sya ng pag-aaral. Naalala ko pa si Yaya dati na tuwang tuwa dahil cumlaude daw ang anak nya. " Ah Bachelor of Science in Marine Engineering (BS MarE)." nahihiya nya pang sabi. " So naka sampa ka sa barko? Seaman ka pala?" " Yes 5 years din ako sa laot hanggang sa nagsawa. Mas gusto kang magtanim. Kaya ng inalok sa akin itong lupang ito ng naka trabaho ko. Binili ko na rin para kapag gusto na ni mama na huminto sa pag tatrabaho may uuwian na sya." kwento nya pa sa akin. Ah kaya pala narito sila sa Nueva Ecija. Ang alam ko kasi taga Iloilo si Yaya eh tinuruan nya pa akong mag Ilongga dati nung bata pa ako. " Bakit di ka pa nag-aasawa? Ang tanda mo na." biro ko pa sa kanya. " Kung makatanda ka naman sa akin." sabay ngisi nya. Natawa na rin ako. Di naman sya pangit na tao. Hindi lang kasi sya heartrob na katulad ng mayayamang lalaki. Sya kasi yung tipo na tititigan mo muna bago mo masasabing gwapo, maganda rin naman ang pangangatawan nya dahil nga sa batak sa trabaho. May katangkaran rin sya, mas matangkad lang si Philip ng bahagya. Naku po bakit ba si Philip na naman ang naiisip ko. " Hindi ko sya na mi-miss." sigaw ko sa isip ko. " Sinong di mo na mi-miss???" takang tanong ni Justin. Naku po napalakas yung sinabi ko. Ngumiti nalang ako saka ako nagpaalam na papaliguan na si Pritz. ------------ " Ading ngayon pupunta ang amo ko sa malaking bahay, baka gusto mong dumaan don. Nasabi ko na rin yung sinabi mong interesado kang bilhin ang bahay." si Mang Celso na talagang dumaan pa sa bahay para lang sabihin sa akin yun. " Talaga po? Sige po." na excite ako sa totoo lang. " Nakakapagtaka nga eh, nung una sabi nya di nya ipagbibili dahil para sa asawa nya yun, pero nung sinabi ko ang pangalan mo nagka interes sya." nakakapagtaka man pero di ko na inintindi, ang mahalaga ay mabili ko yung bahay. Hapon na ng dumating ang may-ari kaya ng I text ako ni Mang Celso ay agad-agad naman akong nagtungo dun. " Mang Celso!" tawag ko sa kanya. Agad rin nya akong pinapasok sa loob ng bahay. Kung sa labas ay sobrang humanga na ako. Mas hahanga pa pala ako sa loob. " My DREAM HOUSE." " Yes love it's your dream house." isang baritonong boses na nagmula sa aking likuran. Boses na kilalang kilala ng puso ko. " Philip????"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD