8

1306 Words
Philip POV Ilang buwan ko na ring pinapahanap sila Mia at ang anak namin pero walang lead kung nasaan sila. Kailangan ko ulit bumalik sa Canada para sa negosyong naiwan ko roon. Nalaman kong pakana ng isang Japanese Mafia kung bakit nagkaka problema ang kumpanya ko. Halos kalahati ng investors ko ay umalis. Hindi ko inaasahang kaya nilang pabagsakin ang matagal ko ng negosyo. Mabuti na lang at naagapan ko. At ngayon nga ay unti-unti na namang bumabangon. " Mang Celso magandang araw po. Napa tawag po kayo?" Kararating ko lang dito sa Manila ng nakatanggap ako ng tawag mula sa katiwala ko sa Lupain kong nabili sa Nueva Ecija. " Sir magandang araw din po. Itatanong ko lang po sana kung may balak ka pang ipagbili itong bahay mo dito sa probinsya. Meron kasing nagkakainteres." Binanggit ko kasi dati sa kanya na balak kong ipagbili ito dahil napagdesumisyunan naman dati namin ni Mia na sa Canada na manirahan. Ayaw naman ng parents ko sa probinsyang yun dahil mas gusto nila yung malapit sa dagat. Doon kasi ay puro bukirin ang makikita mo kaya hindi nila gusto. " Hindi na po siguro Mang Celso, besides pina renovate ko na yang bahay base sa gusto ng asawa ko." sagot ko sa kanya. " Ah ganun ba? Naawa lang kasi ako kay Mia, mukhang gustong gusto nya yung bahay. Palagi ko ngang nakikita sa labas na pinagmamasdan lang tong bahay mo." Malungkot na sabi ni Mang Celso. " Ano ulit ang pangalan nya?" Gusto ko lang kumpirmahin kung tama yung narinig ko. " Mia sir. Kay gandang bata. Pero may anak na." " Maaari mo bang picture-an kapag nagawi ulit sya dyan. Gusto ko lang syang makita." " Sige sir copy." Nagpaalam na rin sya kaya pinutol ko na rin ang tawag. Maya-maya pa ay biglang may nag text. Sinend nya na daw sa social media ko yung photo. Tama nga ang hinala ko. Si Mia nga na matagal ko ng hinahanap ang nasa probinsya ngayon. Doon lang pala sila nagtago. At sa kalapit ng lupain ko pa sila nakatira. Ilang Linggo pa ang pinalipas ko. Gusto ko rin syang i-surprise. Ngayon lang ulit kami magkikita. Kaya nakiusap ako kay Mang Celso na wag sasabihin s kanya kung sino ang may ari ng bahay para wala syang idea na ako ang makakaharap nya sa oagbili nya kuno ng bahay. Alam kong dream house nya yun. Magaling na Architect si Mia kaya naman may isang sketch sya ng bahay na ang sabi nya ay gusto nyang ipatayo, hindi lang kasi sya nagkaroon ng chance dahil maaga syang pinakasal sa una nyang asawa. At balita ko nga ngayon ay hiwalay na sila. Balak ko ulit syang pakasalan kung pahihintulutan nya. Hindi kasi valid ang kasal namin 2 years ago dahil kasal na pala sila ng lalaking yun. " Mukhang tuwang-tuwa ka.?" si kuya Tyrone. Narito ako sa Opisina nya para kausapin sya kung pwedeng kumuha ng mga prutas sa kanya. Yung nabili ko kasing lupain ay hinatid namin sa dalawa. Yung sa akin ay pinatayuan ko ng bahay at puro bukid sakahan, para may kikitain pa rin dahil wala talaga akong balak na tirahan. Yung kalahati naman ay pinatayuan nila ng dalawang bahay, ang bahay nila ni Bethany at ang bahay ng mga magulang ni Bethany may konting sakahan pero mas maraming punong kahoy. Kaya naman marami silang mga prutas na tamin. Like Indian Mango, Caimito, Sampalok, Sineguelas, Papaya, Santol at buko. Yun na rin ang nagsisilbing bakod sa lupang napunta sa kanila. Hindi ko rin talaga ninais na doon tumira dahil nga sa nakaraan namin ni Bethany. Sure akong maaasiwa lang din si Mia kapag lagi silang magkikita. Pero mali ako. Dahil nang minsang nagkaroon ng gatherings sa Pamilya namin na ginanap sa Isla ng Lolo ko ay silang dalawa pa talaga ang laging magkasama. Sabagay sa ugali ni Bethany na sobrang bait at palangiti sure na magkakasundo sila. " I'm happy!" sabay ngisi nya pa. " Bakit nakita mo na ba si Mia?" tumatawa nya pang biro. " Magkikita na kami ng Love ko." sabay kindat ko sa kanya. Sumeryoso naman ang mukha nya... " Hahahah don't tell me pikon ka?" tanong ko sa kanya. Ang alam nya kasi yun ang tawagan namin dati ni Bethany. Yung asawa nya na ngayon. Hindi nya alam yun din ang nakasanayan kong itawag kay Mia. Bata palang kasi kami Love na ang tawag ko sa kanya kapag kaming dalawa lang. Kaya si Mia talaga ang first Love ko. " Hindi ka nakakatawa. Mag move on ka na." Sabi nya pa sa akin. " Hey sorry kuya, si Mia ang tinutukoy ko hindi si Bethany." Di ko na napigilan pang tumawa dahil sa itsura nyang gustong manapak. " Tell me bakit nandito ka.?" Umaliwalas na rin ang awra nya. " Gusto ko sanang bumili sayo ng mga prutas galing sa mga puno mo sa probinsya. Pupunta ako sa susunod na Linggo dun. " Ah ganun ba? Sige tamang tama uuwi rin kami dun. Birthday kasi nung pangalawang anak nila Marius at Althea, malapit lang din ang lupain nila sa atin. " Si Marius yung isa sa mga kaibigan mo?" Na meet ko na kasi yung tatlong kaibigan nya. Pero mas napalapit ako kay Greg at sa kambal nyang si Aries. Si Joseph parang naiilang pa pero ayos lang naman sa akin. " Yes! Sya yung kaibigan kong may ricemill. Pwede mo rin sa kanya ipagbili yung mga ani mong palay kung gusto mo." Sabi nya pa. " Pag-iisipan ko pa kuya, mas gusto ko kasing gawing bigas lahat." sagot ko. Nagkasundo kaming sabay na kaming uuwi sa Probinsya. Pero magka hiwalay ng sasakyan. Marami pa akong kailangang bilhin para sa mga tauhan ko sa palayan, pasalubong na rin sa mga anak nila. Hapon na ng makarating ako sa Nueva Ecija. Kahit mahaba ang byahe ay di ko alintana, mas excited akong makita ang mahal ko. Sobrang miss ko sila ng anak ko. Sabik na sabik na akong makita sila. Nakita kong pumasok na sa bahay si Mia at kitang kita ko ang pagka mangha sa kanyang mga mata. " My DREAM HOUSE." bulalas nya pa. " Yes love it's your dream house." sambit ko. Alam kong natigilan sya saglit. Nasa likuran nya ako. Kaya kailangan nya pang lumingon para lang magkita kami. " Philip????" Bakas sa maganda nyang mukha ang pagka gulat. Pero panandalian lang yun dahit napalitan agad ito ng galit, alam kong galit sya sa akin dahil inakala nyang niloko ko sya, na ang totoo naman ay hindi. Umiwas na sya ng tingin sa akin saka umalis ng walang paalam. Hindi ko na sya nahabol pa dahil sa bilis nyang maglakad. Alam ko na rin naman kung saan sA nakatuloy kaya pupuntahan ko nalang sila mamayang gabi. Ayoko rin namang lumabas dahil maraming nakiki-marites sa paligid. Bakit ba kapag nasa probinsya ay napakaraming tsismosa. Lantaran pa talaga sila kung mag kwentuhan ng buhay ng iba... Napailing nalang akong papasok sa loob ng bahay. Nakita ko pa si Mang Celso na nakayuko. Alam kong nakita nya yung pag-iwas sa akin ni Mia. Akala ko ay makakausap ko na sya pero hindi pala. Alam kong nasaktan sya kaya ganun nalang ang galit nya sa akin. Mamaya na lamang ako magpapaliwanag kapag ayos na rin ang pakiramdam nya. Sana nga lang ay kausapin nya ako mamaya kapag naroon na ako sa bahay nila Yaya Metring. " Sir si Mia po ba ang asawa mo???" tanong nya pa sa akin. " Yes po sya nga." sagot ko naman sa tanong nya. Alam kong nagulat din sya dahil akala nya ay nasa ibang bansa ang mag-ina ko. Yun pala ay yung nagkakainteres sa bahay ko pa ang matagal ko ng hinahanap. Miss na miss ko na sila ng anak namin. I miss you Mia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD