6

1398 Words
Mia POV Sobrang saya ko dahil pinirmahan na ni Akio ang annulment paper namin. Sa wakas malaya na ako sa kanya. Sa dalawang taong pagsasama namin ay di naman ako masyadong nahirapan. Naging mabuting tao naman sya sa akin. Kahit minsan ay naiinis ako kapag sinisingit nya si Philip sa usapan na kabit ko raw. Pauwi na ko sa Isla para madalaw na rin si Pritz sobrang na miss ko na ang anak ko. Balak ko na rin sya kunin kapag naging maayos na kami ni Philip. " Jeya!" tawag ko sa kaibigan ko na nag-aalaga sa anak ko. Bakas ang pagka gulat sa maamo nyang mukha. " Friend..." may pagmamadaling lapit nya sa akin. Nagyakapan pa kami saglit bago ko hinanap si Pritz. " Friend kasama sya ngayon nila tita Diana ipapasyal daw nila ang anak mo." Sabi ni Jeya. " Ah ganun ba? Si Philip nagpupunta pa rin ba sya dito?" tanong ko sa kanya. " Mula ng magising sya palagi nyang pinupuntahan si Pritz pero lately hindi na, ang sabi sa akin ni Tita busy lang daw sa work. Ang alam ko nagpuntang Canada pero kahapon lang umuwi. Nasa Condo sya ngayon." Kwento nya pa sa akin. " Jeya wag mong sasabihin sa kanya na pupunta akong Condo nya." Gusto kong i surprise si Philip sobrang miss ko na sya. Hapon na ng makarating ako sa Condo ni Philip. Alam ko naman ang password kaya di na ko nahirapan pang pumasok. Sobrang saya ko pa ng mabuksan ko ang pinto. Pero biglang naglaho ang kaninang sayang nadarama ko at napalitan ng pagkamuhi ng isa isa kong makita ang saplot ng isang babae na nagkalat sa sahig. Pinulot ko isa-isa. Mula sa dress na halos kapusin na sa tela, sa bra, at panty nya na di ko alam kung panty pa ba dahil sa nipis, kapag sinuot ko feeling ko di matatakpan ang dapat takpan. Pinagmasdan ko ang paligid marami na ang naiba. Wala na rin yung mga inilagay kong family picture namin. Nag mukhang panlalaki na base na rin sa wala ng masyadong palamuti. Mukhang dinamdam ni Philip ang mga nangyari. Ang pag-iwas ko sa kanya, siguro inisip nyang si Akio na ang gusto ko dahil na rin sa pagsama ko sa kanya ng dalawang taon. Dahil sa malalim na pag-iisip ay nakarating ako sa kwarto kung saan kami natutulog kapag narito kami. Nasasaktan ako base na rin sa ingay na nanggagaling sa loob. Unggol ng babae at lalaki na akala mo ay sarap na sarap sa ginagawa nila.... Nahihirapan man pero matiyaga pa akong naghintay. Pero di ko na rin natiis, di ko na mapigilang umiyak sa sobrang sakit. Bakit nya nagawa sa akin na pagtaksilan. Samantalang ako, dalawang taon ako naging tapat sa kanya. Kahit na nakisama ako kay Akio ay buong buo pa rin akong babalik sa kanya. Tumakbo ako palabas ng Condo... Napakasakit maloko... Philip POV Nagising ako mula sa pagka ka comatose na wala si Mia sa tabi ko. Ang sabi ni mommy kailangan nyang bumalik sa dati nyang asawa para hindi kami makulong. Nagsampa pala ang Hapon na yun ng kaso laban sa amin. Hanggang ngayon ay under investigation pa rin ang nangyari sa akin. Ang sabi ni mommy ay mukhang mahihirapan kaming makuha ang hustisya dahil malaking tao ang nasa likod nito. Nalaman nilang sinadya pero walang maturong mastermind dahil nga patay na rin yung taong bumangga sa sasakyan ko. Hindi sya namatay sa aksidente kundi pinatay sya sa mismong hospital kung saan sya dinala. Ilang buwan din akong nagpagaling. Kumuha sila daddy ng magaling na therapist para sa mabilisan kong pag galing. Nakilala ko si Monique ka klase sya nung high school ni Tryna na pinsan ko nakababatang kapatid ni kuya Tyrone. Dahil sa palagi kaming nagkikita ay naging magkaibigan na rin kami. Mabilis naman akong nakapaglakad dahil na rin sa kanya. Gustong gusto ko ng bawiin si Mia kay Akio pero di ko magawa dahil nga sa kasunduan nilang dalawa. Minsang nagkita kami sa isang restaurant ay di ko na napigilan ang sarili ko at hinabol ko si Mia, gusto ko syang makausap pero sya na rin ang kusang umiwas na ipinagtataka ko. Kinausap pa ako ng ex-husband nya na di na raw babalik sa akin si Mia kaya natakot ako. Araw-araw ko syang pinupuntahan sa kumpanyang pinapasukan nya. Kahit minsan ay di ko man lang sya nakita. Hindi ko alam kung saan sila dumadaan. Halos maghapon na ko sa paghihintay sa labas ng building pero walang Mia akong nakikita. Hindi naman ako sumuko mas na challenge pa nga ako kaya lang isang araw ay nagkaroon ng problema sa company ko sa Canada, kinailangan kong bumalik dun para ayusin na rin. Sa sobrang rami ng problema ko ay natagalan ako dun. Mabuti nalang din at napaka alaga ni Jeya sa anak namin. Minahal nya talaga si Pritz kaya napaka thankful ko na nandyan sya. Sabagay matalik rin silang magkaibigan ni Mia. " Pare narito ako sa Pilipinas ngayon baka pwede mahiram ang unit mo?" natanggap kong message ng isa sa kaibigan kong si Drake ng mag open ako ng social media ko. " Yes of course, dun ka nalang sa condo ko tumuloy. Matagal ko ng di natitirahan yun. Gusto mo dun ka na muna." pagbibigay ko ng permiso sa kanya. " Thanks pare." Narating na sya sa condo ko, binigay ko ang password at sinabing pwede nya namang palitan yun pero wag na daw. Aalisin nya nalang daw muna yung mga pictures na nilagay ni Mia dun dahil baka daw makita ng mga babae nya. Natawa naman ako sa sinabi nya. Balak ko na ring ibenta yung condo. Di ko na rin naman kailangan dahil nakapag patayo na ako ng bahay namin ni Mia. Katatapos nga lang kaya kapag na annul na sya sa lalaking yun, ay aayain ko ulit syang magpakasal. Sana lang ay pumayag sya. Gusto kong buuin ulit ang pamilya namin. Lumalaki na rin si Pritz at nagtatanong na sya kung bakit di kami magkakasama ni mommy Mia nya. At ngayon nga ay nasa Kindergarten na sya. Nakakatuwa rin dahil sobrang talino ng anak namin. Manang mana sa akin. Hahaha... ---------- " Insan nagkita kayo ni Mia????" tanong ni Jeya. Narito na ko sa Pilipinas at kasalukuyang pinapakain ng prutas si Pritz. " No! Bakit?" tipid na sagot at tanong ko sa kanya. " Last week nag punta sya sa Condo mo." Sabi nya pa. " Condo ko??? Anong ginawa nya dun? " I surprise ka nya daw. Pero after nun di pa ulit sya nag pupunta dito." " Ha????" " Akala ko talaga magkasama na kayo. Nai kwento ko pa naman kay Pritz na mabubuo na kayong pamilya." Hindi na ako nakasagot sa sinabi nya. Kaya naisipan kong tawagan si Drake. " Pare nag punta ba dyan si Mia?" tanong ko " Mia??? si Misis mo pare?? Wala naman. Bakit?" takang tanong nya sa akin. " Ang sabi kasi si Jeya nagpunta raw sya dyan." " Si Jeya my labs ba ang nagsabi???" biro nya pang tanong. Alam kong matagal nya ng gusto ang pinsan ko pero di naman sya nito magustuhan dahil nga sa pagiging babaeo nito. " But actually baka nga nagpunta sya dito. Alam nya ba yung password mo?" " Yes. Hindi mo ba pinalitan?" " Naku po,, hindi kaya sya ang nagsinop ng mga damit na nakakalat ng ka fling ko." problemadong sabi nya. " Patay pare pasensya na." hingi nya pa ng pasensya. " May ginagawa kayong milagro????" napataas na rin ang boses ko. " Yes... I'm sorr----" Hindi ko na tinapos pakinggan ang sinasabi nya. Patay na talaga nito. Baka iniisip nyang ako yung nakikipagtalik sa babaeng yun. Huwag naman sana. Tinawagan ko ulit si Jeya pero nagulat ako sa sinabi nya. Dumating daw si Mia sa Isla pero hindi rin nagtagal dahil kinuha nya lang si Pritz. Nagsabi rin sya kay Jeya na kakalimutan na ako at di na magpapakita sa akin. Hindi nya man lang ako kinausap muna para nalaman nya ang totoo. Hiningi ko yung number nya kay Jeya pero di na makontak... Tinawagan ko rin ang Lolo nya, nagbabaka sakaling naroon sila. Pero wala daw Mia at Pritz na pumunta doon. Pabalibag kong binitawan ang cellphone ko. Dahil ilang ulit kong tinawagan ang phone nya but until now not in coverage area pa rin. Mia nasaan na kayo ni Pritz???
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD