9

1370 Words
Philip POV " Hey Philip nasaan si Mia???" tanong sa akin ni kuya Tyrone matapos nyang ilapag ang dala nyang mga pagkain pang hapunan sa may dining table. "Nandun pa sila sa bahay ni Yaya Metring." Kilala ko si Yaya Metring, sya ang nag-alaga kay Mia noong bata pa sya, hanggang sa mag dalaga ay sya pa rin ang kasa kasama nito maliban sa Lolo nya. " Bakit di mo puntahan para makakain na tayo." utis nya sa akin. " Later." Sa totoo lang ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Wala akong ginawang mali sa kanya kaya wala dapat akong ikatakot. Pero dahil si Mia yun hindi ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito. " I think you need this!" Sabay abot ni kuya Tyrone ng alak. " Kaunti lang pampalakas ng loob." tawa nya pa. Kinuha ko naman yung inabot nya saka ko inisang lagok. " Sasamahan kita mamaya." alok nya pa. Tumango lang naman ako. Napagdesisyunan namin ng pinsan ko na idala nalang sa bahay nila Yaya Metring yung mga pagkain. Sa tulong na rin ng mga tauhan nya ay madali naming nalipat ang mga ito. " Naku mga sir ang raming pagkain nito." gulat na gulat na sabi ni Yaya Metring. Narito na kami sa bahay nila at buhat ko ngayon si Pritz. Na miss ko ng sobra ang anak ko. Hinihintay pa naming lumabas si Mia pero mukhang ayaw nya kaming harapin. Nauna na silang kumain. Hindi na muna ako kumain dahil gusto kong makasabay si Mia. Pero 10pm na ng gabi ay hindi pa rin sya lumabas ng kwarto. Nakatulog na rin si Pritz. Gustuhin ko mang iuwi sa bahay ko si Pritz kaya lang baka mas lalong magalit si Mia sa akin. Kaya ibinigay ko na lamang sya kay Yaya Metring at nagpaalam na kami. ---------- Mia POV " Mia pwede ba kitang makausap?" si Yaya Metring, kalalapag nya lang kay Pritz sa kama dahil nakatulog ito. " Tungkol saan po Yaya?" " Tungkol sana kay Philip." " Yaya hindi pa po ako handang makipag-usap sa kanya." " Sorry kung pinangungunahan kita. Pero gusto ko sana na magkaliwanagan kayo. Para rin sa anak mo. Alam kong masakit ang ginawa nyang panloloko pero mas maganda pa ring marinig mo yung paliwanag nya. Pinapayuhan kita anak dahil mahirap ng magsisi sa huli." ayun lang at nagpaalam ng lalabas si Yaya. Sa totoo lang ang hirap hirap sa part ko. Alam ko namang mahal ko pa rin sya pero bakit di ko kayang magtiwala sa kanya. Nasasaktan ako. Hanggang nakatulugan ko nalang. " Yaya bakit ang daming tao sa barangay hall?" usisa ko. Kauuwi ko lang din galing sa pag jo-jogging. " Meron daw anak nagbigay ng malaking pera donation para sa mga ka Baranggay natin. Eh gusto ko nga sanang pumila kaya lang ayaw ni Justin." sabay ngiti pa ni Yaya Metring sa akin. " Ah kaya pala." Nasa bakuran kami ni Pritz ng may mga kapitbahay kaming baghahanao kay Yaya Metring. " Mia nariyan ba si Metring? Pumila na kayo sa Baranggay malaking pera din ang ipinamimigay." Sabi ni Aling Rosa na ipinapaypay pa ang Tig libuhing pera. " Eh magkano po ba ang ipinamimigay? tanong ko naman. " Tig limang libong piso. Sayang din to." sagot nya pa. Kasama nya rin si Carlotte na kala mo swan ang leeg sa kakasilip. " Pssst Mia nandyan ba si Justin? Di na rin nakatiis at hinanap nya na rin ang matagal nya ng iniirog daw. Hehehe kaso sa kasamaang palad ay binasted sya. " Nasa bukid si Justin." sagot ko. Nakita ko pa ang kanyang pag-irap. " Aling Rosa halika na mamaya nalang ako pupunta at wala pa pala si Papa Justin ko.." sabay hila nya sa kamay ni Aling Rosa. " Naku Carlotte mas gwapo yung may-ari ng malaking bahay dyang sa unahan. Kung ako sayo sya nalang gustuhin mo. Tiyak magbubuhay Reyna ka." si Aling Rosa. Sino raw??? Sira ulo yun ah. "Akin lang si Philip...." " Talaga ba???" Nagulat pa ako sa nagsalita. Bakit di ko man lang napansin na nasa tabi ko na pala si Philip. Naka upo kasi ako sa papag (tawag sa kama/ higaan na gawa sa kawayan.) " Ah...eh....!" Sh*t nakakainis bakit ba nasabi yun. " For you love." Isang tangkay ng purple tulip. " Wow ha purple talaga?" " Oo naman purple tulip means eternal love." kindat nya pa. Ang gwapo talaga ni Philip sobra, kaya ang hirap hindi kiligin kapag nagiging sweet sya sa akin. " Love stop staring. Alam kong gwapo ako. " sabay tawa nya pa. Hindi ko na napigilang paluin sya sa ulo. " Ouch!!!!" hinawakan nya pa yung ulo nya. " Sorry." Oo nga pala nagkaroon sya ng damage sa ulo dahil sa car accident nya kaya sa sobrang taranta ko ay halos halikan ko na yung side ng pinalo ko. " Sorry na... Masakit pa ba??? Halika na ipagamot na natin, idala na kita sa hospital." Hindi sya umimik kaya mas lalo akong kinabahan. Tumayo na ako para sana tawagin si Yaya Metring para magpatulong na rin ng hawakan nya ang kamay ko. " I love you love." Hindi agad ako nakasagot. Bakas kasi sa mukha nya na may dinaramdam sya. Binuhat ko na si Pritz para ibigay kay Yaya Metring. Mabuti nalang din at dumating si Justin. Nagpatulong na akong isakay si Philip sa tricycle nya. Nakarating kami agad sa malapit na Hospital Pina Laboratory na rin namin sya. And thanks God kasi okay naman sya. Ang sabi ng Doctor ay may mga sitwasyon talaga na biglang sumasakit ang ulo pero sa case nya wala naman daw dapat ipag-alala. Binigyan lang din sya ng pain reliever in case na sumakit ulit. Nakiusap sya na kung pwede sa malaking bahay na kami tumuloy at pumayag naman ako. Alam kong wala rin syang kasama dun. Dumeretso muna kami sa bahay nila Yaya Metring para makapagpaalam na rin. Kumuha lang ako ng konting gamit namin ni Pritz. Pagbibigyan ko lang ang hiling ni Philip since may kasalanan rin naman ako sa nangyari. Nang makapasok na kami sa bahay ay naabutan pa namin si kuya Tyrone na nanonood ng TV. Sandali pa siyang nagulat ng makita kami. " Oh Hi Mia. Long time no see." Ngumiti naman ako. Lumapit sya sa amin, nag bless sa kanya si Pritz at akmang makiki beso sa akin ng pigilan sya ni Philip. " Grabe ang possessive mo naman. Halik sa labi lang naman. Hahaha." biro pa sa kanya ni Kuya Tyrone " Kung si Bethany kaya ang halikan ko." seryosong sabi ni Philip. Bigla rin namang nag seryoso si kuya Tyrone. " No! I mean no thanks... Sayong sayo na si Mia." sabay ngisi pa sa akin. Maloko rin talaga tong si kuya Tyrone. Pero medyo nasaktan din ako sa sinabi ni Philip. Alam ko ang nakaraan nila ni Bethany kaya nga selos na selos ako kapag magkakasama kami. Iba nya rin kasi tingnan yung asawa na ngayon ng pinsan nya. Mabuti nalang talaga at napaka bait ni Bethany wala naman akong naging problema sa kanya. Wala daw akong dapat ipagselos sa kanila ni Philip dahil kay kuya Tyrone pala sya patay na patay I mean inlove na inlove dati pa. Marami rin silang naging pagsubok sa pagmamahalan nila pero in the end happy ending pa rin sila. Sana kami rin ni Philip. May happy ending. " Love halika na!" Hila-hila ako ngayon ni Philip papuntang dinning table. Ang raming pagkain. " Bakit ang raming pagkain?" Tanong ko. Parating na sila mommy at daddy sinabi ko s kanila na natagpuan na kita, kayo ni Pritz." sabay tingin nya sa anak namin na magandang kumakain ngayon. Katabi niya si Pritz kaya sya na rin ang nag asikaso ngayon sa anak namin sa pagkain nya. " Palit tayo. Ako ng bahala kay Pritz." " Nope kumain ka na love para mabusog ka. Mahirap kumain kapag may inaasikasong bata. Ako na bahala sa anak natin." " Ikaw ang may sakit kailangan mong magpahinga." " I'm okay don't worry." Pinagmasdan ko na lamang sya kung paano nya asikasuhin si Pritz. Hindi pa sya nagpapaliwanag about sa nangyari sa condo nya pero ngayon palang wala na akong makapang galit sa puso ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD