3

1502 Words
Mia POV Nasa isang resort kami dito sa Pilipinas para mag bakasyon. 2 taon na rin mula ng i-kasal kami ni Philip. Kahit sobrang busy nya sa trabaho dahil sa sarili nyang kumpanya ay di pa rin sya nawalan ng oras sa amin ng anak namin. Napaka buti nyang asawa at ama. " Pritz Andrew dito ka lang." tawag ko sa anak namin. Sa edad na dalawang taon ay masasabi kong high IQ ang anak namin. Naiintindihan nya na ako at nakaka pag salita na rin sya ng tuwid. " Mama I want that!" sabay turo sa balloon na may dinosaur na naka drawing, may nagtitinda kasi ng iba't ibang lobo dito sa labas ng hotel. Binilihan ko naman sya kaya tuwang-tuwa, nag thank you sya sa akin saka nya nilaro ang lobo. Habang naglalakad kami ay na salubong ko si Troy bigla akong kinabahan. Anong ginagawa nya dito??? Si Troy ay isang yakusa. Nakilala ko na sya dati dahil sa dati kong asawa, kaibigan kasi nya nito. Hinawakan kong mabuti ang kamay ni Pritz dahil kailangan naming umiwas. Tumalikod na ako. Pa hakbang palang ako ng biglang may pumalakpak sa aking likuran. Napalingon ako ng nagsalita ito. " Oh you are here Miss Mia!!! The missing wife of Akio." Sabi ni Troy na nakangisi. Si Akio ang ex husband ko. 5 years lang naman ang tanda nya sa akin. Gwapo sya matangkad at anak mayaman. Sabi nga ng daddy ko ay perfect husband sya pero di ko sya kayang mahalin. Dahilan para hindi ko sya ma bigyan ng anak, di ako pumayag na mangyari sa amin kaya nam babae sya. Ang worst pa ay ibinahay nya ang babae na isa ring Pilipina. Kaya naman nag file ako ng annulment para tuluyan na nga kaming mag hiwalay. " Excuse me, we are already separated. I'm not his wife now. I'm his ex-wife." sagot ko sa kanya. Mali ang naging desisyon ko na kinausap ko pa sya. Narinig tuloy ni Pritz na may una akong naging asawa. " Oh really??? But your annulment are not granted. Honestly he looking for you. Ahm I think he needs to know that I see you here." sabay dial nya ng phone. " Please wag!!!!" pag mamakaawa ko sa kanya. Ngumiti naman sya ng nakakaloko. ------------ " Love okay lang ba kung umuwi na tayo bukas sa Canada?" " Bakit may problema ba? Ang sabi mo sa akin next month pa tayo uuwi dahil pa-pasyal pa tayo sa Lolo mo? Bakit biglang nag bago ang isip mo?" tanong sa akin ni Philip. Ako kasi ang pumilit sa kanyang mag bakasyon dito sa Pilipinas. Kahit sobrang busy nya sa company nya ay mas pinili nyang samahan kami ni Pritz dito. Hindi ako kumibo bagkus ay niyakap ko sya ng mahigpit. Nakahiga na kasi kami sa kama para matulog na. " Love kung yan ang gusto mo, sige babalik na tayo sa Canada bukas." Sabay halik nya sa aking labi. Ang bilis nya talagang kausapin. Lahat ng request ko sa kanya binigay agad. Wala man lang syang tinanggihan. Tumayo ako para silipin si Pritz sa kabilang kama. Safe naman ito kahit mag isa dahil nag provide pa si Philip ng higaan para sa anak namin na malaking crib. Kasya pa ako sa laki nito. ------------ Nagising akong wala na sa tabi ko si Philip. First time na nangyari to. Tiningnan ko ang time sa phone ko 6:00 am???? Ang aga pa. Nakakapagtaka talaga. Pinuntahan ko naman sa kabilang kama si Pritz, mahimbing pang natutulog ang anak ko. Nagpunta akong banyo para maligo, pagkabihis ko ay balak kong tawagan si Philip para sabay na kaming mag-almusal. Bago ko pa i-dial ay biglang may tumawag... May tumatawag sa phone ko Unknown number... Sinagot ko naman agad. " Hello!!!" " Hello po. Kayo po ba si Mia Khazie Villaluz???" tanong sa akin ng lalaking nasa kabilang linya. " Yes po! Sino po sila?" tanong ko " Miss narito po kami sa hospital ngayon ng asawa ko. Isinugod po namin si Mr. Philip Villaluz dito, calling card mo kasi yung na kalagay sa wallet nya, di naman namin ma buksan yung telepono nya may password, kung maaari po sana ay pumunta ka na dito." nag-aalalang tinig ng lalaki. " Saang hospital po?." Dali-dali akong nagbihis, halo-halong kaba at takot Ang nararamdaman ko sa ngayon. Wala akong pag iiwanan kay Pritz kaya isasama ko na sya, hindi ko na mahintay pa ang parents ni Philip kahit malapit lang naman sila. Tatawag nalang ko sa kanila pero sa hospital ko na sila pa pupuntahin. Nakarating kami sa hospital na sinabi ng lalaki. Nagtanong ako sa information at sinabi ngang nasa Operating room pa ang asawa ko. Nanghihina akong umupo sa waiting area ng dumating sila Mommy Diana. Tinanong nila sa akin kung anong nangyari at ano nang kondisyon ni Philip. Sa totoo lang wala pa akong balita. Hindi pa rin kasi lumalabas ang Doctor na nag opera sa kanya. Ang kwento nila sa akin ay may bumangga sa sinasakyang kotse ni Philip sa likuran, mabilis ang pag papa takbo ng truck kaya naman nakaladkad ang kotse ni Philip at bumangga naman ito sa isang poste. Sinadya man o hindi ay ina-alam pa ng mga pulis na nag imbestiga. " Iha nasaan si Pritz?" tanong sa akin ng mommy ni Philip. " Mommy ikaw na po muna bahala dito pupuntahan ko lang po sa labas. Hindi kasi pumayag ang hospital na papasukin sya kanina kaya iniwan ko kasama ng asawa ng nagdala dito kay Philip.." Paalam ko naman sa kanya. Pinagsabihan ako ng guard dito sa hospital na bawal ang bata sa loob kaya naman nakiusap ako sa asawang babae na nag dala dito sa hospital na bantayan muna si Pritz. Nakita ko naman agad ang matanda. Pero mukhang di mapalagay. " Aling Edna nasaan po ang anak ko?" tanong ko sa matanda. Nakita ko ang pagka balisa sa mukha nya. " Ineng kinuha ng lalaki. Asawa mo daw sya, nag dalawang isip nga akong ibigay dahil nga sabi mo kanina ang asawa mo ay yung itinakbo namin dito sa hospital pero nag pakita sya ng picture nyong dalawa. Nung kinasal kayo." Gusto kong magalit sa kanya pero di ko ma gawa dahil dama ko rin ang takot s kanyang mga mata Umiyak nalang ako sa sobrang sakit at kabang nararamdaman ko. " Ang anak ko...." Mukhang alam na ni Akio kung nasaan ako.. Bakit nya pa ako ginugulo? Matagal na kaming wala. May sarili na rin syang pamilya. Gulong-gulo ang isip ko ng bumalik sa kinaroroonan ni mommy Diana. " Bakit ka umiiyak iha?" " Mommy si Pritz po may kumuha sa kanya." Iyak ko pang sabi. Niyakap nya naman ako. Nang kumalma na ako ay nag dial sya sa kanyang phone. " Find him!" rinig kong sabi nya. Mukhang mga tauhan nila ang tinawagan ni mommy. Mabuti nalang at may karamay ako ngayon. Hindi ko man naranasang makasama ng matagal ang tunay kong Ina. Kay mommy Diana ko naman naramdaman ito kahit mother in law ko lang sya. ------------ Lumabas na ang doctor na nag asikaso kay Philip. Ligtas na sya sa ngayon pero unconscious dahil na rin daw sa severe injury na natamo nya. " Comatose????" Inilipat na rin sya sa private room dito rin sa hospital. Mabuti nalang at kaibigan pala ni kuya Tyrone na pinsan ni Philip ang nag ma-may-ari nitong hospital kaya magagaling na doctor na rin ang naka talaga sa kanya. ---------- Ilang araw pa ang lumipas pero wala pa rin akong balita kay Pritz, hindi ako nakakatulog ng maayos, sa tuwing pipikit ako ay si Pritz at Philip ang nakikita ko. Feeling ko malapit na akong mabaliw... Dumaan pa ang buwan, hindi pa rin gumigising si Philip. Si daddy Garry na ang nag asikaso sa company ni Philip habang tulog pa siya. Nag desisyon sila mommy Diana na s mansyon nalang nila ilipat si Philip, nag hire rin sila ng private nurse para mag assist sa akin. Gusto ko kasing ako pa rin ang mag asikaso sa kanya. Sinabi ko na rin sa mga pulis na may suspect ako sa pagkawala sa anak ko kaya naman mabilis na natunton nila si Akio pero wala sa kanya si Pritz kaya sobrang nadismaya ako. Nalaman ko ring kasal pa ako sa kanya... Dahil na rin sa angking galing ni Captain Yessa at ng mga kasama nya ay naibalik at nahanap nila si Pritz. Kaya sobrang tuwa ko ng sabihin nilang nasa presinto na ang anak ko. Pag ka kita ko sa kanya ay niyakap ko sya ng mahigpit , mukhang hindi naman sya minaltrato dahil sa masiglang pangangatawan nya. Sobrang na miss ko ang anak ko. Nagkita pa kami sa presinto ni Akio ng sunduin ko si Pritz. Naroon daw sya para mag sampa ng kaso laban sa amin ni Philip dahil sa pagpapakasal ko sa iba at pagkakaroon pa ng anak. Hindi pa nga gumigising si Philip pero panibagong problema na naman ang kakaharapin kong mag isa...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD