2

1182 Words
Mia POV " Apo may problema ba? Ilang beses na kitang nakikitang nag susuka may sakit ka ba?" Tanong ni Lolo sa akin. 3 months pregnant na ako at di ko na kayang ilihim pa sa aking Lolo na buntis ako at si Philip ang ama. Nang malaman nya ang lahat ay pinilit nya akong ipaalam ko na daw kay Philip ang kalagayan ko. Hindi na rin naman lingid sa kaalam kong malapit na silang mag pakasal ng fiance nya. Tuwang-tuwa pa si Lolo ng malaman na apo ng matalik nyang kaibigan ang naka buntis sa akin. Kaya naman sa sobrang excited ng Lolo ko ay kinausap nya ang Lolo nila Philip sa nangyari. Ilang buwan pa ang lumipas. Wala namang tutol sa kanila. Pero si Philip pa rin naman daw ang mag de-desisyon. Nalaman ko ring mas gusto ng pamilya nila na kay kuya Tyrone maikasal ang fiance ni Philip medyo ma gulo pero kung sakali mang mangyari yun ay ma papa sa akin naman ang mahal ko. Kararating ko lang ngayon sa mansyon nila Philip sa Tagaytay. Sobrang busy nila. Sabagay ilang week nalang kasal na ni Philip, Kaisa isa kasing anak kaya naman sobrang pinaghahandaan. Engrande ang gagawing kasal nila. "Hi tita Diana!!!" bati ko sa mama ni Philip ka darating ko lang pero sya ang una kong nakita. "Oh Mia iha, how are you?"I'm glad na ka pasyal ka dito. Sabi ng mommy ni Philip sa akin. "Yes po, saan po si Philip?" tanong ko sa kanya. " You mean hindi nya alam na nandito ka? takang tanong ni tita Diana sa akin. "Surprise po tita." sabi ko nalang "Come here iha, oh wait Bethany come here anak!" Di ko na pansin na may ibang tao pala dito sa sala. Sobrang ganda nya kaya pala gustong gusto syang pakasalan ni Philip. Mukha rin naman syang mabait kaya nginitian ko sya. Nginitian nya rin naman ako pabalik. Lumapit sya sa amin, pinakilala sya ni tita Diana bilang mapapangasawa ni Philip sa akin. Hindi ko napigilang malungkot. Paano na tong magiging anak namin ni Philip kung sakali. "So totoo palang ikakasal na po sya? tanong ko kay tita Diana "Yes iha, nextweek na. Tamang tama rin ang dating mo dahil makaka attend ka. Alam ko iha na nag hiwalay na kayo ng husband mo? Nag kabalikan ba ulit kayo?" tanong pa sa akin ni Tita sabay namang nag paalam naman si Bethany na pupuntang kwarto nya kaya di ko na na sagot pa ang tanong sa akin ni Tita. Inaya na rin ako ni Tita na kumain. Nag kwentuhan pa kami bago dumating si Philip. Nagulat sya sa itsura ko. Well na kaka gulat naman talaga, kasi yung last na nagkita kami eh sobrang sexy ko pa. Eh ngayon halata na ang baby bump ko at sobrang laki pa. " Pwede ba tayong mag usap? Tanong ko sa kanya. " Hinawakan nya ang kamay ko at hinila pa punta ng garden nila. Doon na kami nag-usap. "Mia I'm very sorry, mali ang nangyari sa atin non. Kung totoong akin yan, sige pananagutan ko ang bata pero di ko kayang iwan si Bethany lalo na't mag papa kasal na kami ngayon. "I love you Philip!" sabay yakap ko sa kanyang likuran. "Mia please mahal na mahal ko si Bethany." sabi pa Philip. Sobrang sakit marinig pero wala akong choice kundi ang umiyak ng umiyak. Iniwan nya rin ako sa garden ng mapansin nyang may nakikinig sa amin. Nakita ko pa si Bethany na tumalikod at pa takbo na umalis. Sinundan sya ni Philip. Ilang araw pa bago ang kasal. Ni hindi ako ma tingnan sa mata ni Philip. Lagi rin syang nakatabi kay Bethany na akala mo naman ay mawawala kapag lumayo sya. Hindi na muna ako umalis dahil na rin sa request ni tita Diana na umattend ako sa kasal ng childhood friend ko. Di ko nga alam kung paano ko natatagalan tong sakit at sama ng loob ko sa tuwing nakikita ko silang magkasama at masayang nag-uusap. Kinabukasan na ang kasal nila at ayon nga sa tradisyon, kailangan daw na mag layo muna sila bago ang kasal. Nakita ko kung paano naging malungkot si Philip, sobra na talaga ang pagmamahal nya kay Bethany. Bago ang kasal nila Philip kinabukasan ay kinausap ko na sya. Hindi ko na kaya na mag pakasal sya sa iba. Nakiusap ako na hiwalayan nya na si Bethany at wag ng ituloy ang kasal nila dahil nga sa magiging anak namin na nasa ika-pitong buwan na. Hindi nya ako inintindi bagkus ay binalewala nya ang mga sinabi ko. At iniwan nya ako. Umiyak ako ng umiyak. Hanggang sa hindi ko na kaya ang sakit ng aking tiyan kaya sumigaw ako, tinawag ko ang pangalan ni Philip. Mabuti nalang at nandun si Manang tinulungan nya akong iupo sa sofa bago sya dali-daling pumunta sa kwarto ni Philip. Hindi ko inaasahang dudugoin ako, gusto pa ako ni manang na ipatakbo na sa hospital pero tumanggi ako. Ayaw kong mag padala sa hospital kung hindi lang din naman si Philip ang mag dadala sa akin dun.. Dali-dali namang pumunta sa kinaroroonan ko sila Philip, bakas pa sa kanya ang pag-aalala na syang kinatuwa ko ng lihim. Pero bago pa sya makalapit ay sinuntok sya ni Tito na sobrang kina bigla ko kaya naman hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari. Nawalan na ako ng malay!!! Nagising ako na nasa private room, tiyak kong nasa hospital ako. Agad kong kinapa ang tiyan ko. Halos lumuha ako ng makita ko ang impis ng tiyan ko. Oh Lord what happened. Nasaan na ang anak ko. Hindi pa sya pwedeng lumabas. Kulang pa sya sa buwan. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Wala akong kasama dito sa room kaya naman pinilit kong bumangon. Pero mali ang ginawa ko dahil nakaramdam ako ng sakit sa gawing tiyan ko. " Arayyyyy!!!" Daing ko. Agad namang bumukas ang pinto at nakita ko si Philip na sobrang saya. "Hey Mia wag kang gumalaw galaw baka bumuka yang sugat mo." nag-aalalang sabi pa ni Philip sa akin. " What happened??? Tanong ko sa kanya. "Naipanganak mo na ang anak natin at dahil nawalan ka ng malay kaya "CS" ang ginawa sayo." sabay hawak nya pa sa kanang kamay ko. " Saan ang baby natin???" tanong ko sa kanya. " Nasa NICU dahil pre-mature sya kaya kailangan nya muna doon para sa mabilis nyang pag galing." Sabi nya pa. " Napa cute nya. Hindi maipagkakailang sa akin sya nanggaling. Isa syang baby boy." kwento nya pa sa akin. Sobrang tuwa ko dahil tanggap nya ang anak namin. Nalaman ko rin sa kanya na hindi na matutuloy ang kasal nila ni Bethany bagkus ay kami na ang ikakasal. Postponed lang ng ilang Linggo dahil nga gusto nila ay magaling na rin si baby at naka labas na kami pareho sa hospital bago kami mag pakasal. Masaya rin akong malaman na nag punta pala sa hospital ang mga magulang ko. Heto na ang umpisa ng tunay kong kaligayahan. Mahal na mahal talaga kita Philip!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD