4

1075 Words
Mia POV Mag 1 year na! Pero hindi pa rin nagising si Philip. " Love please gumising ka na. 1 year na masyado ng matagal ang tulog mo. Please tulungan mo ako." Di ko mapigilan ang luha ko na naman. Katatapos lang ng hearing, tinuloy ni Akio ang kaso sa amin ni Philip at base na rin sa Attorney na may hawak sa kaso namin ay matatalo kami. Maki pag settle nalang daw ako dahil hindi naman daw kami legally separated. Hindi pinirmahan ni Akio ang annulment paper. Mukhang makukulong pa kami. Kailangan kong makausap si Akio. Inilayo muna nila si Pritz sa akin, mahirap man pero yun kasi ang makaka buti sa anak ko, dinala sya sa Isla ng Lolo ni Philip. Baka daw madamay ang anak ko sa nangyayari ngayon. Panatag na rin naman ako dahil pumupunta rin ang aking Lolo doon. Si Jeya ang nag-aalaga sa anak ko.. Isa sya sa triplets na pinsan ni Philip. Best friend ko sya kaya malaki ang tiwala ko sa kanya. ---------- " Akio bakit ka ba bumalik?. Tapos na tayo!" Pinuntahan ko sya dito sa Opisina nya. Meron kasi syang tinayong business dito sa Pilipinas. Mabilis lang naman akong nakapasok dahil na rin sa malaking wedding picture na nakalagay sa wall ng building nya. Saglit pa akong natigilan dahil talagang binabandera nya pang kasal kami. Kilala ako bilang asawa nya ng lahat ng tauhan at empleyado nya. " No Wifey. Hindi ganun ka dali na iwan mo ako." sagot nya sa akin na hindi man lang ako magawang tingnan dahil sa busy sya sa ginagawa nya sa laptop. Magaling syang mag tagalog at English dahil dito rin naman sya lumaki kahit na pure Japanese sya... Matalino sya kaya mabilis na lang din syang matuto sa lahat. Pinag masdan ko sya. Walang nag bago 7 taon na rin ang lumipas, 4 taon kaming magkasama pero never ko syang natutuhang mahalin. Nag tapat sya ng pag-ibig sa akin pero tinapat ko rin syang wala akong nararamdaman sa kanya. Kaya nya naman daw maghintay pero hindi ko kayang ibigay ang gusto nya. Kaya di na rin ako nag taka ng may inuwi syang babae sa bahay namin , hindi ako nasaktan dahil may iba sya pero na galit ako dahil itinira nya pa ang babae nya sa bahay. Hiwalay naman kami ng silid kaya may freedom silang mag sama sa isang silid. Tumagal pa ng ilang buwan bago ako nag file ng annulment. Inisip kong malaki ang chance na mapawalang bisa agad ang kasal namin dahil nga may ebidensya akong may babae sya. Masaya ako dahil makakalaya na ako. Umalis ako ng Japan para maasikaso ang annulment namin dito sa Pilipinas. Naiinis ako dahil dito pa kami sa Pilipinas nag pakasal kaya ang hirap makipaghiwalay agad-agad. Wala rin naman akong balak mag asawa pero ng magkita ulit kami ni Philip di ko maiwasang mahalin sya ulit. " Mas gwapo naman ako sa lalaki mo!" seryosong saad nya kaya naman napa ngiti ako. Talagang nasabi nya pa sa akin yun. Napailing nalang ako sa sinabi nya. " Nasaan si Caila?" Natahimik sya sa tanong ko. Si Caila ang babaeng itinira nya sa bahay namin sa Japan. " Don't mention her name." malamig na sagot nya. " Bakit? Ikaw ang unang nambabae kaya sana pumirma ka na sa annulment natin noon." inis na sabi ko. Habang tumatagal mas nahihirapan akong kumbinsihin sya na itigil na ang kaso. " She's not my other woman." " Talaga lang ha??? Nakita ko kayong naghahalikan... Ano yun naglalaro kayo??? Magkasama kayo sa isang silid anong ginagawa nyo natutulog lang? My God Akio comatose ngayon si Philip, please lang tigilan mo na ito. Nahihirapan na ako. " Philip ha???? So yung nag ma-may-ari sa puso mo, sya pa rin pala. " Naikwento ko kasi dati sa kanya si Philip. Sinabi nya pang gagawin nya ang lahat para lang makalimot at ma ibaling sa kanya ang pag mamahal ko. Naging mabuting tao naman sya sa akin, sweet, funny, gentleman. Pero kahit ganun di ko sya minahal. "Mamamatay rin sya. Kaya ihanda mo na ang sarili mong bumalik sa akin. Watashi wa mada anata no tsumadesu (asawa pa rin kita) " Tumayo sya saka ako iniwan sa Opisina nya. Ang sama ng loob ko. Wala akong na pala sa pag punta ko sa Opisina nya. Nasaan na ba si Caila, bakit ba bigla nalang nawala yung babaeng yun. ---------- Palabas na ako ng kumpanya nya ng maka salubong ko si Troy sa elevator. Akala ko ay lalabas sya pero nanatili syang nasa loob. " Heyyyy!!! Pretty!!! Kamusta ang other man mo patay na ba????" sabay tawa nya pa. Sa inis ko ay sinipa ko sya sa kanyang p*********i. " Bwisit ka!!! Mapatunayan ko lang na may kinalaman kayo sa aksidente ni Philip ipapakulong ko kayo." sigaw ko pa sa kanya. " F*ck you! Kung hindi ka lang kinababaliwan ni Akio ako na mismo ang maghahatid sayo sa impyerno. Sisiguraduhin kong pagsasawaan muna kita." galit na sabi nya. Nang susugurin nya ako ay sabay namang pag bukas ng pinto ng elevator kaya nakalabas agad ako. Nanatili naman syang nasa loob alam kong nasaktan ko sya. Wala naman akong balak na saktan sya noong una dii ko lang matanggap ang sinabi nya kaya ko nagawa iyon. Hindi ko kakayaning mawala sa akin si Philip. Masyado ko syang mahal mababaliw ako. Nakauwi ako sa Mansion at deretso sa silid ni Philip... " Love please gumising ka na. Hindi ko na kaya. Natatakot ako sa mga mangyayari pa." alam kong naririnig nya ako. Kaya palagi ko syang kinakausap. " Iha pwede ba kitang makausap?..." si mommy Diana. " Yes po mommy, tungkol saan?" " Alam naming hindi mo mahal ang ex-husband mo. Pero kailangan mong tapusin ang lahat sa inyo. Walang bisa ang kasal nyo ni Philip dahil kasal ka pa. Please Mia kung sakaling magising si Philip ayokong makulong sya. Nag-iisang anak lang namin sya at ayokong mapahamak sya ulit." " Hindi ko po maintindihan." " Di ba ang gusto ni Akio ay sumama ka muna sa kanya. At ibibigay nya ang kalayaan nagusto mo after 2 years?" si mommy Diana Yun kasi ang gusto ni Akio at hindi nya na itutuloy ang kaso. Pero kung sumama ako, paano si Philip at si Pritz???? " Paano po si Philip? Sinong mag-aalaga sa kanya??? Si Pritz po????" Di ko na mapigilang umiyak. Humagulgol ako sa iyak. Ang tagal ng dalawang taon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD