10

1142 Words
Mia POV Ipinagtapat na sa akin ni Philip na hindi na pala sya ang gumagamit ng condo nyang yun kundi ang isa sa kanyang kaibigan. Pinakausap nya pa sa akin si Drake para kumpirmahin na sya nga ang nadatnan ko nung time na yun. Bigla akong na hiya kay Philip dahil sobra akong nagalit noon sa kanya at hindi na hinintay pa ang paliwanag nya. Nakuha ko pang mag tago at ilayo sa kanya ang anak namin. Ngayong alam ko na ang lahat ay sinisiguro kong wala ng makakapaghiwalay sa amin kahit pa ano mang problema pa yang dumating sa amin. ----------- Sumama na kami sa Manila kay Philip. May sarili rin naman kaming bahay dun. Ilang buwan na rin ang lumipas at masasabi kong napaka saya ko. Buo na naman kami ang pamilya namin. Walang nagbago kay Philip ang pagiging maalagain at mapagmahal nya sa amin ang dahilan kung bakit sobra akong nag papasalamat na magkasama na ulit kami. Sobrang saya ko. ------------- " Love wala na si Daddy..." hagulgol na sabi ni Philip sa akin first time ko syang nakitang ganito kalungkot at iyak ng iyak. Sabagay alam ko naman dati pa ay daddy's boy sya. At dahil sa nag-iisang anak lang sya ay sa kanya maiiwan lahat ng negosyo nila. Dinamayan ko sya sa kanyang pighati. Masakit mawalan ng mahal sa buhay. Lalo na kung isa ito sa malapit na tao sayo. Katatapos lang ng libing ng kanyang ama ay ang mommy niya naman ang pumanaw. Inatake sa puso ang mommy dahil na rin siguro sa hindi nya matanggap ang pagkamatay ni daddy. " Love mag pahinga ka naman please." paki-usap ko kay Philip. Hindi na kasi sya nagpapahinga, wala na syang matinong tulog. Di ko na sya makausap ng matino. Lagi syang nakatulala. Napabayaan nya na rin ang kanyang sarili pati ang mga negosyo nila. Mabuti nalang din at nariyan sila kuya Tyrone at siya muna ang namahala. Hindi ako magaling sa larangang yun kaya di ko sila matulungan. Hanggang sa isang araw ay nasunog ang isa sa pinakamalaki nyang negosyo. Sabay sabay ang problemang dumating sa amin.. Pagsubok na hindi ko rin alam kung bakit sabay sabay namang dumating. " Dahil sayo Mia nawala ang mahahalagang tao sa buhay ko." sigaw nya sa akin. Lasing na lasing sya. Sa tuwing lasing sya ay nakukuha nya akong kausapin at isisi sa akin ang lahat ng nangyari sa buhay nya, pero kapag hindi na sya lasing ay iniiwasan nya ako kaya hindi na rin kami nakapag-usap ulit. Hindi ko alam bakit sa akin nya lahat sinisisi ang mga nangyari. Naging malamig na rin sya sa pagsasama namin. Hindi naman nagbago ang pakikitungo nya sa anak namin, pero sa akin??? Bakit ganun???? " Love pwede ba tayong mag-usap. Isang taon na ang lumipas pero parang di mo ako nakikita.?" " Kung sawa ka na sa buhay na ganito. Then leave. Iwan mo na ako." saka sya tumalikod sa akin at umalis. Laging ganito. Di nya man lang ako kinakausap ng matagal. Hindi ko na pinigilang umiyak. Hirap na hirap na akong intindihin sya. Siguro nga nawala na ang pagmamahal nya sa akin. Akala ko tuloy tuloy na ang kasiyahang nadarama ko nung sumama ulit kami sa kanya pero dahil sa mga pagsubok na dumating kaya bilis rin namang nawala. Ilang buwan pa ang dumaan. Pero ganun pa rin sya, di nya pa rin ako kinakausap. Siguro mas magandang bigyan ko sya ng space. Mukhang nahihirapan rin syang lagi akong nakikita. Kaya pinili kong umalis sa poder nya. Sinama ko rin si Pritz. Narito kami ngayon sa Isla ni Lolo, limang buwan na pero wala akong Philip na nakita, kahit para sa anak nalang sana namin pero wala. Never nya akong tinext o kinamusta man lamang. Siguro nga hindi nya na ako mahal. Pero ako??? Heto at mahal na mahal ko pa rin sya. Naisipan kong bumalik sa bahay kung nasaan si Philip. Sobrang gulo ng bahay, wala sya sa garden, kusina, sala, wala sa kwarto... Palabas na ako ng kwarto ng may marinig akong lagaslas ng tubig na nanggagaling sa loob ng banyo. Alam kong nasa loob sya kaya naman matiyaga akong naghintay. Nagulat ako na isang babae ang lumabas sa banyo. " Who are you???" tanong nya. Alam kong nabigla rin sya ng makita akong nakaupo sa kama. Hindi pa ako nakakasagot ng lumabas din sa pinto ng banyo si Philip. "Ba-be!" nautal nya pang tawag sa babae ng makita ako. Pero bakas sa mga mata nya na hindi nya ako gustong makita. Pinilit kong wag maiyak. Kailangan kong magpakatatag. Siguro may dahilan kung bakit nya nagawa ito.Kaya kahit nahihirapan ako ay kakayanin kong pakinggan sya sa pagkakataong ito. " I'm sorry! Naka istorbo ata ako sa inyo. Sa labas nalang kita kakausapin." Tumayo na ako at hindi na hinintay pa ang sasabihin nya. Lumabas na ako ng kwartong yun. Ilang minuto lang ay nakita ko na syang lumabas at naka bihis na. " Anong dahilan at naparito ka???" Pilit kong pinipigilang umiyak dahil ayokong ipakita sa kanya na mahina ako. " Hindi mo na ba ako ma-hal?" Halos di ko na marinig ang sarili ko dahil sobra na akong nasasaktan. " If you are here para itanong yan. Then I'll answer you directly. I'm not happy with you. I hate you. Mahal??? Hindi na kita mahal." Doon na nagbagsakan ang mga luha ko. Hindi ko talaga inaasahang ganito sya kagalit sa akin. Ano bang ginawa ko na nakasakit sa kanya. Ang hirap nyang intindihin. "Pa-ano si Pritz.?" " I'll support him. Don't worry ako ng bahala sa future ni Pritz. Inabot nya sa akin ang passbook kung saan nakapangalan ito kay Pritz. Nalula pa ako sa laki ng laman " 50,000,000????" " So ibig sabihin ba nito ay wala na tayo?" Hindi na ako magmamakaawa pa sa kanya. Ayoko na ring umasa pa sa kanya. Gusto ko lang marinig sa kanya na ayaw nya na sa akin. " Yes! We are not married so I think ayos lang naman na mag-asawa ako ng iba." Parang sinasaksak ako sa mga katagang narinig ko mula sa kanya. " Okay!!" Halos di ko malunok Ang sarili Kong laway sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Kung sakaling panaginip lang to Lord please gisingin mo na ako. Pero ito ang katotohanan na ang hirap tanggapin.... "So ito na pala ang huling pagkikita natin. Thanks for loving me. Sa sandaling nakasama kita ay naging masaya naman ako. I love you. And kung saan ka sasaya ay tatanggapin ko kahit ang magkalayo na tayo. This is the last time na kilala pa kita. If ever mang magkita tayo ulit na sana ay wag na ay sana ay nakalimutan na natin ang isa't isa." Yun lang at umalis na ako, di ko na kayang makasama pa sya. Feeling ko ang hina hina ko. Ang sakit sakit...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD