17

1365 Words
Mia POV "Mia bakit hindi mo palabasin si Philip...." ngisi pang tanong sa akin ni Justin. " Ha?????" " Ayun!!!!" tinuro ng nguso nya yung pinto kung saan natutulog si Jeya. " Tito Justin wag mo pong halikan si mommy." nakatabi kasi si Pritz sa kanya. " Hehe hindi ko sya hahalikan. Tinuturo ko lang kung nasaan si daddy mo." tawa nya pang sagot kay Pritz. " You saw daddy??? Hindi talaga marunong mag tago." nagkatinginan kami ni Justin. Saka sabay kaming tumawa sa sinabi ni Pritz. " Hahahahaha!" " Kailan pa ba nandyan ang daddy mo?" tanong ulit ni Justin. " 1 week na po." magalang na sagot ni Pritz sa kanya. Balak kong puntahan mamaya dahil hindi pa sya nag bre-breakfast. Pabababain ko nalang para makakain na rin. Tapos na kaming mag-almusal nila Justin at Pritz ng dumating si Jeya. Nagulat pa sya ng makita si Justin. Binati nya ako ng happy birthday saka nya iniiabot yung hawak nyang gift sa akin. Nagluto ulit ako ng ulam para kay Jeya at para kay Philip na rin. Fried egg, dried fish, at saka corn soup. Kailangan nyang kumain ng kanin para lumakas sya. Hihihi. Natawa nalang ako sa naiisip ko. " Jeya dito ka muna pupuntahan ko lang si Philip." Paalam ko sa kanya. " Sige!" sabay irap kay Justin. Nakita ko namang nakatingin sa kanya si Justin at naka ngisi. Natatawa ako sa dalawang ito. Pareho namang may feelings sa isa't isa pero ayaw aminin. Natatandaan ko pa nung nasa probinsya kami ng Nueva Ecija, dumalaw si Jeya sa akin. Unang kita nya palang kay Justin inamin nyang may gusto sya dito pero ngayong nasa Iloilo na kami parang inis na inis naman sya. Hindi ko alam sa dalawang ito bakit ayaw pang aminin na may gusto sila sa isa't isa.... Pumunta na ako sa kwarto kung nasaan ang kwarto ni Jeya. Kumatok ako pero hindi nag bukas. Kinatok ko ulit.... Ilang beses kong inulit hanggang sa bumukas. "Love??????" Alam kong nagulat sya dahil ako ang nakita nya na nasa harapan nya ngayon. Hindi ako sumagot, pinagmasdan ko lang sya, naka white t-shirt siya na may nakasulat na quotes? Love quites ata.... Binasa ko pa,,, My heart skips a beat every time you're around, hihi ang sweet kung para sa akin yung nakasulat... Naka cargo short din sya at naka tsinelas. Hahaha bagay talagavsa kanya ang simpleng kasuotan lang. Mas lalo syang gwumapo sa paningin ko. Hindi ko na napigilan, kaya nga niyakap ko sya ng mahigpit. Mahal na mahal ko talaga sya. Miss na miss ko ng makasama sya ... Niyakap nya rin ako pabalik. Inilayo nya ang sarili nya sa akin at hinalikan ako sa labi ng mapusok.. Gumanti rin ako.... "Ehhhheeemmmm..... ehhhhheeeemmmm ... Pwede po ba mamaya na yang papakan na yan... Nagugutom na po ako...." nahinto kami sa halikan. Si Jeya pala ang nagsalita at ngayon nga ay nakatalikod na sa amin. "Bumaba na kayo love birds kapag tapos na kayo." Saka sya nagpaalam. Nakakahiya talaga. Kaya yumuko na lang ako. " Love mas masarap kang almusalin." nanlaki ang mata ko ng bigla nyang nilock nng pinto. OMG we made love kahit alam naming may mga naghihintay sa labas. First time kong naranasan ang mabilisan lang pero hindi bitin.. Hahaha.... Wala akong handa maliban sa cake na dala ni Justin pero ng mag hahapon na ay may mga nagsidatingan. Pamilya ni kuya Tyrone, si Bethany at yung mga anak nila. May mga dalang pagkain. Dumating din sila Marius at Althea, nakilala ko sila sa Nueva Ecija nung minsang umani si Justin, doon kasi dinala yung kalahati ng inaning palay nya. Narito rin sila Captain Yessa ang may hawak daw ng kaso ni daddy ni Philip at asawa nyang si Greg na kaibigan rin pala nila kuya Tyrone. Narito rin si Yaya Metring kaya naman may nag babantay kay Pritz ngayon at sa mga anak nila kuya Tyrone. Naroon sila ngayon sa kwarto ni Pritz. Nagkayayaang uminom. Maraming biniling beer ang mga tauhan ni kuya Tyrone. Nakakatuwa kasi sa maikling panahon ay naging kaibigan ko na rin sila. " Philip wala ka bang speaker magkaraoke tayo." Aya ni Marius. Narinig kong humagikgik si Althea sabay sabi " Wow ha mukhang kakanta ang asawa ko." " No babe, si Philip ang pakakantahin natin." sagot nya sabay tingin kay Philip. Nasa tabi ko lang kasi sya kaya nakita ko ang pag ngiti niya. " Totoo ba love marunong kang kumanta????" kahit magkababata kami never kong narinig ang boses nya. Siguro dahil mahiyain pa sya nun. Ngumiti lang din sya sa akin na para bang nahihiya. Pero nakainom na sya ng alak kaya medyo lumakas ang loob. Pinakuha nya ang speaker at TV sa sala. Pwede daw gawing Videoke yun. Konting kutingting lang ang ginawa ni kuya Tyrone at yun nga pwede na nilang gamitin. " Oh Philip dahil birthday naman ni Mia ikaw na unang kumanta...." Sabi ni kuya Tyrone sabay abot sa kanya ng microphone. Tumayo sya at inalalayan din akong tumayo. Magkahawak ang aming mga kamay. " Happy birthday love. Para sayo itong song na ito..." Wala man sa 'yo ang lahat 'Wag kang mangamba, ah, ah Wala man sa 'yo ang lahat Iniibig kita, ah, ah Hindi ka man 'yung tipo Na makikita sa TV at sa diyaryo Ang sinisigaw ng puso Ika'y mahal ko, oh-whoa, oh-whoa Wala man sa 'yo ang lahat Sa 'kin ay ikaw lang, ah, ah Wala man sa 'yo ang lahat Hanap ka sa tuwina, ah, ah Ang bawat pintig ng puso ko Sinisigaw ang pangalan mo Sa lungkot at sa ligaya, kasama mo 'ko Ang mundo ko ay naging masaya Salamat sa Diyos, nakilala kita Buong buhay ko'y nag-iba, gumaan talaga Ganito pala 'pag nagmamahal, sinta Wala man sa 'yo ang lahat 'Wag kang mag-alala, ah, ah Wala man sa 'yo ang lahat Sa puso ko'y ikaw lang, ah, ah Kahit ano pa'ng sabihin nila Basta't para sa 'kin ang mahalaga Ang pag-ibig na wagas nating dalawa Ang mundo ko ay naging masaya Salamat sa Diyos, nakilala kita Buong buhay ko'y nag-iba, gumaan talaga Ganito pala 'pag nagmamahal, sinta Ang mundo ko ay naging masaya Salamat sa Diyos, nakilala kita Buong buhay ko'y nag-iba, gumaan talaga Ganito pala 'pag nagmamahal Ang mundo ko ay naging masaya Salamat sa Diyos, nakilala kita Buong buhay ko'y nag-iba, gumaan talaga Dahil ikaw ang aking kasama, sinta Wala man sa 'yo ang lahat... " Thank you for loving me and Pritz love." sabay halik nya sa ulo ko. Nagpalakpakan naman sila. "Wow ang sweet..." " Isa pa isa pa...." " Pinsan ko yan ang galing talaga nakakakilig." Iba-ibang komento ang mga narinig ko. Nakaka proud. Ang gwapo na tapos ang galing pang kumanta... Ang sweet pa.... " I love you too love... Mahal na mahal kita. Salamat dahil dumating ka rin sa buhay ko." hinalikan ko sya sa pisngi pero pagkatapos nun ay siniil nya rin ako ng halik sa labi... Kanya kanyang hiyawan na. Tuksuhan.... Ng bitawan nya ang labi ko ay napayuko nalang ako. Grabe hindi namin napigilan talagang nagawa namin yun sa harapan ng mga kaibigan namin... " Kuya Tyrone ikaw naman...."inabot ni Philip ang microphone sa pinsan nya. Kumanta rin si kuya Tyrone na kinatili naman ni Bethany ng matapos ito. Kitang kita ko sa kanilang dalawa ang pagmamahal nila sa isa't isa. Sumunod naman si Captain Yessa.... Ma papa wow ka sa boses nya. Ang galing nya rin palang kumanta. Proud na proud si Greg... Tunay ngang sa mata makikita ang pagmamahalan ng dalawang tao... Nakakainggit sila. Wish ko ma buo na rin ang pamilya namin ni Philip, malagpasan na ang mga pagsubok sa buhay. Tanggap ko ang kapalaran ko na ampon lang ako. Pero wala naman akong balak na alamin pa kung sino ang mga magulang ko. Kung dumating man ang panahon na makilala ko sila ay tatanggapin ko. Hindi ko kailangang sumbatan sila. Dahil kung hindi nila ako iniwan sa Isla na yun ay di ko makikilala si Lolo Solomon ko na nagpalaki at nagmahal sa akin bilang tunay nyang apo, si Philip na kababata ko na ngayon ay ama ng anak ko. Siguro nararapat pa ngang pasalamatan sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD