16

1027 Words
Mia POV Anong nangyari sa balat ko???? Puro kiss mark.??? Mula sa leeg, sa bandang dibdib, sa puson. Shuta bakit pati sa singit ko???? Naiinis akong tumingin ulit sa salamin dito sa banyo. Hayst Philip anong ginawa mo sa akin??? " Mommy.... meron ka pong bisita." Nakita ko si Pritz na pinagmamasdan ang lalaki na ngayon ay nakaupo na sa sofa sa sala. Gusto ko man syang pagalitan kung bakit nya agad-agad pinapasok ang estranghero pero nauna na itong humarap sa akin. " Hi Mia good morning. Happy birthday!" nakangiti pang bati sa akin ni Euriz. Inabutan nya ako ng flowers. Nag pasalamat naman ako sa kanya. " Mommy sino po sya?" Tanong sa akin ng anak ko. Nakalimutan kong ipakilala sya sa kanya. " Pritz siya si Engineer Euriz, bunsong kapatid sya ng boss ko." Pagpapakilala ko. " Euriz si Pritz anak ko." baling ko naman kay Euriz. Sa totoo lang gwapo naman si Euriz may lahi kasi syang Americano kaya ang tangkad at maputi rin ang balat nya. " Napaka pormal naman nun." Sabay tayo nya. Nilapitan nya si Pritz. " Hi I'm Euriz pwede mo akong tawagin Tito Euriz, pero kapag naging kami na ng mommy mo ay pwede mo na akong tawaging daddy Euriz." nilahad nya pa ang kamay nya na nakangiti. " Meron na po akong daddy." supladong sagot ni Pritz Nginitian lang sya ni Euriz. " Ayos lang. Maybe friends, baka pwede tayong maging magkaibigan.?" " Opo pwede po. Pero wag mong liligawan ang mommy ko. Magagalit ang daddy ko." Sabi nya pa. " Ump. Hindi ko maipapangako. Siguro kapag nagkabalikan na sila ng mommy mo saka ako hihinto." sagot nya pa. Mangha akong napabaling sa kanya. Hindi ko inexpect na desidido syang manligaw kahit na ilang beses ko na syang pinahihinto. " Ang aga mo ata Euriz?" pag iiba ko ng topic. " Yah I'm sorry hindi ako nag pasabi. Gusto ko rin sana akong unang bumati sa birthday mo ng personal." Ngumiti nalang ako sa kanya. Naalala ko tuloy yung naging ganap kaninang madaling araw. "Love please stay.......I know this is not a dream. So please stay with me. I love you and I'm miss you so much love..." Sabi ko sa kanya sa panaginip. Pero imbis na makatulog ay nagulat ako ng bigla nya akong daganan. " I miss you too and I love you too love." narinig ko pang sabi niya bago nya ako halikan. Ilang ulit na may mangyari sa amin hanggang sa napagod na ako. Pinahiga nya ako sa braso nya at yumakap naman ako sa kanya. Siniksik ko ang aking mukha sa kanyang dibdib. Wala kaming parehong damit dahil pareho kaming nakahubad. Isang malambot na kumot lang ang nagsisilbing takip namin sa aming mga katawan. Amoy na amoy ko ang pawisan nyang katawan ang bango bango nya talaga. Na miss ko talaga to. Sana ganito nalang lagi. " Love happy birthday!" bati nya pa sa akin bago ako nakatulog. Nagising ako kanina na wala sa tabi ko si Philip. Nagdalawang isip pa ako kung totoo ba o panaginip ulit yun. Nakasuot na kasi sa akin yung pantulog kong suot kagabi. Nag punta akong banyo para mag bawas at maligo na rin bago puntahan si Pritz. Natapos na kong maligo ng mapadaan ako sa malaking salamin na nakasabit sa wall ng banyo. Nakita ko sa repleksyon ko dun at laking gulat ko nga ng makita kung gaano kadami ang kiss mark ko... ------------ Philip POV Hindi ko na pinigilan pa ang sarili ko at inangkin ko ng tuluyan si Mia. Sabik na sabik na ako sa kanya. Ilang taon rin akong nagtiis. Sa totoo lang maraming babae ang nagparamdam sa akin ng interes pero na kay Mia lang ang buong atensyon ko. Sya lang din kasi ang gusto kong makasama bukod kay Thany na malapit ko na sanang mapangasawa dati. Kapag pumupunta ako kanila kuya Tyrone ay madalas kong inaabutan si Thany at kuya na naglalambingan. Sa totoo lang wala akong ma kapa na selos. Siguro nga ay na dala lang din ako sa awa sa kanya noong halos balewalain sya ng taong mahal na mahal nya, gusto ko syang protektahan sa mismong pinsan ko kaya umabot sa pag-alok ko sa kanya ng trabaho sa Canada. Mabilis syang natuto, mabait sya, lagi nya akong napapangiti, at syempre masarap syang magluto sa totoo lang kaya naman minahal ko na rin sya, pero ibang iba ang pagmamahal ko kay Mia dahil kayang kaya kong mag sakripisyo para sa kanya. Mahal na mahal ko sila ng anak namin. Sana nga ay magtuloy-tuloy na ito. 6 am ng magising ako. Mahimbing pa ring natutulog si Mia pero nakatalikod na sya sa akin. Binihisan ko sya. Saka kinumutan ulit. Lumipat na ako sa silid ni Jeya para maka ligo at umpisahan na ng trabaho ko... May narinig akong nag-uusap sa sala kaya sumilip ako. Nakita ko si Mia, Pritz at isang lalaki na kung ma katitig sa asawa ko ay mukhang may pagtingin. Narinig ko pa at na kumpirma na manliligaw nya ang lalaki. Manliligaw???? Hayst.... Inalok nya pang mag-almusal. Pero tumanggi naman. Nagpaalam na rin sya kanila Mia. Pag tingin ko kay Pritz bakas sa anak ko na hindi welcome ang bisita sa kanya. Kaya siguro nagpaalam na rin yung lalaki. Lihim naman akong natuwa. Sa akin pa rin ang loyalty ng anak namin. Gusto ko na sanang bumaba para mag pakita na rin kay Mia pero na udlot lang ito ng may panibagong bisita na naman. " Happy birthday!" bati na naman ng bagong bisita, kilala ko ito, sya ang anak ni Yaya Metring. May dala syang cake. Nakita kong close sila ni Pritz. Naka yakap pa sa katawan nya si Pritz. Gusto kong mag selos pero hindi dapat. Ang sabi ni Pritz hindi naman daw nanligaw kay Mia. Si Jeya ang gusto. Kaya ayos lang sa aking mapalapit sila. Hindi na rin naman iba si Justin sa akin nakalaro ko na rin sya nung mga bata pa kami. Pumasok na lang ulit ako sa silid para ipagpatuloy ang trabaho ko. Maya maya lang ay may kumatok. Alam kong si Pritz ito. Kaya nga dali-dali kong binuksan... Love?????????
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD