18

1301 Words
Mia POV Nag siuwian na ang mga bisita. Tanging si Justin nalang ang naiwan. Na lasing kasi sya ng husto at nakatulog na sa sofa. " Love ilipat mo na yung mga gamit mo sa room ko para makapag pahinga na rin si Jeya." utos ko kay Philip. Ngumisi pa ito sa akin medyo na lasing din si Philip. Niyakap nya ako saka hinalikan sa labi. Nasa sala pa kami kaya naman tinulak ko sya baka pa kung saan na naman umabot at may makakita pa sa amin. Patawa-tawa pa ang loko. Nauna na akong na ligo sa kanya. Gusto nyang sabay kami pero di ako pumayag. May balak na naman eh, masakit pa nga ang hiyas ko dahil sa ginawa namin kagabi hanggang sa mag madaling araw na.... Nagpapatuyo ako ng buhok ng lumabas sya sa banyo. Hindi na nag damit. Tanging boxer lang ang saplot sa katawan. " Alam ko love na maganda yang katawan mo, pero parang awa mo na pagpahingahin mo naman ang hiyas ko." Sabi ko sa kanya. Tawang tawa naman sya sa sinabi ko. Napangiti naman ako. Mula ng mamatay na mag kasunod ang magulang nya ay di ko na nakita ulit ang masiyahing Philip. Mabuti ngayon ay naibalik nya na ulit. Lumapit sya sa akin at kinuha ang blower sa kamay ko. " Ako na love. Na miss ko to." Tumaas ang isang kilay ko! Anong na miss nya? Itong pag blower sa buhok ko???? Sabagay ginagawa nya nga to dati, kahit pagod sya sa work nya pero di nya pa rin ako pinapabayaan, kahit simpleng gawa lang tinutulungan nya pa rin ako. Simpleng mga gawa pero sobrang nakakakilig. Ang swerte ko talaga kay Philip. " Okay na love..." Di ko namalayan na tapos na pala. " Thanks love." " Wait love, may ibibigay ako sayo." May kinuha sya sa drawer kung saan ko nilagay yung kwintas na nakita ko last time. " Love for you..." Nilabas nya yung kwintas sa kahon nito.. Hinawi nya pa yung buhok, saka nya isinuot sa akin. "Matagal ko ng nilagay to dito pero malapit pang mawala." Sabi nya habang inaayos ang buhok ko. Ang ganda ng necklace na ito... " Thanks love!!!! Magkano naman ang bili mo dito????" tanong ko sa kanya. " Hulaan mo!!!!" " 500k???" Nakakita na rin ako ng ganito dati pero iba ang style. " More than!!!!" " What???? Ang mahal naman...." Sabi ko pa. " Eh ano naman. Mas mahal kita." Ayan na naman ang mga hirit nyang pamatay sa kilig. " I love you Mia... I'm sorry if I hurt you." " It's okay love I understand. Mahal na mahal din kita." sabay halik ko sa kanyang labi. ------------ Sumama na kami ni Pritz kay Philip pabalik sa Manila. Bakasyon naman kaya okay lang. Sumabay na rin sa amin sila Jeya at Justin. " Friend pasyal tayo sa mall, mag pa salon tayo." Aya sa akin ni Jeya. Isinama kasi ni Philip si Pritz papuntang Isla para ipasyal sa family side nya kaya kaming dalawa lang ang naiwan. Nag spa kami, massage, pedicure, manicure, haircut, nagpa rebond si Jeya ako naman nagpapalit lang ng color ng hair. dating light ash blonde pero pinagawa kong purplish red para maiba naman. After namin sa salon ay kumain muna kami ng lunch. " Sige friend ako na lang ang mag order. Napagka sunduan kasi namin ni Jeya na sa fastfood nalang kumain. Ako ang hahanap ng mauupuan. Ang daming tao. Halos lahat ng upuan ay occupied maliban sa pinakadulo. May isang babae na kumakain may available na 2 seats kaya pinuntahan ko sya baka pwedeng maki share bg table. " Hi miss pwedeng maki share sa table?" tanong ko sa kanya. " Sige po." Kinuha nya yung bag nya isang bakante pang upuan. Saka nya ako nginitian. Ang simple nya lang... " Thanks!" " Welcome po. Kain po tayo." Aya nya pa sa akin. Sabay turo sa patapos nya ng pagkain. " Sige salamat hihintayin ko lang yung kasama ko...." Tumango lang sya at kumain na ulit. Nang matapos sya ay nagpaalam na rin sya sa akin. Wala pa rin si Jeya kaya naghintay pa ako ng kaunti. Kumain na kami. Nang matapos rin ay saka kami nag libot... Bumili kami ng dress, sapatos at saka mga gamit ni Pritz sa susunod na pasukan. Nakita ko ulit yung babae. Ako na ang unang pumansin sa kanya. " Hi!!!!" bati ko sa kanya. Pumili sya ng ballpen. Nasa book store kasi kami ng mall. " Hello po." " Ako nga pala si Mia." Pagpapakilala ko sa kanya. Ang gaan nya kasing kausap. Pati aura nya ang gaan " Catley po!" sabay hawak nya sa kamay ko para maki pag shake hands. " Taga dito ka???" Tanong ko sa kanya. " Hindi po, pero dito ako nag tatrabaho." tugon nya. So may work sya dito sa Manila. Pinakilala ko rin si Jeya sa kanya... " Friend magkahawig kayo ni Catley ng mata." " Talaga ba???" " Oo, pero malabo na magkadugo kayo. Kasi di ba sabi nya taga Bulacan sila I mean yung angkan nila.. Eh sabi ng mommy mo, este ex mom mo taga Mindanao ang biological mom mo." Tumango na lang ako sa sinabi nya. Mukhang malabo nga, sa mata lang naman kami magkahawig. Sa kulay ng balat ang layo, sa height naman malayo din. Nag-ikot ikot pa kami hanggang sa mag ha-hapon na ay nag tungo na kami sa parking lot. Nakakapagod talaga ang sobrang paglalakad. Nang makasakay ako sa sasakyan ay ipinikit ko ang aking mga mata. Gusto kong umidlip. Ilang minuto lang ay napasigaw si Jeya. " Mia my gosh nakita ko si Akio. Narito sya..." si Jeya. Nagmulat ako ng mata pero hindi ko naman nakita yung tinuro nyang sasakyan, nakalampas na rin sa amin. Kinabahan ako bigla. According sa PI nila Philip ay kaibigan ni Akio ang sangkot sa pagkamatay ng daddy ni Philip. Bakit kaya narito na naman si Akio. Tapos na kami matagal na almost 4 years na rin na wala akong balita sa kanya... Actually wala naman akong problema kay Akio sa ugali. Masyadong misteryoso pero wala naman syang ginawa na labag sa loob ko. Pero yung mga kaibigan nya... Mas nakakatakot.... Kaya nilang pumatay kapag ginusto nila... Nakauwi na rin kami na yun lang ang nasa isip ko. Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Philip, baka lumuwas agad sila kapag sinabi ko. Hindi na naman sya makaka pag enjoy dun. Sinabihan ko si Jeya na wag na munang ipaalam kay Philip ang nakita nya. Sa Sabado narito na rin naman sila. Dalawang araw nalang naman. Hindi na lang siguro ako lalabas ng bahay para hindi na rin magtagpo ang landas namin ni Akio. " Friend sure ka ba na dito ka lang??? Sabagay mas maraming tauhan dito si Philip mas safe ka dito." Pupunta kasi si Jeya ngayon sa dentist nya, gusto nya sana akong isama kaya lang ay umayaw ako. Kaya naman pinasamahan ko nalang din sya sa driver namin para hindi na sya mag commute pa. " Thanks friend. Text mo ako kapag may problema ah." Tinaboy ko na sya. Kanina pa kasi urong sulong sa lakad nya eh. Nakakatawa lang talaga at parang natatakot na iwan ako dito sa bahay namin. Nakatanggap naman ako ng tawag galing kay Philip. Nangangamusta lang naman tapos sasabihin na miss nya na daw ako. Haha nakakatawa lang. Kesyo sana sumama nalang daw ako sa kanila. Eh nakakahiya rin naman kay Jeya kung iwan namin sya dito. Kaya naman nag pa iwan na rin ako. At saka ilang araw lang naman eh mabilis lang yun. Syempre miss ko na rin naman sila ni Pritz pero maganda rin namang may bonding silang mag ama, Lalo na at ilang taon nalang binata na rin ang kaisa-isa kong anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD