C50-Pag-alis‼️

1617 Words

Tatlong araw nang hindi nagpapakita sa akin si Revas. Kahit text o tawag ay wala akong na-receive mula sa kaniya kaya nakakaubos talaga ng pasensiya. Iyong tatlo niyang kaibigan ay salit-salitan sa pagsama sa akin dahil naaawa sila sa akin. Sila na rin ang humihingi ng pasensiya para sa kaibigan nila. Ang sabi ni Asher ay naroon daw si Revas sa bukid. Hindi ko alam kung ano'ng ginagawa ng lalaking ‘yon doon para hindi magpakita sa akin ng ilang araw. Kung ayaw niyang magpakita sa akin ay ako na mismo ang pupunta sa kaniya. Kung hindi pa rin siya magsasalita ay baka palayain ko na lang siya kaysa stress ang abutin ko sa kaniya. Kung space ang gusto niya, ibibigay ko iyon sa kaniya pero kailangan muna naming mag-usap ng masinsinan bago kami tuluyang maging multo sa isa't isa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD