C51-Paglayo‼️

1629 Words

Pagdating namin sa bahay ni Reynold ay suka ako nang suka. Hindi niya malaman kung paiinumin ba ako ng maligamgam na tubig o malamig na tubig. Halos hindi nga ako kumain sa biyahe pero ang dami ko pa ring isinuka. “Ana, ano ba'ng nangyayari sa iyo? Ba't ka ba suka nang suka?” Wala kaming kasama rito kun'di kaming dalawa lang. Malaki ang bahay ni Reynold dito sa Albay pero 'pag pumunta ka sa labas ay para ka na ring nasa bahay ni Revas dahil puro puno, gulay at bulaklak ang makikita mo. “Nahihilo ka ba? Ano ba'ng gusto mong kainin, Ana?” “Ayos lang ako, Reynold. Nanibago lang siguro ako sa mahabang biyahe,” sabi ko sa kaniya dahil nakita kong pinagpapawisan na rin siya kagaya ko. “Reynold, puwede ka bang magluto ng adobo ngayon?” “Puwede naman.” “Magluto ka nga tapos lagyan mo ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD